< Job 7 >
1 Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
Nemde szolgálati ideje van a halandónak a földön, és mint a béres napjai olyanok a napjai!
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
Mint rabszolga, ki liheg árnyék után, s mint a zsoldos, ki reményli munkabérét:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
úgy kaptam én örökbe bajnak hónapjait és szenvedésnek éjszakáit rendelték nekem.
4 Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
Ha lefeküdtem, azt mondom: mikor kelek fel, és nyúlik az este és jóllakom a hánykódással szürkületig.
5 Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.
Magára öltött húsom férget és porgöröngyöt, bőröm felfakadt s megevesedett.
6 Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
Napjaim gyorsabbak a vetélőnél, s remény nélkül enyésztek el.
7 Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
Gondolj rá, hogy lehelet az életem, jót nem fog többé látni a szemem;
8 Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
nem pillant meg engem nézőm szeme, szemeid rajtam vannak, de nem vagyok.
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
Felhő elenyészett és eltűnt: úgy ki alvilágba száll, nem jöhet fel, (Sheol )
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
nem tér vissza többé házába és nem ismer rá többé az ő helye.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.
Én sem tartóztatom számat, hadd beszélek lelkem szorultában, hadd panaszkodjam lelkem keservében!
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
Tenger vagyok-e avagy szörnyeteg, hogy őrséget vetsz reám?
13 Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
Ha azt mondom: majd megvigasztal ágyam, panaszomat viselnem segít fekvőhelyem:
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
akkor rémítgetsz engem álmokkal és látomások által ijesztesz engem.
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
Választotta lelkem a megfulladást, a, halált inkább csontjaimnál.
16 Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.
Megvetettem: nem örökké élek; hagyj föl velem, mert lehelet a napjaim!
17 Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
Mi a halandó, hogy nagyra tartod, s hogy reá fordítod szívedet,
18 At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?
és reá gondolsz reggelenként, perczenként megvizsgálod őt?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
Meddig nem tekintesz el tőlem, nem eresztesz el, míg nyálam lenyelhetem?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
Vétettem: mit cselekszem neked, emberőrző? Miért tettél engem támadásul magadnak, hogy önmagamnak terhére lettem?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.
S mit nem bocsátod meg; bűnömet s nem veszed el vétkemet? Mert most porban feküdném, keresnél engem és nem volnék.