< Job 39 >
1 Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa?
Steingeiti, veit du når ho kidar? Vaktar du riderne åt hindi?
2 Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak?
Tel måna’rne dei gjeng med unge, og kjenner du deira fødetid?
3 Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan.
Dei bøygjer seg, fø’r sine ungar, so er det slutt med deira rider.
4 Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik.
På marki kidi veks seg store, spring burt og kjem’kje att til deim.
5 Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno?
Kven let villasnet renna fritt, tok bandet av det skjerre dyr,
6 Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan.
som eg gav øydemark til heim, den salte steppa til ein bustad?
7 Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop.
Det lær åt byen med sitt ståk, slepp høyra skjenn frå drivaren.
8 Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay.
Det finn seg beite millom fjell, og leitar upp kvart grøne strå.
9 Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban?
Skal tru villuksen vil deg tena, og natta yver ved di krubba?
10 Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo?
Kann du til fori honom tøyma, horvar han dalar etter deg?
11 Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya?
Lit du på honom for hans styrke? Og yverlet du han ditt arbeid?
12 Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan?
Trur du han til å føra grøda heim og draga henne inn i løda?
13 Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo?
Struss-hoa flaksar kåt med vengen, men viser fjør og veng morskjærleik?
14 Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok,
Nei, ho legg sine egg på jordi, og let so sanden verma deim;
15 At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop.
ho gløymer at ein fot kann treda og villdyr trakka deim i kras.
16 Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot;
Hardt fer ho åt med sine ungar, som var dei ikkje hennar eigne; for fåfengt stræv ho ikkje ræddast.
17 Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa.
For Gud let henne gløyma visdom, han ei tiletla henne vit.
18 Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito.
Men når ho baskar seg i veg, ho lær åt både hest og mann.
19 Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw?
Skal tru um du gjev hesten kraft og klæder halsen hans med mån?
20 Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot.
Let du han som grashoppen springa alt med han frøser skræmeleg.
21 Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata.
Glad i si kraft han marki skrapar og fer so fram mot væpna flokk.
22 Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak.
Han urædd er og lær åt rædsla, for sverdet ei han vender um,
23 Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag.
det skranglar pilhus yver honom, det blenkjer spjot til styng og skot.
24 Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak.
Med ståk og bråk han slukar jordi, ustyrleg når stridsluren gjeng.
25 Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw.
Han kneggjar: «Hui!» når luren læt, han verar striden langan leid, med skrik frå hovdingar og herrop!
26 Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan?
Flyg hauken upp ved ditt forstand og spilar vengjerne mot sud?
27 Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas?
Stig ørnen høgt av di du byd, og byggjer reiret sitt i høgdi?
28 Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan,
Han bur på berg og held seg der, på kvasse tind og høge nut.
29 Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo.
Derfrå han spæjar etter mat, hans augo yver viddi skodar.
30 Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.
Hans ungar gløypar i seg blod; der det finst lik, der er han og.»