< Mga Hukom 21 >
1 Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa, na nagsasabi, Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa.
А синови Израиљеви беху се заклели у Миспи рекавши: Ниједан између нас да не да кћери своје за жену сину Венијаминовом.
2 At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam.
Зато отиде народ к дому Божјем, и осташе онде до вечери пред Богом, и подигавши глас свој плакаше врло,
3 At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel?
И рекоше: Зашто се, Господе Боже Израиљев, догоди ово у Израиљу, данас да нестане једног племена из Израиља?
4 At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
И сутра дан урани народ, и начини онде олтар, и принесоше жртве паљенице и жртве захвалне.
5 At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin.
Тада рекоше синови Израиљеви: Има ли ко да није дошао на збор из свих племена Израиљевих ка Господу? Јер се беху тешко заклели за оног ко не дође у Миспу ка Господу рекавши: Да се погуби.
6 At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito.
Јер се синовима Израиљевим сажали за Венијамином братом њиховим, и рекоше: Данас се истреби једно племе из Израиља.
7 Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan, yamang tayo'y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?
Шта ћемо чинити с онима што су остали да би имали жене, кад се заклесмо Господом да им не дамо кћери својих за жене?
8 At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan.
Па рекоше: Има ли ко из племена Израиљевих да није дошао у Миспу ка Господу? И гле, не беше дошао на војску, на збор, нико из Јависа Галадовог.
9 Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon.
Јер кад се народ преброја, гле, не беше онде ниједног од оних који живе у Јавису Галадовом.
10 At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata.
Зато посла збор онамо дванаест хиљада храбрих људи, и заповеди им говорећи: Идите и побијте становнике у Јавису Галадовом оштрим мачем и жене и децу.
11 At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake.
Ово ћете дакле учинити: све мушкиње и све женскиње што је познало човека побијте.
12 At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan.
И нађоше међу становницима Јависа Галадовог четири стотине девојака, које не беху познале човека, и доведоше их у логор у Силом, који је у земљи хананској.
13 At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon, at inihayag ang kapayapaan sa kanila.
Тада посла сав збор, те говорише синовима Венијаминовим који беху у стени Римону, и објавише им мир.
14 At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad: at gayon ma'y hindi sapat sa kanila.
Тако се вратише синови Венијаминови у то време, и дадоше им жене које оставише у животу између жена из Јависа Галадовог; али их не беше доста за њих.
15 At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin, sapagka't ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel.
А народу беше жао Венијамина што Господ окрњи племена Израиљева.
16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga matanda ng kapisanan, Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira, yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin?
Па рекоше старешине од збора: Шта ћемо чинити с овима што су остали да би имали жене? Јер су изгинуле жене у племену Венијаминовом.
17 At kanilang sinabi, Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel.
Потом рекоше: Наследство Венијаминово припада онима што су остали, да се не би затрло племе из Израиља.
18 Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae: sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa, na nangagsasabi, Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin.
А ми им не можемо дати жена између кћери својих; јер су се заклели синови Израиљеви рекавши: Да је проклет ко да жену синовима Венијаминовим.
19 At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
Потом рекоше: Ево, годишњи је празник Господњи у Силому, који је са севера Ветиљу, к истоку, на путу који иде од Ветиља у Сихем, и с југа Левони.
20 At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin, na sinasabi, kayo'y yumaon at bumakay sa mga ubasan;
И заповедише синовима Венијаминовим говорећи: Идите, и заседите по виноградима.
21 At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin.
И пазите: Па кад изиђу кћери силомске да играју, изиђите из винограда и отмите сваки себи жену између кћери силомских; и идите у земљу Венијаминову.
22 At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala.
А кад дођу оци њихови или браћа њихова к нама да се суде, ми ћемо им казати: Смилујте им се нас ради, јер у овом рату нисмо заробили жене за сваког њих; а ви им нисте дали, и тако нећете бити криви.
23 At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila.
Тада синови Венијаминови учинише тако, и доведоше жене према броју свом између играчица које отеше, и отишавши вратише се на наследство своје, и сазидаше опет градове и населише се у њима.
24 At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon, bawa't lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan, at yumaon mula roon ang bawa't lalake na umuwi sa kaniyang mana.
И тако разиђоше се синови Израиљеви оданде у оно време сваки у своје племе и у породицу своју, и отидоше оданде сваки на своје наследство.
25 Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.
У оно време не беше цара у Израиљу; сваки чињаше шта му беше драго.