< Job 37 >

1 Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso, at napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
At this also my heart trembleth, and is moved out of its place.
2 Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig, at ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
Hearken ye unto the noise of his voice, and the sound that goeth out of his mouth.
3 Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit, at ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
He sendeth it forth under the whole heaven, and his lightning unto the ends of the earth.
4 Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong; siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan: at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
After it a voice roareth; he thundereth with the voice of his majesty: and he stayeth them not when his voice is heard.
5 Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
God thundereth marvelously with his voice; great things doeth he, which we cannot comprehend.
6 Sapagka't sinabi niya sa nieve, Lumagpak ka sa lupa; gayon din sa ambon, at sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
For he saith to the snow, Fall thou on the earth; likewise to the shower of rain, and to the showers of his mighty rain.
7 Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao: upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
He sealeth up the hand of every man; that all men whom he hath made may know [it].
8 Kung gayo'y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga, at namamalagi sa kanilang mga tahanan.
Then the beasts go into coverts, and remain in their dens.
9 Mula sa timog nanggagaling ang bagyo: at ang ginaw ay mula sa hilagaan.
Out of the chamber [of the south] cometh the storm: and cold out of the north.
10 Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo: at ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
By the breath of God ice is given: and the breadth of the waters is straitened.
11 Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig; kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
Yea, he ladeth the thick cloud with moisture; he spreadeth abroad the cloud of his lightning:
12 At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay, upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila, sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
And it is turned round about by his guidance, that they may do whatsoever he commandeth them upon the face of the habitable world.
13 Maging sa saway, o maging sa kaniyang lupain, o maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
Whether it be for correction, or for his land, or for mercy, that he cause it to come.
14 Dinggin mo ito, Oh Job: Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios.
Hearken unto this, O Job: stand still, and consider the wondrous works of God.
15 Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios, at pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap?
Dost thou know how God layeth [his charge] upon them, and causeth the lightning of his cloud to shine?
16 Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap, ang kagilagilalas na mga gawa niya na sakdal sa kaalaman?
Dost thou know the balancings of the clouds, the wondrous works of him which is perfect in knowledge?
17 Paanong umiinit ang inyong mga suot, pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan?
How thy garments are warm, when the earth is still by reason of the south [wind]?
18 Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
Canst thou with him spread out the sky, which is strong as a molten mirror?
19 Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya; sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman.
Teach us what we shall say unto him; [for] we cannot order [our speech] by reason of darkness.
20 Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita? O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin.
Shall it be told him that I would speak? or should a man wish that he were swallowed up?
21 At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit: nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon.
And now men see not the light which is bright in the skies: but the wind passeth, and cleanseth them.
22 Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan; may taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan.
Out of the north cometh golden splendour: God hath upon him terrible majesty.
23 Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, hindi natin mauunawa; siya'y marilag sa kapangyarihan; at sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati.
[Touching] the Almighty, we can not find him out; he is excellent in power: and in judgment and plenteous justice he will not afflict.
24 Kinatatakutan nga siya ng mga tao: hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa puso.
Men do therefore fear him: he regardeth not any that are wise of heart.

< Job 37 >