< Job 9 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
А Јов одговори и рече:
2 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
Заиста, знам да је тако; јер како би могао човек бити прав пред Богом?
3 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
Ако би се хтео прети с Њим, не би Му могао одговорити од хиљаде на једну.
4 Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
Мудар је срцем и јак снагом; ко се је опро Њему и био срећан?
5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
Он премешта горе, да нико и не опази; превраћа их у гневу свом;
6 Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
Он креће земљу с места њеног да јој се ступови дрмају;
7 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
Он кад запрети сунцу, не излази; Он запечаћава звезде;
8 Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
Он разапиње небо сам, и гази по валима морским;
9 Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
Он је начинио звезде кола и штапе и влашиће и друге југу у дну;
10 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
Он чини ствари велике и неиспитиве и дивне, којима нема броја.
11 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
Гле, иде мимо мене, а ја не видим; прође, а ја га не опазим.
12 Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
Гле, кад ухвати, ко ће Га нагнати да врати? Ко ће Му казати: Шта радиш?
13 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
Бог не устеже гнева свог, падају пода Њ охоли помоћници.
14 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
А како би Му ја одговарао и бирао речи против Њега?
15 Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom.
Да сам и прав, нећу Му се одговорити, ваља да се молим судији свом.
16 Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
Да Га зовем и да ми се одзове, још не могу веровати да је чуо глас мој.
17 Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
Јер ме је вихором сатро и задао ми много рана низашта.
18 Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap.
Не да ми да одахнем, него ме сити горчинама.
19 Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
Ако је на силу, гле, Он је најсилнији; ако на суд, ко ће ми сведочити?
20 Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
Да се правдам, моја ће ме уста осудити; да сам добар, показаће да сам неваљао.
21 Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
Ако сам добар, нећу знати за то; омрзао ми је живот мој.
22 Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
Свеједно је; зато рекох: и доброг и безбожног Он потире.
23 Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
Кад би још убио бич наједанпут! Али се смеје искушавању правих.
24 Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
Земља се даје у руке безбожнику; лице судија њених заклања; ако не Он, да ко?
25 Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
Али дани моји бише бржи од гласника; побегоше, не видеше добра.
26 Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
Прођоше као брзе лађе, као орао кад лети за храну.
27 Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
Ако кажем: Заборавићу тужњаву своју, оставићу гнев свој и окрепићу се;
28 Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
Страх ме је од свих мука мојих, знам да ме нећеш оправдати.
29 Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
Бићу крив; зашто бих се мучио узалуд?
30 Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
Да се измијем водом снежницом, и да очистим сапуном руке своје,
31 Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
Тада ћеш ме замочити у јаму да се гаде на ме моје хаљине.
32 Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
Јер није човек као ја да Му одговарам, да идем с Њим на суд;
33 Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
Нити има међу нама кмета да би ставио руку своју међу нас двојицу.
34 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
Нека одмакне од мене прут свој, и страх Његов нека ме не страши;
35 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.
Тада ћу говорити, и нећу Га се бојати; јер овако не знам за себе.