< Job 7 >
1 Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
人生在世,豈不像服兵役﹖人的歲月,豈不像傭工的時日﹖
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
有如奴工切望陰涼,傭工期待工資:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
這樣,我也只有承受失意的歲月,為我注定的苦痛長夜。
4 Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
我臥下時說:「幾時天亮﹖」我起來時又說:「黑夜何時到﹖」我整夜輾轉反側,直到天亮。
5 Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.
我的肉身以蛆蟲與泥皮為衣,我的皮膚破裂流膿。
6 Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.
我的日月速於織梭,也因無希望而中斷。
7 Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
請你記住:我的生命無非像一口氣,我的眼再也見不到幸福。
8 Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
注目於我的,再也見不到我;你的眼看我時、我已不在了。
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
他去了,好像雲消霧散;下到陰府的,再也不得上來, (Sheol )
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
不再回家,本鄉也不認識他。
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.
為此,我不能再閉口不言,我要吐露我心靈的憂愁,陳述我靈魂的苦楚。
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
我豈是海洋或海怪﹖你竟派遣警衛把守我。
13 Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
我若想:「我的床榻會寬慰我,我的臥舖會減輕我的痛苦。」
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
你就以噩夢擾亂我,以異像驚嚇我。
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
我的心靈寧願窒息,寧死不願受此苦痛。
16 Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.
我已筋疲力盡,活不下去。任憑我去罷! 因為我的日月僅是一口氣。
17 Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
人算什麼,你竟如此顯揚他,將他置諸心頭,
18 At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?
天天早晨看護他,時刻不斷考察他﹖
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
你到何時纔不注視我,而讓我輕鬆咽一下唾沫﹖
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
監察人者啊! 我犯罪與你何干﹖為何叫我當你的箭靶,使我成為你的重擔﹖
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.
為何你不肯容忍我的過錯,寬赦我的罪惡﹖不久我將臥在塵土中,任你尋找我,我已不在了。