< Levitico 18 >

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Un Tas Kungs runāja uz Mozu un sacīja:
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ako ang Panginoon ninyong Dios.
Runā uz Israēla bērniem un saki tiem: Es esmu Tas Kungs, jūsu Dievs.
3 Huwag kayong gagawa ng gaya ng ginawa sa lupain ng Egipto na inyong tinahanan: at huwag din kayong gagawa ng gaya ng ginagawa sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo: ni huwag kayong lalakad ng ayon sa mga palatuntunan nila.
Pēc Ēģiptes zemes darbiem, kur jūs esat mājojuši jums nebūs darīt un pēc Kanaāna zemes darbiem, kurp Es jūs vedu, jums nebūs darīt, nedz staigāt viņu likumos.
4 Tutuparin ninyo ang aking mga kahatulan, at iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, na inyong lalakaran: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Jums būs darīt Manu tiesu un Manu iestādījumu un iekš tiem staigāt; - Es esmu Tas Kungs, jūsu Dievs.
5 Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad: ako ang Panginoon.
Manus likumus jums būs turēt un Manu tiesu jums būs darīt; kurš cilvēks tos darīs, tas caur tiem dzīvos; - Es esmu Tas Kungs.
6 Huwag lalapit ang sinoman sa inyo sa kanino man sa kaniyang kamaganak na malapit, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran: ako ang Panginoon.
Nevienam nebūs pieiet pie sava asinsrada, kaunumu atsegt; - Es esmu Tas Kungs.
7 Ang kahubaran ng iyong ama, o ang kahubaran ng iyong ina ay huwag mong ililitaw: siya'y iyong ina; huwag mong ililitaw ang kahubaran niya.
Sava tēva kaunumu un savas mātes kaunumu tev nebūs atsegt; tā ir tava māte, viņas kaunumu tev nebūs atsegt.
8 Ang kahubaran ng asawa ng iyong ama ay huwag mong ililitaw: yaon nga'y kahubaran ng iyong ama.
Sava tēva sievas kaunumu tev nebūs atsegt; - tas ir tava tēva kaunums.
9 Ang kahubaran ng iyong kapatid na babae, na anak ng iyong ama o anak ng iyong ina, maging ipinanganak sa sarili o sa ibang bayan, ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila.
Savas māsas, sava tēva meitas vai savas mātes meitas kaunumu, vai tā mājā vai ārā dzimusi, tev nebūs atsegt.
10 Ang kahubaran ng anak na babae ng iyong anak na lalake, o ng anak na babae ng iyong anak na babae, ay huwag mong ililitaw ang kahubaran nila: sapagka't ang kahubaran nila ay kahubaran mo rin.
Sava dēla meitas vai savas meitas meitas kaunumu tev nebūs atsegt; - jo tas ir tavs kaunums.
11 Ang kahubaran ng anak ng babae ng asawa ng iyong ama, na naging anak sa iyong ama, siya'y kapatid mo, huwag mong ililitaw ang kahubaran niya.
Sava tēva sievas meitas kaunumu, kas tavam tēvam dzimusi, (tā ir tava māsa) tev nebūs atsegt.
12 Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ama ay huwag mong ililitaw: siya'y kamaganak na malapit ng iyong ama.
Sava tēva māsas kaunumu tev nebūs atsegt, tā ir: tava tēva asins radiniece.
13 Ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina ay huwag mong ililitaw: sapagka't siya'y kamaganak na malapit ng iyong ina.
Savas mātes māsas kaunumu tev nebūs atsegt, jo tā ir tavas mātes asins radiniece.
14 Ang kahubaran ng kapatid na lalake ng iyong ama ay huwag mong ililitaw, sa asawa niya ay huwag kang sisiping: siya'y iyong ali.
Sava tēva-brāļa kaunumu tev nebūs atsegt, viņas sievu tev nebūs aizskart, - tā ir tava tēva brāļa sieva.
15 Ang kahubaran ng iyong manugang na babae ay huwag mong ililitaw: siya'y asawa ng iyong anak; ang kahubaran niya ay huwag mong ililitaw.
Savas vedeklas kaunumu tev nebūs atsegt, tā ir tava dēla sieva, - tev nebūs atsegt viņas kaunumu.
16 Ang kahubaran ng asawa ng iyong kapatid na lalake ay huwag mong ililitaw: kahubaran nga ng iyong kapatid na lalake.
Sava brāļa sievas kaunumu tev nebūs atsegt, - tas ir tava brāļa kaunums,
17 Ang kahubaran ng isang babae at ng kaniyang anak na babae ay huwag mong ililitaw; huwag mong pakikisamahan ang anak na babae ng kaniyang anak na lalake o ang anak na babae ng kaniyang anak na babae, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran; sila'y kamaganak na malapit: kasamaan nga.
Kādas sievas un viņas meitas kaunumu tev nebūs atsegt, nedz viņas dēla meitu nedz viņas meitas meitu tev nebūs ņemt, viņas kaunumu atsegt: tās ir asins radinieces, tā ir negantība,
18 At huwag kang makikisama sa isang babaing kalakip ng kaniyang kapatid, na magiging kaagaw niya, na iyong ililitaw ang kahubaran nito, bukod sa kahubaran niyaon, sa buong buhay niya.
Tev arī nebūs ņemt sievu pie viņas māsas, kas tev jau ir, viņas kaunumu atsegt šai par riebšanu, kamēr šī dzīvo.
19 At huwag kang sisiping sa isang babae na ililitaw ang kahubaran niya habang siya'y marumi sa kaniyang karumalan.
Tev arī nebūs sievu aizskart, kamēr viņas sārņu laiks ir, viņas kaunumu atsegt.
20 At huwag kang sisiping sa asawa ng iyong kapuwa, na magpapakadumi sa kaniya.
Tev arī nebūs piegulēt sava tuvākā sievu, ar viņu apgānīdamies.
21 At huwag kang magbibigay ng iyong binhi, na iyong palilipatin kay Moloch sa pamamagitan ng apoy; ni huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Dios: ako ang Panginoon.
Un no sava dzimuma tev nebūs dot, ka tas Molokam top sadedzināts, ka tu sava Dieva vārdu nepulgo; - Es esmu Tas Kungs.
22 Huwag kang sisiping sa lalake ng gaya sa babae: karumaldumal nga.
Pie vīrieša tev nebūs gulēt, tā kā pie sievas, - tā ir negantība.
23 At huwag kang sisiping sa anomang hayop na magpapakadumi riyan: ni ang babae ay huwag lalagay sa harap ng hayop upang pasiping: kahalayhalay nga.
Tev arī nebūs jaukties ar nekādu lopu, ar viņu apgānīdamies; ir nekādai sievai ar nekādu lopu nebūs apieties, ar to sagānīdamās; tā ir neganta sajaukšanās.
24 Huwag kayong magpakarumi sa alin man sa mga bagay na ito; sapagka't lahat ng ito ay nangadumhan ang mga bansang aking palayasin sa harap ninyo:
Un jums nebūs apgānīties ar šādiem (grēkiem), jo ar šiem visiem tie pagāni ir apgānījušies, ko Es jūsu priekšā izdzīšu.
25 At nadumhan ang lupain: kaya't aking dinadalaw ang kasamaang iyan diyan, at ang lupain din ang nagluluwa sa mga tumatahan diyan.
Un tā zeme ir apgānīta, un Es par to viņas noziegumu piemeklēšu, tā ka tā zeme savus iedzīvotājus izspļauj.
26 Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kahatulan, at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo:
Bet jums būs turēt Manus likumus un Manu tiesu un nekā nedarīt no visām šīm negantībām, ne iedzīvotājam, ne svešiniekam, kas mīt jūsu starpā;
27 (Sapagka't ang lahat ng karumaldumal na ito, ay ginawa ng mga tao sa lupaing iyan, na mga una kaysa inyo; at ang lupain ay nadumhan);
Jo šīs zemes ļaudis, kas priekš jums bija, visas šās negantības darījuši, un tā zeme ir apgānīta.
28 Upang huwag naman kayong iluwa ng lupain, sa pagkahawa ninyo, na gaya ng pagluluwa sa bansang nagsitahan ng una kaysa inyo.
Lai tā zeme jūs arīdzan neizspļauj, kad jūs to apgānīsiet, itin kā tā izspļāvusi tos pagānus, kas priekš jums bija.
29 Sapagka't yaong lahat na gumawa ng alin man sa mga kahalayang ito, sa makatuwid baga'y ang mga taong magsigawa ng gayon ay ihihiwalay sa kanilang bayan.
Jo ikviens, kas no šīm negantībām ko darīs: tām dvēselēm, kas to dara, būs tikt izdeldētām no saviem ļaudīm.
30 Kaya ingatan ninyo ang aking bilin, na huwag kayong gumawa ng alin man sa mga karumaldumal na kaugaliang ito na kanilang ginawa ng una bago kayo, at huwag kayong magpakarumal sa mga iyan: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Tāpēc jums būs turēt Manu likumu, ka jūs nedarāt pēc nevienas no tām negantām ierašām, ko tie priekš jums darījuši, nedz ar tām apgānāties: - Es esmu Tas Kungs, jūsu Dievs.

< Levitico 18 >