< Mga Hukom 20 >

1 Nang magkagayo'y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang kapisanan ay nagpisang gaya ng isang tao sa Panginoon sa Mizpa, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na kalakip ng lupain ng Galaad.
Pagkatapos lumabas ang lahat ng mga tao ng Israel bilang iisang tao, mula Dan hanggang Beer-seba, kasama rin ang lupain ng Galaad, at nagtipon sila ng magkakasama sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
2 At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan, sa makatuwid baga'y ng lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan ng bayan ng Dios, na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak.
Ang mga pinuno ng lahat ng mga tao, ng lahat ng mga lipi ng Israel, kinuha ang kanilang mga lugar sa pagpupulong ng mga tao ng Diyos—400, 000 kalalakihang naglalakad, na nakahandang lumaban gamit ang espada.
3 (Nabalitaan nga ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa.) At sinabi ng mga anak ni Israel, Saysayin ninyo sa amin kung bakit ang kasamaang ito ay nangyari?
Ngayon narinig ng lipi ng Benjamin na umakyat ang bayan Israel sa Mizpa. Sinabi ng mga tao ng Israel, “Sabihin sa amin kung paano nangyari itong masamang bagay.”
4 At ang Levita, ang asawa ng babaing pinatay, ay sumagot at kaniyang sinabi, Ako'y naparoon sa Gabaa na ukol sa Benjamin, ako at ang aking babae upang tumigil.
Ang Levita, ang asawang ng babaeng pinatay, ay sumagot, “Ako ay dumating sa Gibea sa teritoryo na nabibilang kay Benjamin, ako at aking isa pang asawa, para magpalipas ng gabi.
5 At bumangon ang mga lalake sa Gabaa laban sa akin, at kinubkob ang bahay sa palibot laban sa akin nang kinagabihan; ako'y kanilang pinagakalaang patayin, at kanilang dinahas ang aking babae, at siya'y namatay.
Nang gabing iyon, nilusob ako ng mga pinuno ng Gidea, pinalibutan ang bahay at tinangkang patayin ako. Sinunggaban at ginahasa ang aking isa pang asawa, at siya ay namatay.
6 At aking kinuha ang aking babae, at aking pinagputolputol, at ipinadala ko sa buong lupain ng mana ng Israel: sapagka't sila'y nagkasala ng kalibugan at ng kaululan sa Israel.
Kinuha ko ang aking isa pang asawa at pinagpira-piraso ang kaniyang katawan, at ipinadala ang mga ito sa bawat rehiyon na ipinamana sa Israel, dahil nakagawa sila ng kasamaan at kalapastanganan sa Israel.
7 Narito, kayong mga anak ni Israel, kayong lahat, ibigay ninyo rito ang inyong payo at pasiya.
Ngayon, lahat kayong mga Israelita, magsalita at ibigay ang inyong payo at pansin dito!”
8 At ang buong bayan ay bumangong parang isang tao, na nagsasabi, Hindi na babalik ang sinoman sa amin sa kaniyang tolda, ni uuwi man ang sinoman sa amin sa kaniyang bahay.
Tumayo ng magkakasama ang lahat ng mga tao bilang isa, at sinabi nila, “Wala sa atin ang pupunta sa kaniyang tolda at wala sa atin ang babalik sa kaniyang bahay!
9 Kundi ngayo'y ito ang bagay na aming gagawin sa Gabaa; magsisiahon kami laban sa kaniya na aming pagsasapalaran;
Pero ngayon ito ang dapat nating gawin sa Gibea: sasalakayin natin ito alinsunod sa makuha sa ating palabunutan.
10 At magsisikuha kami ng sangpung lalake sa isang daan, sa lahat ng mga lipi ng Israel, at isang daan sa isang libo, at isang libo sa sangpung libo, upang ipagbaon ng pagkain ang bayan, upang kanilang gawin pagparoon nila sa Gabaa ng Benjamin ang ayon sa buong kaululang kanilang ginawa sa Israel.
Kukuha tayo ng sampung kalalakihan ng isang daan sa buong mga lipi ng Israel, at isang daan ng isang libo, at isang libo ng sampung libo, para kumuha ng panustos para sa mga taong ito, para kapag dumating sila ng Gibea sa Benjamin, maaari nila silang parusahan dahil sa kasamaan na nagawa nila sa Israel.”
11 Sa gayo'y nagpipisan ang lahat ng mga lalake ng Israel laban sa bayang yaon, na nagtibay na magkakapisang parang isang tao.
Kaya lahat ng mga sundalo ng Israel ay nagtipon laban sa lungsod, nagkaisa nang may isang layunin.
12 At nagsugo ang mga lipi ng Israel ng mga lalake sa buong lipi ng Benjamin, na sinasabi, Anong kasamaan ito na nangyari sa gitna ninyo?
Nagpadala ng kalalakihan ang mga lipi ng Israel sa buong lipi ng Benjamin, sa pagsasabing, “Ano itong kasamaan na nagawa ninyo?
13 Ngayon nga'y ibigay ninyo ang mga lalake, ang mga hamak na tao, na nasa Gabaa, upang aming patayin sila, at alisin ang kasamaan sa Israel. Nguni't hindi dininig ng mga anak ni Benjamin ang tinig ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Israel.
Kaya, ibigay sa amin ang masamang kalalakihan ng Gibea, para maaari namin silang patayin, at para ganap naming matatanggal itong kasamaan mula sa Israel. Pero ang mga Benjamita ay hindi nakikinig sa tinig ng kanilang mga kapatid, ang mga tao ng Israel.
14 At nagpisan ang mga anak ni Benjamin sa mga bayang patungo sa Gabaa, upang lumabas na makibaka laban sa mga anak ni Israel.
Pagkataos dumating ng magkakasama ang mga tao ng Benjamin mula sa mga lungsod patungong Gibea para maghandang sa pakikipaglaban sa mga tao ng Israel.
15 At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan, na dalawang pu't anim na libong lalake na humahawak ng tabak, bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang, na pitong daang piling lalake.
Sama-samang dinala ang mga tao ni Benjamin mula sa kanilang mga lungsod para lumaban sa araw na iyon na 26, 000 sundalo ang tinuruang lumaban gamit ang espada; karagdagan sa bilang na iyon ay pitong daan ng kanilang piniling kalalakihan na mula sa mga naninirahan ng Gibea.
16 Sa kabuoan ng bayang ito ay may pitong daang piling lalake na kaliwete: na bawa't isa'y nakapagpapahilagpos ng pagpapatama ng bato sa isang buhok, at hindi sumasala.
Kabilang sa lahat ng mga sundalo ay pitong daang piniling kalalakihan na mga kaliwete. Bawat isa sa kanila ay kayang tumirador ng isang bato sa isang hibla ng buhok at hindi papalya.
17 At binilang ang mga lalake sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak: lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma.
Ang mga sundalo ng Israel, hindi kasama ang bilang mula kay Benjamin, umabot sa 400, 000 kalalakihan, na tinuruang lumaban gamit ang espada. Ang lahat sa kanila ay mga lalaking mandirigma.
18 At bumangon ang mga anak ni Israel, at nagsiahon sa Beth-el upang sumangguni sa Dios; at kanilang sinabi, Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin? At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang unang aahon.
Bumangon ang bayan ng Israel, pumunta ng Bethel, at humingi ng payo mula sa Diyos. Hiniling nila, “Sino ang unang sasalakay sa mga tao ng Benjamin para sa amin?” Sinabi ni Yahweh, “Unang sasalakay ang Juda.”
19 At nagsibangon ang mga anak ni Israel sa kinaumagahan, at humantong laban sa Gabaa.
Bumabangon ang bayan ng Israel sa umaga at, nakaharap sa Gibea, naghanda sila para sa labanan.
20 At lumabas ang mga lalake ng Israel upang makibaka laban sa Benjamin; at humanay ang mga lalake ng Israel sa Gabaa, sa pakikibaka laban sa kanila.
Lumabas ang bayan ng Israel para lumaban sa pangkat ng Benjamin. Inihanay nila ang kanilang pwestong pandigma laban sa kanila sa Gibea.
21 At lumabas ang mga anak ni Benjamin sa Gabaa at ibinuwal sa lupa sa mga Israelita sa araw na yaon ay dalawang pu't dalawang libong lalake.
Lumabas ang mga tao ng Benjamin mula sa Gibea, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong kalalakihan nag hukbo ng Israel sa araw na iyon.
22 At ang bayan, ang mga lalake ng Israel, ay nagpakatapang, at humanay uli sa pakikibaka sa dakong kanilang hinanayan nang unang araw.
Pero pinatatag ng bayan ng Israel ang kanilang mga sarili, at binuo nila ang hanay pangdigma sa parehong lugar kung saan sila nakahany nang unang araw.
23 At nagsiahon ang mga anak ni Israel, at nagsiiyak sa harap ng Panginoon hanggang sa kinahapunan; at sila'y sumangguni sa Panginoon, na sinasabi, Lalapit ba uli ako upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid? At sinabi ng Panginoon. Umahon ka laban sa kanila.
At umakyat ang bayan ng Israel at sila ay umiyak sa harap ni Yahweh hanggang gabi. At humingi sila ng gabay mula kay Yahweh: “Dapat ba kaming bumalik muli para lumaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Banjamin?” At sinabi ni Yahweh, “Lusubin sila!”
24 At lumapit uli ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikalawang araw.
Kaya pumunta ang bayan ng Israel laban sa mga sundalo ng Benjamin sa pangalawang araw.
25 At lumabas ang sa Benjamin sa Gabaa laban sa kanila nang ikalawang araw, at nabuwal uli sa lupa sa mga anak ni Israel ay labing walong libong lalake; lahat ng mga ito ay humahawak ng tabak.
Sa panagalawang araw, lumabas ang Benjamin laban sa kanila mula Gibea at pinatay nila ang 18, 000 kalalakihan mula sa bayan ng Israel. Lahat ay kalalakihan na tinuruang lumaban gamit ang espada.
26 Nang magkagayo'y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang buong bayan, at nagsiparoon sa Bethel, at nagsiiyak, at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan; at sila'y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon.
Pagkatapos ang lahat mga sundalo ng Israel at lahat ng mga tao ay pumunta ng Bethel at umiyak, at doon sila ay umupo sa harapan ni Yahweh at sila ay nag-ayuno sa araw na iyon hanggang gabi at nag handog ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh.
27 At itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon (sapagka't ang kaban ng tipan ng Dios ay nandoon nang mga araw na yaon,
Tinanong ng bayana ng Israel si Yahweh—dahil ang kaban ng tipan ng Diyos ay naroon sa mga araw na iyon,
28 At si Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, ay tumayo sa harap niyaon nang mga araw na yaon, ) na sinasabi, Lalabas ba ako uli upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid, o magtitigil ako? At sinabi ng Panginoon, Umahon ka; sapagka't bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay.
at si Finehas, anak na lalaki ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay naglilingkod sa harapan ng kaban sa mga araw na iyon—”Dapat ba tayong lumabas para muling makipagdigma laban sa mga tao ng Benjamin, ating mga kapatid, o tumigil?” Sinabi ni Yahweh, “Lusubin, dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila.”
29 At bumakay ang Israel laban sa Gabaa, sa buong palibot.
Kaya nagtalaga ang mga Israelita ng kalalakihan sa mga lihim na mga lugar sa palibot ng Gibea.
30 At nagsiahon ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikatlong araw, at humanay laban sa Gabaa, gaya ng dati.
Nakipaglaban ang bayan ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin sa pangatlong araw, at binuo nila ang kanilang hanay na pangdigma laban sa Gibea gaya ng nakaraan nilang ginawa.
31 At ang mga anak ni Benjamin ay nagsilabas laban sa bayan, na ipinalayo sa bayan; at kanilang pinasimulang sinaktan at pinatay ang bayan gaya ng dati, sa mga lansangan, na ang isa'y umahon sa Beth-el, at ang isa'y sa Gabaa, sa bukid, na may tatlong pung lalake ng Israel.
Pumunta ang mga tao ng Benjamin at nakipaglaban laban sa mga tao, at napalayo sila mula sa lungsod. Nagsimula na silang pumatay ng ilan sa mga tao. May halos tatlumpong kalalakihan ng Israel ang namatay sa mga bukid at sa mga daan. Isa sa mga daan ay papunta ng Bethel, ang iba ay papunta ng Gibea.
32 At sinabi ng mga anak ni Benjamin, Sila'y nangasaktan sa harap natin, gaya ng una. Nguni't sinabi ng mga anak ni Israel, Tayo'y tumakas, at palabasin natin sila mula sa bayan hanggang sa mga lansangan.
Pagkatapos sinabi ng mga tao ng Benjamin, “Sila ay natalo at sila ay tumatakbo palayo mula sa atin, gaya ng nauna.” Pero sinabi ng mga sundalo ng Israel, “Tayo ay tumakbo pabalik at ilayo sila mula sa lungsod papunta sa mga daan.”
33 At lahat ng mga lalake sa Israel ay bumangon sa kanilang dako, at nagsihanay sa Baal-tamar: at ang mga bakay ng Israel ay nagsilabas mula sa kanilang dako, sa makatuwid baga'y mula sa Maare-Gabaa.
Bumangon ang lahat ng mga tao ng Israel mula sa kanilang mga lugar at binuo ang kanilang mga sarili sa hanay para makipagdimaan sa Baal Tamar. Pagkatapos ang mga sundalo ng Israel na nagtatago sa mga lihim na mga lugar ay lumabas sa kanilang mga lugar mula sa Maare Gibea.
34 At nagsidating laban sa Gabaa ang sangpung libong piling lalake sa buong Israel, at ang pagbabaka ay lumala: nguni't hindi nila naalaman na ang kasamaan ay malapit na sa kanila.
Doon lumabas laban sa Gibea ang sampung libong napiling kalalakihan na mula sa buong Israel, at ang labanan ay napakatindi, pero hindi alam ng mga Benjamita na ang kapahamakan ay malapit sa kanila.
35 At sinaktan ng Panginoon ang Benjamin sa harap ng Israel: at pinatay ng mga anak ni Israel sa Benjamin nang araw na yaon ay dalawang pu't limang libo at isang daang lalake: lahat ng mga ito'y humahawak ng tabak.
Tinalo ni Yahweh ang Benjaminita sa harap ng Israel. Sa araw na iyon, nakapatay ang mga sundalo ng Israel ng 25, 100 kalalakihan ng Benjamin. Lahat ng kanilang napatay ay mga tinuruang lumaban gamit ang espada.
36 Sa gayo'y nakita ng mga anak ni Benjamin na sila'y nasaktan: sapagka't binigyang kaluwagan ng mga lalake ng Israel ang Benjamin, sapagka't sila'y umaasa sa mga bakay na kanilang inilagay laban sa Gabaa.
Kaya nakita ng mga sundalo ng Benjamin na sila ay natalo. Nagbigay ang kalalakihan ng Israel ng lupa sa Benjamin, dahil umasa sila sa kalalakihan na inilagay nila sa mga lihim na pwesto sa labas ng Gibea.
37 At nangagmadali ang mga bakay at nagsidaluhong sa Gabaa, at nangagpatuloy ang mga bakay, at sinugatan ang buong bayan ng talim ng tabak.
Pagkatapos ang kalalakihan na nagtatago ay bumangon at nagmadali at sinugod nila ang Gibea, at gamit ang kanilang mga espada pinatay nila ang lahat ng mga naninirahan sa lungsod.
38 Nagkaroon nga ng palatandaan ang mga anak ng Israel at ang mga bakay, na sila'y gagawa ng alapaap na usok na pauusukin mula sa bayan.
Ang inayos na hudyat sa pagitan ng mga sundalo ng Israel at kalalakihan na nagtatago ng palihim ay ang isang malaking ulap ng usok na tataas mula sa lungsod—
39 At nang ang mga lalake ng Israel ay nagsipihit mula sa pagbabaka, at pinasimulang sinaktan at pinatay ng Benjamin ang mga lalake ng Israel na may tatlong pung lalake: sapagka't kanilang sinabi, Walang pagsalang sila'y nasaktan sa harap natin gaya ng unang pagbabaka.
—at maaaring aatras ang mga sundalo ng Israel sa labanan malayo mula sa laban. Ngayon nagsimula ng lumusob ang Benjamin at pinatay nila ang halos tatlumpung kalalakihan ng Israel, at sinabi nila, “Sigurado ito na matatalo natin sila sa harapan natin, gaya ng naunang labanan.”
40 Nguni't nang ang alapaap ay magpasimulang umilanglang mula sa bayan, sa isang haliging usok, ang mga Benjaminita ay lumingon sa likuran, at, narito, ang apoy ng buong bayan ay napaiilanglang sa langit.
Pero nang magsimula na ang haligi ng usok na tumaas mula sa lungsod, bumalik ang mga Benjamita at nakita ang usok na tumataas sa himpapawid mula sa buong lungsod.
41 At nangagbalik ang mga lalake ng Israel, at ang mga lalake ng Benjamin ay nangabalisa: sapagka't kanilang nakita na ang kasamaan ay dumating sa kanila.
Pagkatapos bumalik ang bayan ng Israel laban sa kanila. Natakot ang kalalakihan ng Benjamin, dahil nakita nila ang kapahamakan ay dumating sa kanila.
42 Kaya't kanilang itinalikod ang kanilang likod sa harap ng mga lalake ng Israel, na nangagsitungo sa ilang; nguni't hinabol silang mainam ng pakikibaka; at yaong nangagsilabas sa mga bayan, ay nagsilipol sa kanila sa gitna ng ilang.
Kaya lumayo sila mula sa mga tao ng Israel, tumakas sa daan papuntang ilang. Pero naabutan sila ng labanan. Lumabas ang mga sundalo ng Israel mula sa lungsod at pinatay sila kung saan sila nakatayo.
43 Kanilang kinubkob ang mga Benjamita sa palibot, at kanilang hinabol, at kanilang inabutan sa pahingahang dako hanggang sa tapat ng Gabaa, sa dakong sinisikatan ng araw.
Pinalibutan nila ang mga Benjaminita at nilusob nila; At kanilang niyurakan sila sa Nohah, at pinatay sila papuntang silangang bahagi ng Gibea.
44 At nabuwal sa Benjamin, ay labing walong libong lalake; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang.
Mula sa lipi ng Benjamin, 18, 000 sunadol tao ang namatay, lahat sila ay kalalakihan na tanyag sa labanan.
45 At sila'y nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato sa Rimmon. At hinabol nila sa mga lansangan ang limang libong lalake; at hinabol silang mainam hanggang sa Gidom, at pumatay sa kanila ng dalawang libong lalake.
Bumalik sila at tumakas patungo sa ilang papunta sa bato ng Rimon. Pinatay ng mga Israelita ang karagdagang limang libo sa kanila sa gilid ng mga daan. Patuloy silang sumunod sa kanila, sinusundan sila ng malapitan hanggang Gidom, at doon pinatay nila ang karagdagang dalawang libo.
46 Na ano pa't lahat na nabuwal nang araw na yaon sa Benjamin ay dalawang pu't limang libong lalake na humawak ng tabak; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang.
Ang lahat ng mga sundalo ng Benjamin na pinatumba sa araw na iyon ay 25, 000—kalalakihan na tinuruan para lumaban gamit ang espada; lahat sila ay tanyag sa labanan.
47 Nguni't anim na raang lalake ay nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato ng Rimmon, at nagsitahan sa malaking bato ng Rimmon na apat na buwan.
Pero anim na daang sundalo ang umatras at tumakas papunta sa ilang, sa dako ng bato ng Rimon. At nanatili sila sa bato ng Rimmon sa loob ng apat na buwan.
48 At binalikan ng mga lalake ng Israel ang mga anak ni Benjamin, at sinugatan nila ng talim ng tabak, ang buong bayan, at gayon din ang kawan, at yaong lahat na kanilang nasumpungan: bukod dito'y yaong lahat ng mga bayan na kanilang nasumpungan ay kanilang sinilaban.
Bumalik ang mga sundalo ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin at inatake at pinatay sila—ang buong lungsod, ang mga baka, at lahat ng mga bagay na kanilang makikita. Sinunog din nila ang bawat bayan sa kanilang madaanan.

< Mga Hukom 20 >