< Job 33 >

1 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
Audi igitur Iob eloquia mea, et omnes sermones meos ausculta.
2 Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
Ecce aperui os meum, loquatur lingua mea in faucibus meis.
3 Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
Simplici corde meo sermones mei, et sententiam puram labia mea loquentur.
4 Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
Spiritus Dei fecit me, et spiraculum Omnipotentis vivificavit me.
5 Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
Si potes, responde mihi, et adversus faciem meam consiste.
6 Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
Ecce, et me sicut et te fecit Deus, et de eodem luto ego quoque formatus sum.
7 Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
Verumtamen miraculum meum non te terreat, et eloquentia mea non sit tibi gravis.
8 Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
Dixisti ergo in auribus meis, et vocem verborum tuorum audivi:
9 Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
Mundus sum ego, et absque delicto: immaculatus, et non est iniquitas in me.
10 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway:
Quia querelas in me reperit, ideo arbitratus est me inimicum sibi.
11 Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas.
Posuit in nervo pedes meos, custodivit omnes semitas meas.
12 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
Hoc est ergo, in quo non es iustificatus: respondebo tibi, quia maior sit Deus homine.
13 Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
Adversus eum contendis quod non ad omnia verba responderit tibi?
14 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
Semel loquitur Deus, et secundo idipsum non repetit.
15 Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan;
Per somnium in visione nocturna, quando irruit sopor super homines, et dormiunt in lectulo:
16 Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo,
Tunc aperit aures virorum, et erudiens eos instruit disciplina,
17 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao;
Ut avertat hominem ab his, quae facit, et liberet eum de superbia:
18 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
Eruens animam eius a corruptione: et vitam illius, ut non transeat in gladium.
19 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
Increpat quoque per dolorem in lectulo, et omnia ossa eius marcescere facit.
20 Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
Abominabilis ei fit in vita sua panis, et animae illius cibus ante desiderabilis.
21 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
Tabescet caro eius, et ossa, quae tecta fuerant, nudabuntur.
22 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
Appropinquavit corruptioni anima eius, et vita illius mortiferis.
23 Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
Si fuerit pro eo Angelus loquens, unus de millibus, ut annunciet hominis aequitatem:
24 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan.
Miserebitur eius, et dicet: Libera eum, ut non descendat in corruptionem: inveni in quo ei propitier.
25 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
Consumpta est caro eius a suppliciis, revertatur ad dies adolescentiae suae.
26 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
Deprecabitur Deum, et placabilis ei erit: et videbit faciem eius in iubilo, et reddet homini iustitiam suam.
27 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
Respiciet homines, et dicet: Peccavi, et vere deliqui, et, ut eram dignus, non recepi.
28 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
Liberavit animam suam ne pergeret in interitum, sed vivens lucem videret.
29 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao,
Ecce, haec omnia operatur Deus tribus vicibus per singulos.
30 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
Ut revocet animas eorum a corruptione, et illuminet luce viventium.
31 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
Attende Iob, et audi me: et tace, dum ego loquor.
32 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
Si autem habes quod loquaris, responde mihi, loquere: volo enim, te apparere iustum.
33 Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
Quod si non habes, audi me: tace, et docebo te sapientiam.

< Job 33 >