< Job 8 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
Respondens autem Baldad Suhites, dixit:
2 Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
Usquequo loqueris talia, et spiritus multiplex sermones oris tui?
3 Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
Numquid Deus supplantat iudicium? aut Omnipotens subvertit quod iustum est?
4 Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
Etiam si filii tui peccaverunt ei, et dimisit eos in manu iniquitatis suae:
5 Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
Tu tamen si diluculo consurrexeris ad Deum, et Omnipotentem fueris deprecatus:
6 Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
Si mundus et rectus incesseris, statim evigilabit ad te, et pacatum reddet habitaculum iustitiae tuae:
7 At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
In tantum, ut si priora tua fuerint parva, et novissima tua multiplicentur nimis.
8 Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
Interroga enim generationem pristinam, et diligenter investiga patrum memoriam:
9 (Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino: )
(Hesterni quippe sumus, et ignoramus quoniam sicut umbra dies nostri sunt super terram.)
10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
Et ipsi docebunt te: loquentur tibi, et de corde suo proferent eloquia.
11 Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
Numquid vivere potest scirpus absque humore? aut crescere carectum sine aqua?
12 Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo.
Cum adhuc sit in flore, nec carpatur manu, ante omnes herbas arescit:
13 Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala:
Sic viae omnium, qui obliviscuntur Deum, et spes hypocritae peribit:
14 Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.
Non ei placebit vecordia sua, et sicut tela aranearum fiducia eius.
15 Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
Innitetur super domum suam, et non stabit: fulciet eam, et non consurget:
16 Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
Humectus videtur antequam veniat Sol, et in ortu suo germen eius egredietur.
17 Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
Super acervum petrarum radices eius densabuntur, et inter lapides commorabitur.
18 Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
Si absorbuerit eum de loco suo, negabit eum, et dicet: Non novi te.
19 Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
Haec est enim laetitia viae eius, ut rursum de terra alii germinentur.
20 Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
Deus non proiiciet simplicem, nec porriget manum malignis:
21 Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw.
Donec impleatur risu os tuum, et labia tua iubilo.
22 Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala.
Qui oderunt te, induentur confusione: et tabernaculum impiorum non subsistet.