< Josue 2 >

1 At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.
Epi Josué, fis a Nun nan, te voye de mesye kòm espyon an sekrè soti Sittim. Li te di: “Ale gade peyi a, sitou Jéricho.” Epi yo te ale e te antre lakay a yon pwostitiye ki te rele Rahab. Yo te dòmi la.
2 At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain.
Sa te pale a wa Jéricho a. Yo te di: “Gade byen, de mesye ki sòti nan fis Israël yo te vini isit la lannwit lan pou fè espyon nan peyi a.”
3 At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain.
Epi wa Jéricho a te voye vè Rahab e te di: “Mete deyò mesye ki te vin kote ou yo, paske yo te vin fè espyon nan peyi a.”
4 At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:
Men fanm nan ki te deja pran mesye yo pou kache yo, te di: “Wi, mesye sa yo te vini kote mwen, men mwen pa t konnen kote yo te sòti.
5 At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan.
Li te vin rive nan lè pou fèmen pòtay yo lè l te fènwa, ke mesye yo sòti deyò. Men mwen pa konnen kote mesye yo te ale. Kouri dèyè yo byen vit! Konsa, ou ka gen tan pran yo.”
6 Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.
Men li te vrèman mennen yo anwo galri twati kay la, pou l te kache yo nan pakèt len ke li te mete an lòd sou twati kay la.
7 At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan.
Konsa, mesye yo te kouri dèyè yo sou wout la pou rive nan lye pou travèse Jourdain an. Depi sila ki t ap pouswiv yo te pati, yo te fèmen pòtay la.
8 At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan.
Alò, avan yo te kouche, fi a te vin kote yo sou twati a.
9 At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.
Epi li te di mesye yo: “Mwen konnen ke SENYÈ a te bannou peyi a, e ke gwo laperèz nou gen tan tonbe sou nou. Tout kouraj abitan peyi a vin fonn e disparèt devan nou.
10 Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.
Paske nou te tande jan SENYÈ a te fin seche dlo Lamè Wouj devan nou lè nou te sòti an Égypte la, ak sa nou te fè de wa Amoreyen ki te lòtbò Jourdain yo, a Sihon ak Og, ke nou te detwi nèt.
11 At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.
Lè nou vin tande sa, kè nou te fonn. Pa t gen kouraj ki te rete nan okenn moun ankò akoz nou menm, paske SENYÈ a, Bondye nou an, se Li ki Bondye anwo nan syèl la e anba sou tè a.
12 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;
“Alò, pou sa, souple, sèmante a mwen pa SENYÈ a, paske mwen te aji avèk bon kè anvè nou; ke nou, osi, nou va aji avèk bon kè anvè lakay papa m. Fè mwen yon sèman fidèl,
13 At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.
pou konsève lavi papa m avèk manman m, frè m avèk sè m yo avèk tout moun ki pou yo, e livre lavi nou sòti nan lanmò.”
14 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.
Konsa, mesye yo te di l: “Vi pa nou pou vi pa w si ou pa pale zafè nou; epi li va rive ke lè SENYÈ a bannou peyi a, ke nou va aji avèk bon kè, e fidèlman avèk ou.”
15 Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.
Konsa, li te fè yo desann nan fenèt la pa yon kòd; paske lakay li a se te sou miray lavil la, kòmsi li t ap viv sou miray la.
16 At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad.
Li te di yo: “Ale nan peyi kolin yo, pou sila k ap kouri dèyè nou yo pa twouve nou. Kache kò nou la pandan twa jou jiskaske sila k ap kouri dèyè nou yo retounen. Epi apre, nou kapab fè wout nou.”
17 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.
Mesye yo te di li: “Nou p ap responsab sèman ke ou te fè nou fè a,
18 Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.
amwenske lè nou antre nan peyi a, ou mare kòd fisèl wouj sa a nan fenèt kote ou te fè nou desann nan. Epi rasanble ou menm nan kay la avèk papa ou ak manman ou, frè ou yo ak tout manm lakay papa ou yo.
19 At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.
Li va rive ke nenpòt moun ki ale deyò pòt lakay ou pou antre nan lari a, san li va sou pwòp tèt li e nou va lib de sèman an. Men nenpòt moun ki avèk ou nan kay la, san pa li va sou tèt nou si yon moun men mete sou li.
20 Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.
Men si ou pale zafè sa a; alò, nou va vin lib de sèman ke ou te fè nou fè a.”
21 At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.
Li te di: “Selon pawòl nou, ke sa vin fèt konsa.” Epi li te voye yo ale. Yo te pati, epi li te mare kòd wouj la nan fenèt la.
22 At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.
Yo te pati pou te rive nan peyi kolin yo, e te rete la pandan twa jou jiskaske sila ki t ap pouswiv yo te retounen. Alò, moun ki t ap swiv yo te chache toupatou akote chemen an, men yo pa t twouve yo.
23 Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.
Konsa, de mesye sa yo te desann peyi kolin yo pou te travèse rive kote Josué, fis a Nun nan. Yo te pale li tout sa ki te rive yo.
24 At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.
Yo te di Josué: “Anverite, SENYÈ a te bannou tout peyi a nan men nou. Anplis, kè tout abitan peyi a tap fonn e disparèt devan nou.”

< Josue 2 >