< Josue 22 >

1 Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,
Then Joshua called together the sons of Ruben, and the sons of Gad, and the half tribe of Manasse,
2 At sinabi sa kanila, Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo;
and said to them, You have heard all that Moses the servant of the Lord commanded you, and you have listened to my voice in all that he commanded you.
3 Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios.
You have not deserted your brethren these many days: until this day you have kept the commandment of the Lord your God.
4 At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
And now the Lord our God has given our brethren rest, as he told them: now then return and depart to your homes, and to the land of your possession, which Moses gave you on the other side Jordan.
5 Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.
But take great heed to do the commands and the law, which Moses the servant of the Lord commanded you to do; to love the Lord our God, to walk in all his ways, to keep his commands, and to cleave to him, and serve him with all your mind, and with all your soul.
6 Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.
And Joshua blessed them, and dismissed them; and they went to their homes.
7 Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,
And to [one] half the tribe of Manasse Moses gave a portion in the land of Basan, and to [the other] half Joshua gave a portion with his brethren on the other side of Jordan westward: and when Joshua sent them away to their homes, then he blessed them.
8 At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
And they departed with much wealth to their houses, and they divided the spoil of their enemies with their brethren; very much cattle, and silver, and gold, and iron, and much raiment.
9 At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.
So the sons of Ruben, and the sons of Gad, and the half tribe of Manasse, departed from the children of Israel in Selo in the land of Chanaan, to go away into Galaad, into the land of their possession, which they inherited by the command of the Lord, by the hand of Moses.
10 At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw.
And they came to Galaad of Jordan, which is in the land of Chanaan: and the children of Ruben, and the children of Gad, and the half tribe of Manasse built there an altar by Jordan, a great altar to look at.
11 At narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, Narito, ang mga anak ni Ruben, ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan, sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel.
And the children of Israel heard say, Behold, the sons of Ruben, and the sons of Gad, and the half tribe of Manasse have built an altar at the borders of the land of Chanaan at Galaad of Jordan, on the opposite side to the children of Israel.
12 At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma.
And all the children of Israel gathered together to Selo, so as to go up and fight against them.
13 At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote;
And the children of Israel sent to the sons of Ruben, and the sons of Gad, and to the sons of the half tribe of Manasse into the land of Galaad, both Phinees the son of Eleazar the son of Aaron the priest,
14 At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.
and ten of the chiefs with him; [there was] one chief of every household out of all the tribes of Israel; (the heads of families are the captains of thousands in Israel.)
15 At sila'y naparoon sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad, at sinalita nila sa kanila na sinasabi,
And they came to the sons of Ruben, and to the sons of Gad, and to the half tribe of Manasse into the land of Galaad; and they spoke to them, saying,
16 Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon?
Thus says the whole congregation of the Lord, What [is] this transgression that you have transgressed before the God of Israel, to turn away today from the Lord, in that you have built for yourselves an altar, so that you should be apostates from the Lord?
17 Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon,
Is the sin of Phogor too little for you, whereas we have not been cleansed from it until this day, though there was a plague among the congregation of the Lord?
18 Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
And you have this day revolted from the Lord; and it shall come to pass if you revolt this day from the Lord, that to-morrow there shall be wrath upon all Israel.
19 Gayon man, kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi, lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon, na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon, at kumuha kayo ng ari sa gitna namin: nguni't huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni manghimagsik laban sa amin, sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios.
And now if the land of your possession [be too] little, cross over to the land of the possession of the Lord, where the tabernacle of the Lord dwells, and receive you an inheritance among us; and do not become apostates from God, neither do you apostatize from the Lord, because of your having built an altar apart from the altar of the Lord our God.
20 Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay, at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan.
Behold! did not Achar the [son] of Zara commit a trespass [taking] of the accursed thing, and there was wrath on the whole congregation of Israel? and he himself died alone in his own sin.
21 Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
And the sons of Ruben, and the sons of Gad, and the half tribe of Manasse answered, and spoke to the captains of the thousands of Israel, saying,
22 Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito, )
God [even] God is the Lord, and God [even] God himself knows, and Israel he shall know; if we have transgressed before the Lord by apostasy, let him not deliver us this day.
23 Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, siyasatin nga ng Panginoon;
And if we have built to ourselves an altar, so as to apostatize from the Lord our God, so as to offer upon it a sacrifice of whole burnt offerings, so as to offer upon it a sacrifice of peace-offering, —the Lord shall require it.
24 At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel?
But we have done this for the sake of precaution [concerning this] thing, saying, Lest hereafter your sons should say to our sons, What have you to do with the Lord God of Israel?
25 Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
Whereas the Lord has set boundaries between us and you, even Jordan, and you have no portion in the Lord: so your sons shall alienate our sons, that they should not worship the Lord.
26 Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man:
And we gave orders to do thus, to build this altar, not for burnt offerings, nor for meat-offerings;
27 Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon.
but that this may be a witness between you and us, and between our posterity after us, that we may do service to the Lord before him, with our burnt offerings and our meat-offerings and our peace-offerings: so your sons shall not say to our sons, hereafter, You have no portion in the Lord.
28 Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo.
And we said, If ever it should come to pass that they should speak [so] to us, or to our posterity hereafter; then shall they say, Behold the likeness of the altar of the Lord, which our fathers made, not for the sake of burnt offerings, nor for the sake of meat-offerings, but it is a witness between you and us, and between our sons.
29 Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.
Far be it from us therefore that we should turn away from the Lord this day so as to apostatize from the Lord, so as that we should build an altar for burnt offerings, and for peace-offerings, besides the altar of the Lord which is before his tabernacle.
30 At nang marinig ni Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila.
And Phinees the priest and all the chiefs of the congregation of Israel who were with him heard the words which the children of Ruben, and the children of Gad, and the half tribe of Manasse spoke; and it pleased them.
31 At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon.
And Phinees the priest said to the sons of Ruben, and to the sons of Gad, and to the half of the tribe of Manasse, To-day we know that the Lord [is] with us, because you have not trespassed grievously against the Lord, and because you have delivered the children of Israel out of the hand of the Lord.
32 At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot.
So Phinees the priest and the princes departed from the children of Ruben, and from the children of Gad, and from the half tribe of Manasse out of Galaad into the land of Chanaan to the children of Israel; and reported the words to them.
33 At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad.
And it pleased the children of Israel; and they spoke to the children of Israel, and blessed the God of the children of Israel, and told them to go up no more to war against the others to destroy the land of the children of Ruben, and the children of Gad, and the half tribe of Manasse: so they lived upon it.
34 At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios.
And Joshua gave a name to the altar of the children of Ruben, and the children of Gad, and the half tribe of Manasse; and said, It is a testimony in the midst of them, that the Lord is their God.

< Josue 22 >