< Josue 5 >
1 At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, at ng lahat ng mga hari ng mga Cananeo, na nangasa tabi ng dagat, kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig ng Jordan sa harap ng mga anak ni Israel, hanggang sa kami ay nangakatawid, na nanglumo ang kanilang puso, at sila'y nawalan ng loob dahil sa mga anak ni Israel.
Lorsque les rois des Amorréens, habitant le bord occidental du Jourdain, et les rois des Cananéens, habitant le littoral, apprirent que l’Eternel avait mis à sec les eaux du Jourdain à l’approche des Israélites, jusqu’après leur passage, le coeur leur manqua, et ils perdirent tout courage devant les enfants d’Israël.
2 Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon kay Josue, Gumawa ka ng mga sundang na pinkiang bato at tuliin mo uli na ikalawa ang mga anak ni Israel.
En ce temps-là, l’Eternel dit à Josué: "Munis-toi de couteaux tranchants, et fais subir une nouvelle circoncision aux enfants d’Israël."
3 At gumawa si Josue ng mga sundang na pinkiang bato, at tinuli ang mga anak ni Israel sa burol ng mga balat ng masama.
Et Josué se munit de couteaux tranchants, et il circoncit les Israélites près de la colline des Araloth.
4 At ito ang dahil na itinuli ni Josue: ang buong bayan na lumabas mula sa Egipto, na mga lalake, lahat na lalaking pangdigma, ay namatay sa ilang sa daan, pagkatapos na sila'y makalabas na mula sa Egipto.
Or, voici pourquoi Josué dut pratiquer cette circoncision. Toute la population mâle, propre à la guerre, qui était sortie d’Egypte, était morte dans le désert, sur la route qu’elle suivit après la sortie de l’Egypte.
5 Sapagka't ang buong bayan na lumabas ay mga tuli; nguni't ang buong bayan na ipinanganak sa ilang sa daan pagkalabas sa Egipto, ay hindi tuli.
Toute cette population affranchie avait subi la circoncision; mais tous ceux qui naquirent dans le désert, pendant la traversée, après la sortie d’Egypte, on ne les avait point circoncis.
6 Sapagka't ang mga anak ni Israel ay lumakad na apat na pung taon sa ilang, hanggang sa ang buong bansa, sa makatuwid baga'y ang mga lalaking pangdigma na lumabas mula sa Egipto, ay nalipol, sapagka't hindi nila dininig ang tinig ng Panginoon: na siyang sinumpaan ng Panginoon na hindi niya ipakikita sa kanila ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa atin, na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
Car les Israélites avaient, pendant quarante ans, fait leurs pérégrinations dans le désert, jusqu’à ce que fût éteinte toute la génération des hommes valides sortis de l’Egypte, de ces hommes qui n’avaient pas obéi à la voix du Seigneur, et à qui le Seigneur avait juré de ne pas laisser voir le pays qu’il avait promis à leurs pères de nous donner, ce pays ruisselant de lait et de miel.
7 At ang kanilang mga anak na kaniyang ibinangong kahalili nila, ay pinagtuli ni Josue, sapagka't mga hindi tuli, sapagka't hindi nila tinuli sila sa daan.
Mais il adopta leurs fils à leur place, et ce furent ceux-là que circoncit Josué; car ils étaient incirconcis, vu qu’on n’avait pu les circoncire pendant le voyage.
8 At nangyari nang kanilang matuli ang buong bansa, na tumahan sila sa kanilang mga dako sa kampamento hanggang sa sila'y magsigaling.
Lorsque tout le peuple eut été circoncis, ils demeurèrent en repos dans le camp jusqu’à leur guérison.
9 At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito.
L’Eternel dit à Josué: "A présent, j’ai écarté de vous l’ignominie de l’Egypte!" Et l’on donna à cet endroit le nom de Ghilgal, qu’il a conservé jusqu’à ce jour.
10 At ang mga anak ni Israel ay humantong sa Gilgal; at kanilang ipinagdiwang ang paskua nang ikalabing apat na araw ng buwan sa kinahapunan sa mga kapatagan ng Jerico.
Les Israélites, campés à Ghilgal, célébrèrent la Pâque le quatorzième jour du mois, vers le soir, dans les plaines de Jéricho.
11 At sila'y kumain ng imbak na trigo ng lupain sa kinabukasan pagkatapos ng paskua, ng mga tinapay na walang lebadura, at ng sinangag na trigo, sa araw ding yaon.
Et le lendemain de la Pâque, ce même jour, ils mangèrent du blé du pays, en pains azymes et en grains torréfiés.
12 At ang mana ay naglikat nang kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon.
La manne cessa de tomber le lendemain, parce qu’ils avaient à manger du blé du pays, et les enfants d’Israël n’eurent plus de manne, mais ils se nourrirent, dès cette année, des produits du pays de Canaan.
13 At nangyari, nang si Josue ay malapit sa Jerico, na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, nakatayo ang isang lalake sa tapat niya na may kaniyang tabak sa kaniyang kamay na bunot: at si Josue ay naparoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba'y sa amin, o sa aming mga kaaway?
Un jour, Josué, se trouvant devant Jéricho, leva les yeux et vit un homme debout en face de lui, l’épée nue à la main. Josué alla à lui et lui dit: "Es-tu des nôtres ou un de nos ennemis?"
14 At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y naparito ng parang prinsipe ng hukbo ng Panginoon. At si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba, at nagsabi sa kaniya, Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?
"Nullement, répondit-il, je suis le chef de la milice du Seigneur, qui suis venu présentement!" Josué tomba la face contre terre en se prosternant, et lui dit: "Qu’ordonne mon Seigneur à son serviteur?"
15 At sinabi ng prinsipe ng hukbo ng Panginoon kay Josue, Hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong paa; sapagka't ang dakong iyong kinatatayuan ay banal. At ginawang gayon ni Josue.
Le chef de la milice divine dit à Josué: "Ote ta chaussure de tes pieds, car l’endroit sur lequel tu te tiens est saint!" Et Josué obéit.