< Josue 1 >

1 Nangyari nga pagkamatay ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue na anak ni Nun na tagapangasiwa ni Moises, na sinasabi,
Po śmierci Mojżesza, sługi PANA, powiedział PAN do Jozuego, syna Nuna, sługi Mojżesza:
2 Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel.
Mojżesz, mój sługa, umarł; teraz więc wstań, przepraw się przez ten Jordan, ty i cały ten lud, do ziemi, którą daję im, synom Izraela.
3 Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises.
Każde miejsce, po którym będzie stąpać wasza noga, dałem wam, jak obiecałem Mojżeszowi.
4 Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan.
Od pustyni i od Libanu aż do wielkiej rzeki, rzeki Eufrat, cała ziemia Chetytów, aż do Morza Wielkiego na zachodzie, będzie wasza granica.
5 Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako sasa iyo: hindi kita iiwan ni pababayaan kita.
Nikt nie ostoi się przed tobą po wszystkie dni twego życia; jak byłem z Mojżeszem, [tak] będę z tobą. Nie porzucę cię ani cię nie opuszczę.
6 Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila.
Wzmocnij się i bądź mężny. Ty bowiem dasz temu ludowi w dziedzictwo ziemię, którą przysiągłem dać ich ojcom.
7 Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon.
Tylko wzmocnij się i bądź bardzo mężny, abyś pilnował wypełniania wszystkiego według prawa, które nakazał ci Mojżesz, mój sługa. Nie odstępuj od niego ani na prawo, ani na lewo, aby ci się wiodło, dokądkolwiek pójdziesz.
8 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Niech ta księga Prawa nie oddala się od twoich ust, ale rozmyślaj o niej we dnie i w nocy, abyś pilnował wypełnienia wszystkiego, co w niej jest napisane. Wtedy bowiem poszczęści się twojej drodze i będzie ci się wiodło.
9 Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.
Czyż ci nie nakazałem? Wzmocnij się i bądź mężny. Nie lękaj się i nie przerażaj, gdyż PAN, twój Bóg, jest z tobą, dokądkolwiek pójdziesz.
10 Nang magkagayo'y nagutos si Josue sa mga pinunong bayan, na sinasabi,
Wtedy Jozue rozkazał przełożonym ludu:
11 Kayo'y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan, na sabihin, Maghanda kayo ng baon; sapagka't sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin.
Przejdźcie przez obóz i rozkażcie ludowi: Przygotujcie sobie żywność, bo za trzy dni przejdziecie przez ten Jordan, aby wejść i posiąść ziemię, którą PAN, wasz Bóg, daje wam w posiadanie.
12 At sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, ay nagsalita si Josue, na sinasabi,
A do Rubenitów, Gadytów i połowy pokolenia Manassesa Jozue powiedział:
13 Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na sinasabi, Binibigyan kayo ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito.
Przypomnijcie sobie słowo, które nakazał wam Mojżesz, sługa PANA: PAN, wasz Bóg, zapewnił wam odpoczynek i dał wam tę ziemię;
14 Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni't kayo'y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;
Niech wasze żony, dzieci i bydło zostaną w ziemi, którą Mojżesz dał wam po tej stronie Jordanu; wy zaś, wszyscy dzielni wojownicy, pójdziecie uzbrojeni przed waszymi braćmi i będziecie im pomagać;
15 Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.
Aż PAN da odpoczynek waszym braciom, jak i wam, i oni posiądą ziemię, którą daje im PAN, wasz Bóg. Potem wrócicie do ziemi swojej posiadłości, którą dał wam Mojżesz, sługa PANA, po tej stronie Jordanu na wschodzie, i posiądziecie ją.
16 At sila'y sumagot kay Josue, na sinasabi, Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay paroroon kami.
I odpowiedzieli Jozuemu: Wszystko, co nam nakazałeś, uczynimy i gdziekolwiek nas poślesz, pójdziemy.
17 Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin didinggin: sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios, na gaya kay Moises.
Jak byliśmy posłuszni Mojżeszowi we wszystkim, tak będziemy posłuszni i tobie. Niech tylko PAN, twój Bóg, będzie z tobą, jak był z Mojżeszem.
18 Sinomang manghihimagsik laban sa iyong utos, at hindi makikinig ng iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kaniya, ay ipapapatay: magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti.
Ktokolwiek sprzeciwi się twemu rozkazowi i nie będzie posłuszny twoim słowom we wszystkim, co mu rozkażesz, niech umrze. Tylko wzmocnij się i bądź mężny.

< Josue 1 >