< Job 33 >
1 Gayon man, Job, isinasamo ko sa iyo na, dinggin mo ang aking pananalita, at pakinggan mo ang lahat ng aking mga salita.
然ばヨブよ請ふ我が言ふ事を聽け わが一切の言語に耳を傾むけよ
2 Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.
視よ我口を啓き 舌を口の中に動かす
3 Sasaysayin ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso; at ang nalalaman ng aking mga labi ay sasalitaing may pagtatapat.
わが言ふ所は正義き心より出づ わが唇あきらかにその知識を陳ん
4 Nilalang ako ng Espiritu ng Dios, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.
神の靈われを造り 全能者の氣息われを活しむ
5 Kung ikaw ay makasasagot ay sumagot ka sa akin; ayusin mo ang iyong mga salita sa harap ko, tumayo ka.
汝もし能せば我に答へよ わが前に言をいひつらねて立て
6 Narito, ako'y sa Dios na gaya mo: ako ma'y nilalang mula rin sa putik.
我も汝とおなじく神の者なり 我もまた土より取てつくられしなり
7 Narito, hindi ka tatakutin ng aking kakilabutan, ni ang aking kalakhan man ay magiging mabigat sa iyo.
わが威嚴はなんぢを懼れしめず わが勢はなんぢを壓せず
8 Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pakinig, at aking narinig ang tinig ng iyong mga salita, na nagsasabi,
汝わが聽くところにて言談り 我なんぢの言語の聲を聞けり云く
9 Ako'y malinis na walang pagsalangsang; ako'y walang sala, ni may kasamaan man sa akin:
われは潔淨くして愆なし 我は辜なく惡き事わが身にあらず
10 Narito, siya'y nakasumpong ng kadahilanan laban sa akin, ibinilang niya ako na pinakakaaway:
視よ彼われを攻る釁隙を尋ね われを己の敵と算へ
11 Inilagay niya ang aking mga paa sa mga pangawan, kaniyang pinupuna ang lahat na aking landas.
わが脚を桎に夾めわが一切の擧動に目を着たまふと
12 Narito, ako'y sasagot sa iyo, dito'y hindi ka ganap; sapagka't ang Dios ay dakila kay sa tao.
視よ我なんぢに答へん なんぢ此事において正義からず 神は人よりも大なる者にいませり
13 Bakit ka nakikilaban sa kaniya? Sapagka't hindi siya nagbibigay alam ng anoman sa kaniyang mga usap.
彼その凡て行なふところの理由を示したまはずとて汝かれにむかひて辯爭そふは何ぞや
14 Sapagka't ang Dios ay minsang nagsasalita, Oo, makalawa, bagaman hindi pinakikinggan ng tao.
まことに神は一度二度と告示したまふなれど人これを曉らざるなり
15 Sa isang panaginip, sa isang pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na pagkakatulog ay nahuhulog sa mga tao, sa mga pagkakatulog sa higaan;
人熟睡する時または床に睡る時に夢あるひは夜の間の異象の中にて
16 Kung magkagayo'y ibinubukas niya ang mga pakinig ng mga tao, at itinatatak ang kanilang turo,
かれ人の耳をひらき その敎ふるところを印して堅うし
17 Upang ihiwalay ang tao sa kaniyang panukala, at ikubli ang kapalaluan sa tao;
斯して人にその惡き業を離れしめ 傲慢を人の中より除き
18 Kaniyang pinipigil ang kaniyang kaluluwa sa pagbulusok sa hukay, at ang kaniyang buhay sa pagkamatay sa pamamagitan ng tabak.
人の魂靈を護りて墓に至らしめず 人の生命を護りて劍にほろびざらしめたまふ
19 Siya nama'y pinarurusahan ng sakit sa kaniyang higaan, at ng palaging antak sa kaniyang mga buto:
人床にありて疼痛に攻られ その骨の中に絶ず戰鬪のあるあり
20 Na anopa't kinayayamutan ng kaniyang buhay ang tinapay, at ng kaniyang kaluluwa ang pagkaing pinakamasarap,
その氣食物を厭ひ その魂靈うまき物をも嫌ふ
21 Ang kaniyang laman ay natutunaw, na hindi makita; at ang kaniyang mga buto na hindi nakita ay nangalilitaw.
その肉は痩おちて見えず その骨は見えざりし者までも顯露になり
22 Oo, ang kaniyang kaluluwa ay nalalapit sa hukay, at ang kaniyang buhay sa mga mangwawasak.
その魂靈は墓に近より その生命は滅ぼす者に近づく
23 Kung doroong kasama niya ang isang anghel, isang tagapagpaaninaw, na isa sa gitna ng isang libo, upang ipakilala sa tao kung ano ang matuwid sa kaniya;
しかる時にもし彼とともに一箇の使者あり 千の中の一箇にして中保となり 正しき道を人に示さば
24 Kung magkagayo'y binibiyayaan niya siya at nagsasabi, Iligtas mo siya sa pagbaba sa hukay, ako'y nakasumpong ng katubusan.
神かれを憫れみて言給はん彼を救ひて墓にくだること無らしめよ 我すでに收贖の物を得たりと
25 Ang kaniyang laman ay magiging sariwa kay sa laman ng isang bata; siya'y bumabalik sa mga kaarawan ng kaniyang kabataan:
その肉は小兒の肉よりも瑞々しくなり その若き時の形状に歸らん
26 Siya'y dumadalangin sa Dios, at nililingap niya siya: na anopa't kaniyang nakikita ang kaniyang mukha na may kagalakan: at kaniyang isinasa tao ang kaniyang katuwiran.
かれ若し神に祷らば神かれを顧りみ 彼をしてその御面を喜こび見ることを得せしめたまはん 神は人の正義に報をなしたまふべし
27 Siya'y umaawit sa harap ng mga tao, at nagsasabi, Ako'y nagkasala, at sumira ng matuwid, at hindi ko napakinabangan:
かれ人の前に歌ひて言ふ 我は罪を犯し正しきを抂たり 然ど報を蒙らず
28 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa pagyao sa hukay, at ang aking buhay ay makakakita ng liwanag.
神わが魂靈を贖ひて墓に下らしめず わが生命光明を見ん
29 Narito, ang lahat ng mga bagay na ito ay gawa ng Dios, makalawa, oo, makaitlo sa tao,
そもそも神は是等のもろもろの事をしばしば人におこなひ
30 Upang ibalik ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, upang siya'y maliwanagan ng liwanag ng buhay.
その魂靈を墓より牽かへし生命の光明をもて彼を照したまふ
31 Pansinin mong mabuti, Oh Job, dinggin mo ako: tumahimik ka, at ako'y magsasalita.
ヨブよ耳を傾むけて我に聽け 請ふ默せよ 我かたらん
32 Kung ikaw ay may anomang bagay na sasabihin, sagutin mo ako: ikaw ay magsalita, sapagka't ibig kong ariin kang ganap.
なんぢもし言ふべきことあらば我にこたへよ 請ふ語れ 我なんぢを義とせんと慾すればなり
33 Kung hindi, dinggin mo ako: tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.
もし無ば我に聽け 請ふ默せよ 我なんぢに智慧を敎へん