< Job 5 >
1 Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?
»Raab kun! Giver nogen dig Svar? Og til hvem af de Hellige vender du dig?
2 Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
Thi Daarens Harme koster ham Livet, Taabens Vrede bliver hans Død.
3 Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
Selv har jeg set en Daare rykkes op, hans Bolig raadne brat;
4 Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila.
hans Sønner var uden Hjælp, traadtes ned i Porten, ingen reddede dem;
5 Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari.
sultne aad deres Høst, de tog den, selv mellem Torne, og tørstige drak deres Mælk.
6 Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
Thi Vanheld vokser ej op af Støvet, Kvide spirer ej frem af Jorden,
7 Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
men Mennesket avler Kvide, og Gnisterne flyver til Vejrs.
8 Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
Nej, jeg vilde søge til Gud og lægge min Sag for ham,
9 Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
som øver ufattelig Vælde og Undere uden Tal,
10 Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
som giver Regn paa Jorden og nedsender Vand over Marken
11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
for at løfte de bøjede højt, saa de sørgende opnaar Frelse,
12 Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
han, som krydser de kloges Tanker, saa de ikke virker noget, der varer,
13 Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara.
som fanger de vise i deres Kløgt, saa de listiges Raad er forhastet;
14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
i Mørke raver de, selv om Dagen, famler ved Middag, som var det Nat.
15 Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
Men han frelser den arme fra Sværdet og fattig af stærkes Haand,
16 Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
saa der bliver Haab for den ringe og Ondskaben lukker sin Mund.
17 Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
Held den Mand, som revses at Gud; ringeagt ej den Almægtiges Tugt!
18 Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
Thi han saarer, og han forbinder, han slaar, og hans Hænder læger.
19 Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
Seks Gange redder han dig i Trængsel, syv gaar Ulykken uden om dig;
20 Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
han frier dig fra Døden i Hungersnød, i Krig fra Sværdets Vold;
21 Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
du er gemt for Tungens Svøbe, har intet at frygte, naar Voldsdaad kommer;
22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
du ler ad Voldsdaad og Hungersnød og frygter ej Jordens vilde Dyr;
23 Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
du har Pagt med Markens Sten, har Fred med Markens Vilddyr;
24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
du kender at have dit Telt i Fred, du mønstrer din Bolig, og intet fattes;
25 Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
du kender at have et talrigt Afkom, som Jordens Urter er dine Spirer;
26 Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
Graven naar du i Ungdomskraft, som Neg føres op, naar Tid er inde.
27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
Se, det har vi gransket, saaledes er det; det har vi hørt, saa vid ogsaa du det!