< Josue 7 >
1 Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel.
Али се огрешише синови Израиљеви о проклетињу, јер Ахан син Хармије сина Завдије сина Зариног од племена Јудиног, узе од проклетих ствари; зато се разгневи Господ на синове Израиљеве.
2 At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.
А Исус посла људе из Јерихона у Гај, који беше близу Вет-Авена с истока Ветиљу, и рече им говорећи: Идите и уходите земљу. И људи одоше и уходише Гај.
3 At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.
И вративши се к Исусу рекоше му: Нека не иде сав народ; до две хиљаде људи или до три хиљаде људи нека иду, и освојиће Гај; немој мучити сав народ, јер их је мало.
4 Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai.
И оде их онамо из народа око три хиљаде људи; али побегоше од Гајана.
5 At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa babaan: at ang mga puso ng mga tao ay nanglumo, at naging parang tubig.
И Гајани посекоше их до тридесет и шест људи; и гонише их од врата до Сиварима, и побише их на стрмени; и растопи се срце у народу, и поста као вода.
6 At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.
А Исус раздре хаљине своје и паде лицем на земљу пред ковчегом Господњим, и лежа до вечера, он и старешине Израиљеве, и посуше се прахом по глави.
7 At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan!
И рече Исус: Јао! Господе Боже, зашто преведе овај народ преко Јордана да нас предаш у руке Аморејцима да нас побију? О, да хтесмо остати преко Јордана!
8 Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway!
Јао! Господе, шта да кажем, кад је Израиљ обратио плећа пред непријатељима својим?
9 Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan?
Чуће Хананеји и сви становници те земље, и слећи ће се око нас, и истребиће име наше са земље; и шта ћеш учинити од великог имена свог?
10 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?
А Господ рече Исусу: Устани: што си пао на лице своје?
11 Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.
Згрешио је Израиљ, и преступио завет мој који сам им заповедио: јер узеше од проклетих ствари, и украдоше, и затајише, и метнуше међу своје ствари.
12 Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
Зато неће моћи синови Израиљеви стајати пред непријатељима својим; плећа ће обраћати пред непријатељима својим, јер су под проклетством; нећу више бити с вама, ако не истребите између себе проклетињу.
13 Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
Устани, освештај народ, и реци: Освештајте се за сутра; јер овако вели Господ Бог Израиљев: Проклетство је усред тебе, Израиљу; нећеш моћи стајати пред непријатељима својим докле не уклоните проклетство између себе.
14 Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake.
Приступићете ујутру по племенима својим; и које племе обличи Господ оно ће приступити по породицама својим; и коју породицу обличи Господ она ће приступити по домовима својим; и који дом обличи Господ, приступиће људи из њега један по један.
15 At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.
Па ко се нађе у проклетству, нека се спали огњем и он и све његово, јер преступи завет Господњи и учини безакоње у Израиљу.
16 Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili:
И уставши Исус ујутру рано рече те приступи Израиљ по племенима својим; и обличи се племе Јудино.
17 At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili:
Потом рече те приступише породице Јудине; и обличи се породица Зарина; потом рече те приступи породица Зарина, домаћин један по један, и обличи се Завдија.
18 At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay napili.
И рече, те приступи његов дом, људи један по један, и обличи се Ахан син Хармије сина Завдије сина Зариног од племена Јудиног.
19 At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.
И рече Исус Ахану: Сине, хајде дај хвалу Господу Богу Израиљевом, и признај пред Њим, и кажи ми шта си учинио, немој тајити од мене.
20 At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:
А Ахан одговори Исусу и рече: Истина је, ја згреших Господу Богу Израиљевом, и учиних тако и тако:
21 Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Видех у плену један леп плашт вавилонски, и двеста сикала сребра, и једну шипку злата од педесет сикала, па се полакомих и узех; и ено је закопано у земљу усред мог шатора, и сребро одоздо.
22 Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.
Тада Исус посла посланике, који отрчаше у шатор, и гле, беше закопано у шатору његовом, и одоздо сребро.
23 At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.
И узеше из шатора и донеше к Исусу и свим синовима Израиљевим, и метнуше пред Господа.
24 At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa libis ng Achor.
Тада Исус и сав Израиљ узеше Ахана сина Зариног, и сребро и плашт и шипку злата, и синове његове и кћери његове, и волове његове и магарце његове, и овце његове, и шатор и све што беше његово, и изведоше у долину Ахор.
25 At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.
И рече Исус: Што си нас смео? Господ да те смете данас! И засу га камењем сав Израиљ, и спалише све огњем засувши камењем.
26 At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis ng Achor, hanggang sa araw na ito.
По том набацаше на њ велику гомилу камења, која стоји и данас. И Господ се поврати од жестине гнева свог. Отуда се прозва оно место долина Ахор до данас.