< Levitico 12 >

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Sinabi ni Yahweh kay Moises,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal.
“Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo.
3 At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama.
Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki.
4 At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis.
Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina mula sa kaniyang pagdurugo sa loob ng tatlumput-tatlong araw. Dapat hindi siya hahawak ng anumang banal na bagay o pupunta sa loob ng tabernakulo habang hindi tapos ang mga araw ng kaniyang paglilinis.
5 Nguni't kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo.
Ngunit kung manganganak siya ng isang sanggol na babae, sa gayon magiging marumi siya sa loob ng dalawang linggo, gaya nang siya ay nasa panahon ng kaniyang pagdurugo. Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina sa loob ng animnaput-anim na araw.
6 At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinakahandog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote;
Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari.
7 At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon, at itutubos sa kaniya; at siya'y malilinis sa agas ng kaniyang dugo. Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae.
Pagkatapos ay ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh at gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya at malilinis siya mula sa kaniyang pagdurugo. Ito ay ang batas tungkol sa isang babae na magsisilang sinuman sa dalawa isang lalaki o isang batang babae.
8 At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinakahandog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.
Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'”

< Levitico 12 >