< Judas 1 >
1 Si Judas, na alipin ni Jesucristo, at kapatid ni Santiago, sa mga tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at iniingatang para kay Jesucristo:
ΙΟΥΔΑΣ δούλος Ιησού Χριστού, αδελφός δε Ιακώβου, προς τους κλητούς τους ηγιασμένους υπό Θεού Πατρός, και τετηρημένους υπό του Ιησού Χριστού
2 Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin.
έλεος πληθυνθείη εις εσάς, και ειρήνη, και αγάπη.
3 Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.
Αγαπητοί, επειδή καταβάλλω πάσαν σπουδήν να σας γράψω περί της κοινής σωτηρίας, έλαβον ανάγκην να σας γράψω, προτρέπων εις το να αγωνίζησθε δια την πίστιν, ήτις άπαξ παρεδόθη εις τους αγίους.
4 Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.
Διότι εισεχώρησαν λαθραίως τινές άνθρωποι, οίτινες ήσαν παλαιόθεν προγεγραμμένοι εις ταύτην την καταδίκην, ασεβείς, μεταστρέφοντες την χάριν του Θεού ημών εις ασέλγειαν, και αρνούμενοι τον μόνον δεσπότην Θεόν και Κύριον ημών Ιησούν Χριστόν.
5 Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.
Θέλω δε να σας υπενθυμίσω, αν και σεις εγνωρίσατε ήδη τούτο, ότι ο Κύριος, αφού έσωσε τον λαόν εκ γης Αιγύπτου, απώλεσεν ύστερον τους μη πιστεύσαντας
6 At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. (aïdios )
και αγγέλους οίτινες δεν εφύλαξαν την εαυτών αξίαν, αλλά κατέλιπον το ίδιον αυτών κατοικητήριον, εφύλαξε με παντοτεινά δεσμά υποκάτω του σκότους, δια την κρίσιν της μεγάλης ημέρας (aïdios )
7 Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan. (aiōnios )
καθώς τα Σόδομα και τα Γόμορρα, και αι πέριξ αυτών πόλεις, εις την πορνείαν παραδοθείσαι κατά τον όμοιον με τούτους τρόπον, και ακολουθούσαι οπίσω άλλης σαρκός, πρόκεινται παράδειγμα τιμωρούμεναι με το αιώνιον πυρ. (aiōnios )
8 Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.
Ομοίως και ούτοι ενυπνιαζόμενοι, την μεν σάρκα μιαίνουσι, την δε εξουσίαν καταφρονούσι, και τα αξιώματα βλασφημούσιν.
9 Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.
Ο δε Μιχαήλ ο αρχάγγελος, ότε αγωνιζόμενος με τον διάβολον εφιλονείκει περί του σώματος του Μωϋσέως, δεν ετόλμησε να επιφέρη εναντίον αυτού κατηγορίαν βλάσφημον, αλλ' είπεν, Ο Κύριος να σε επιτιμήση.
10 Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.
Ούτοι δε όσα μεν δεν εξεύρουσι βλασφημούσιν, όσα δε φυσικώς ως τα άλογα ζώα εξεύρουσιν, εις ταύτα φθείρονται.
11 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core.
Ουαί εις αυτούς διότι περιεπάτησαν εις την οδόν του Κάϊν, και χάριν μισθού εξεχύθησαν εις την πλάνην του Βαλαάμ, και απωλέσθησαν εις την αντιλογίαν του Κορέ.
12 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;
Ούτοι είναι κηλίδες εις τας αγάπας σας, συμποσιάζοντες αφόβως, βόσκοντες εαυτούς, νεφέλαι άνυδροι υπό ανέμων περιφερόμεναι, δένδρα φθινοπωρινά άκαρπα, δις αποθανόντα, εκριζωθέντα,
13 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man. (aiōn )
κύματα άγρια θαλάσσης επαφρίζοντα τας ιδίας αυτών αισχύνας, αστέρες πλανήται, δια τους οποίους το ζοφερόν σκότος είναι τετηρημένον εις τον αιώνα. (aiōn )
14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal,
Προεφήτευσε δε περί τούτων και ο Ενώχ, έβδομος από Αδάμ, λέγων, "Ιδού, ήλθεν ο Κύριος με μυριάδας αγίων αυτού,
15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.
δια να κάμη κρίσιν κατά πάντων, και να ελέγξη πάντας τους ασεβείς εξ αυτών, δια πάντα τα έργα της ασεβείας αυτών, τα οποία έπραξαν και δια πάντα τα σκληρά τα οποία ελάλησαν κατ' αυτού αμαρτωλοί ασεβείς."
16 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
Ούτοι είναι γογγυσταί, μεμψίμοιροι, περιπατούντες κατά τας επιθυμίας αυτών και το στόμα αυτών λαλεί υπερήφανα, και κολακεύουσι πρόσωπα χάριν ωφωλείας.
17 Nguni't kayo, mga minamahal, ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;
Αλλά σεις, αγαπητοί, ενθυμήθητε τους λόγους τους προειρημένους υπό των αποστόλων του Κυρίου ημών Ιησού Χριστού,
18 Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.
ότι σας έλεγον, ότι "εν εσχάτω καιρώ θέλουσιν είσθαι εμπαίκται, περιπατούντες κατά τας ασεβείς επιθυμίας αυτών."
19 Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, malalayaw, na walang taglay na Espiritu.
Ούτοι είναι οι αποχωρίζοντες εαυτούς, ζωώδεις, Πνεύμα μη έχοντες.
20 Nguni't kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo,
Σεις όμως, αγαπητοί, εποικοδομούντες εαυτούς επί την αγιωτάτην πίστιν σας, προσευχόμενοι εν Πνεύματι Αγίω,
21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan. (aiōnios )
φυλάξατε εαυτούς εις την αγάπην του Θεού, προσμένοντες το έλεος του Κυρίου ημών Ιησού Χριστού εις ζωήν αιώνιον. (aiōnios )
22 At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;
Και άλλους μεν ελεείτε, κάμνοντες διάκρισιν,
23 At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.
άλλους δε σώζετε μετά φόβου, αρπάζοντες αυτούς εκ του πυρός, μισούντες και τον χιτώνα τον μεμολυσμένον από της σαρκός.
24 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.
Εις δε τον δυνάμενον να σας φυλάξη απταίστους, και να σας στήση κατενώπιον της δόξης αυτού αμώμους εν αγαλλιάσει,
25 Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
εις τον μόνον σοφόν Θεόν τον σωτήρα ημών, είη δόξα και μεγαλωσύνη, κράτος και εξουσία, και νυν και εις πάντας τους αιώνας. Αμήν. (aiōn )