< Joel 1 >

1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel.
耶和華的話臨到毗土珥的兒子約珥。
2 Dinggin ninyo ito, ninyong mga matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang?
老年人哪,當聽我的話; 國中的居民哪,都要側耳而聽。 在你們的日子, 或你們列祖的日子, 曾有這樣的事嗎?
3 Saysayin ninyo sa inyong mga anak, at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi.
你們要將這事傳與子, 子傳與孫, 孫傳與後代。
4 Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.
剪蟲剩下的,蝗蟲來吃; 蝗蟲剩下的,蝻子來吃; 蝻子剩下的,螞蚱來吃。
5 Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig.
酒醉的人哪,要清醒哭泣; 好酒的人哪,都要為甜酒哀號, 因為從你們的口中斷絕了。
6 Sapagka't isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon.
有一隊蝗蟲又強盛又無數, 侵犯我的地; 牠的牙齒如獅子的牙齒, 大牙如母獅的大牙。
7 Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi.
牠毀壞我的葡萄樹, 剝了我無花果樹的皮, 剝盡而丟棄,使枝條露白。
8 Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan.
我的民哪,你當哀號,像處女腰束麻布, 為幼年的丈夫哀號。
9 Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis.
素祭和奠祭從耶和華的殿中斷絕; 事奉耶和華的祭司都悲哀。
10 Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang.
田荒涼,地悲哀; 因為五穀毀壞, 新酒乾竭,油也缺乏。
11 Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala.
農夫啊,你們要慚愧; 修理葡萄園的啊,你們要哀號; 因為大麥小麥與田間的莊稼都滅絕了。
12 Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.
葡萄樹枯乾; 無花果樹衰殘。 石榴樹、棕樹、蘋果樹, 連田野一切的樹木也都枯乾; 眾人的喜樂盡都消滅。
13 Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.
祭司啊,你們當腰束麻布痛哭; 伺候祭壇的啊,你們要哀號; 事奉我上帝的啊,你們要來披上麻布過夜, 因為素祭和奠祭從你們上帝的殿中斷絕了。
14 Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.
你們要分定禁食的日子, 宣告嚴肅會, 招聚長老和國中的一切居民 到耶和華-你們上帝的殿, 向耶和華哀求。
15 Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
哀哉!耶和華的日子臨近了。 這日來到,好像毀滅從全能者來到。
16 Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios?
糧食不是在我們眼前斷絕了嗎? 歡喜快樂不是從我們上帝的殿中止息了嗎?
17 Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo.
穀種在土塊下朽爛; 倉也荒涼,廩也破壞; 因為五穀枯乾了。
18 Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka't wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak.
牲畜哀鳴; 牛群混亂,因為無草; 羊群也受了困苦。
19 Oh Panginoon, sa iyo'y dumadaing ako: sapagka't sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang.
耶和華啊,我向你求告, 因為火燒滅曠野的草場; 火焰燒盡田野的樹木。
20 Oo, ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo; sapagka't ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang.
田野的走獸向你發喘; 因為溪水乾涸, 火也燒滅曠野的草場。

< Joel 1 >