< Panaghoy 5 >

1 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
여호와여 우리의 당한 것을 기억하시고 우리의 수욕을 감찰하옵소서
2 Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
우리 기업이 외인에게, 우리 집들도 외인에게 돌아갔나이다
3 Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.
우리는 아비 없는 외로운 자식이오며 우리 어미는 과부 같으니
4 Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
우리가 은을 주고 물을 마시며 값을 주고 섶을 얻으오며
5 Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
우리를 쫓는 자는 우리 목을 눌렀사오니 우리가 곤비하여 쉴 수 없나이다
6 Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
우리가 애굽 사람과 앗수르 사람과 악수하고 양식을 얻어 배불리고자 하였나이다
7 Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
우리 열조는 범죄하고 없어졌고 우리는 그 죄악을 담당하였나이다
8 Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
종들이 우리를 관할함이여 그 손에서 건져낼 자가 없나이다
9 Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.
광야에는 칼이 있으므로 죽기를 무릅써야 양식을 얻사오니
10 Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.
주림의 열기로 인하여 우리의 피부가 아궁이처럼 검으니이다
11 Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
대적이 시온에서 부녀들을, 유다 각 성에서 처녀들을 욕보였나이다
12 Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.
방백들의 손이 매어달리며 장로들의 얼굴이 존경을 받지 못하나이다
13 Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
소년들이 맷돌을 지오며 아이들이 섶을 지다가 엎드러지오며
14 Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
노인은 다시 성문에 앉지 못하며 소년은 다시 노래하지 못하나이다
15 Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
우리 마음에 희락이 그쳤고 우리의 무도가 변하여 애통이 되었사오며
16 Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
우리 머리에서 면류관이 떨어졌사오니 오호라 우리의 범죄함을 인함이니이다
17 Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
이러므로 우리 마음이 피곤하고 이러므로 우리 눈이 어두우며
18 Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.
시온 산이 황무하여 여우가 거기서 노나이다
19 Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
여호와여 주는 영원히 계시오며 주의 보좌는 세세에 미치나이다
20 Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?
주께서 어찌하여 우리를 영원히 잊으시오며 우리를 이같이 오래 버리시나이까
21 Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
여호와여 우리를 주께로 돌이키소서 그리하시면 우리가 주께로 돌아 가겠사오니 우리의 날을 다시 새롭게 하사 옛적 같게 하옵소서
22 Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.
주께서 우리를 아주 버리셨사오며 우리에게 진노하심이 특심하시니이다

< Panaghoy 5 >