< Job 34 >

1 Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,
엘리후가 말을 이어 가로되
2 Dinggin ninyo ang aking mga salita, kayong mga pantas; at pakinggan ninyo ako, ninyong may kaalaman.
지혜 있는 자들아 내 말을 들으며 지식 있는 자들아 내게 귀를 기울이라
3 Sapagka't ang pakinig ay tumitikim ng mga salita, gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain.
입이 식물의 맛을 변별함 같이 귀가 말을 분별하나니
4 Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.
우리가 스스로 옳은 것은 택하고 무엇이 선한가 우리끼리 알아보자
5 Sapagka't sinabi ni Job, Ako'y matuwid, at inalis ng Dios ang aking katuwiran:
욥이 말하기를 내가 의로우나 하나님이 내 의를 제하셨고
6 Gayon ma'y akong may matuwid ay nabilang akong sinungaling; at ang aking sugat ay walang kagamutan, bagaman ako'y walang pagsalangsang.
내가 정직하나 거짓말장이가 되었고 나는 허물이 없으나 내 상처가 낫지 못하게 되었노라 하니
7 Sinong tao ang gaya ni Job, na umiinom ng pagkaduwahagi na tila tubig,
어느 사람이 욥과 같으랴 욥이 훼방하기를 물마시듯 하며
8 Na yumayaon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan, at lumalakad na kasama ng mga masamang tao?
악한 일을 하는 자들과 사귀며 악인과 함께 다니면서
9 Sapagka't kaniyang sinabi, Walang napapakinabang ang tao na siya'y makapagpalugod sa Dios.
이르기를 사람이 하나님을 기뻐하나 무익하다 하는구나
10 Kaya't dinggin ninyo ako, ninyong mga lalaking may unawa: malayo nawa sa Dios na siya'y gumawa ng masama; at sa Makapangyarihan sa lahat, na siya'y magkamit ng kasamaan.
그러므로 너희 총명한 자들아 내 말을 들으라 하나님은 단정코 악을 행치 아니하시며 전능자는 단정코 불의를 행치 아니하시고
11 Sapagka't ang gawa ng tao ay tutuusin niya sa kaniya, at ipatatagpo sa bawa't tao ang ayon sa kaniyang mga lakad.
사람의 일을 따라 보응하사 각각 그 행위대로 얻게 하시나니
12 Oo, sa katotohanan, ang Dios ay hindi gagawa ng kasamaan, ni ang Makapangyarihan sa lahat ay sisira ng kahatulan.
진실로 하나님은 악을 행치 아니하시며 전능자는 공의를 굽히지 아니하시느니라
13 Sinong nagbigay sa kaniya ng bilin sa lupa? O sinong nagayos ng buong sanglibutan?
누가 땅을 그에게 맡겼느냐 누가 온 세계를 정하였느냐
14 Kung kaniyang ilagak ang kaniyang puso sa tao, kung kaniyang pisanin sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at ang kaniyang hininga;
그가 만일 자기만 생각하시고 그 신과 기운을 거두실진대
15 Tanang laman ay mamamatay na magkakasama, at ang tao ay mababalik uli sa alabok.
모든 혈기 있는 자가 일체로 망하고 사람도 진토로 돌아가리라
16 Kung ngayon ay mayroon kang unawa ay dinggin mo ito: Dinggin mo ang tinig ng aking mga salita.
만일 총명이 있거든 이것을 들으며 내 말소리에 귀를 기울이라
17 Mamamahala ba ang nagtatanim sa katuwiran? At iyo bang parurusahan siyang ganap at may kaya?
공의를 미워하는 자시면 어찌 치리하시겠느냐 의롭고 전능하신 자를 네가 정죄하겠느냐
18 Siya na nagsabi sa isang hari: ikaw ay hamak? O sa mga mahal na tao: Kayo'y masasama?
그는 왕에게라도 비루하다 하시며 귀인들에게라도 악하다 하시며
19 Na hindi gumagalang sa mga pagkatao ng mga pangulo, ni nagpakundangan man sa mayaman ng higit kay sa mahirap; sapagka't silang lahat ay gawa ng kaniyang mga kamay.
왕족을 외모로 취치 아니하시며 부자를 가난한 자보다 더 생각하지 아니하시나니 이는 그들이 다 그의 손으로 지으신 바가 됨이니라
20 Sa isang sangdali ay nangamamatay sila, kahit sa hating gabi; ang bayan ay inuuga at nawawala, at inaalis ang may kaya ng wala man lamang kamay.
그들은 밤중 순식간에 죽나니 백성은 떨며 없어지고 세력있는 자도 사람의 손을 대지 않고 제함을 당하느니라
21 Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao, at nakikita niya ang lahat niyang pagyaon.
하나님은 사람의 길을 주목하시며 사람의 모든 걸음을 감찰하시나니
22 Walang kadiliman, ni makapal man pangungulimlim, na mapagtataguan ng mga manggagawa ng kasamaan.
악을 행한 자는 숨을 만한 흑암이나 어두운 그늘이 없느니라
23 Sapagka't hindi na niya pakukundanganan ang tao, upang siya'y humarap sa Dios sa kahatulan.
하나님은 사람을 심판하시기에 오래 생각하실 것이 없으시니
24 Kaniyang niluluray ang mga makapangyarihang tao ng mga paraang di masayod, at naglalagay ng mga iba na kahalili nila.
세력 있는 자를 조사할 것 없이 꺾으시고 다른 사람을 세워 그를 대신하게 하시느니라
25 Kaya't siya'y kumukuhang kaalaman sa kanilang mga gawa; at kaniyang binabaligtad sila sa gabi, na anopa't sila'y nangalilipol.
이와 같이 그들의 행위를 아시고 그들을 밤 사이에 엎으신즉 멸망하나니
26 Kaniyang hinahampas sila na parang masasamang tao sa hayag na paningin ng mga iba,
그들을 악한 자로 여겨 사람의 목전에서 치심은
27 Sapagka't sila'y nagsilihis ng pagsunod sa kaniya, at hindi binulay ang anoman sa kaniyang mga lakad:
그들이 그를 떠나고 그의 모든 길을 무관히 여김이라
28 Na anopa't kaniyang pinadating ang daing ng dukha sa kaniya, at dininig niya ang daing ng napipighati.
그들이 이와 같이 하여 가난한 자의 부르짖음이 그에게 상달케 하며 환난 받는 자의 부르짖음이 그에게 들리게 하느니라
29 Pagka siya'y nagbibigay ng katahimikan, sino ngang makahahatol? At pagka kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, sinong makakakita sa kaniya? Maging gawin sa isang bansa, o sa isang tao:
주께서 사람에게 평강을 주실 때에 누가 감히 잘못하신다 하겠느냐 주께서 자기 얼굴을 가리우실 때에 누가 감히 뵈올 수 있으랴 나라에게나 사람에게나 일반이시니
30 Upang ang taong di banal ay huwag maghari, upang huwag maging silo sa bayan.
이는 사특한 자로 권세를 잡아 백성을 함해하지 못하게 하려 하심이니라
31 Sapagka't may nagsabi ba sa Dios: Aking tinitiis ang parusa, hindi na ako magkakasala pa:
누가 하나님께 아뢰기를 내가 징계를 받았사오니 다시는 범죄치 아니하겠나이다
32 Yaong hindi ko nakikita ay ituro mo sa akin: kung ako'y nakagawa ng kasamaan hindi ko na ito gagawin pa?
나의 깨닫지 못하는 것을 내게 가르치소서 내가 악을 행하였으면 다시는 아니하겠나이다 한 자가 있느냐
33 Mangyayari pa ba ang kaniyang kagantihan na gaya ng iyong ibig na iyong tinatanggihan? Sapagka't ikaw ang marapat pumili at hindi ako: kaya't salitain mo kung ano ang iyong nalalaman.
하나님이 네 뜻대로 갚으셔야 하겠다고 네가 그것을 싫어하느냐 그러면 네가 스스로 택할 것이요 내가 할 것이 아니니 너는 아는대로 말하라
34 Mga taong may unawa ay magsasabi sa akin, Oo, bawa't pantas na taong nakakarinig sa akin:
총명한 자와 내 말을 듣는 모든 지혜 있는 자가 필연 내게 이르기를
35 Si Job ay nagsasalita ng walang kaalaman. At ang kaniyang mga salita ay walang karunungan.
욥이 무식하게 말하니 그 말이 지혜 없다 하리라
36 Si Job nawa'y subukin hanggang sa wakas, dahil sa ang kaniyang sagot ay gaya ng mga masamang tao.
욥이 끝까지 시험받기를 내가 원하노니 이는 그 대답이 악인과 같음이라
37 Sapagka't siya'y nagdadagdag ng panghihimagsik sa kaniyang kasalanan, kaniyang pinagagalaw ang kaniyang mga kamay sa gitna natin, at pinararami ang kaniyang mga salita laban sa Dios.
그가 그 죄 위에 패역을 더하며 우리 중에서 손뼉을 치며 하나님을 거역하는 말을 많이 하는구나

< Job 34 >