< Job 32 >

1 Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y matuwid sa kaniyang sariling paningin.
וישבתו שלשת האנשים האלה-- מענות את-איוב כי הוא צדיק בעיניו
2 Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.
ויחר אף אליהוא בן-ברכאל הבוזי-- ממשפחת-רם באיוב חרה אפו-- על-צדקו נפשו מאלהים
3 Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.
ובשלשת רעיו חרה אפו על אשר לא-מצאו מענה-- וירשיעו את-איוב
4 Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.
ואליהו--חכה את-איוב בדברים כי זקנים-המה ממנו לימים
5 At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.
וירא אליהוא--כי אין מענה בפי שלשת האנשים ויחר אפו
6 At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi, Ako'y bata, at kayo'y totoong matatanda; kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.
ויען אליהוא בן ברכאל הבוזי-- ויאמר צעיר אני לימים ואתם ישישים על-כן זחלתי ואירא מחות דעי אתכם
7 Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.
אמרתי ימים ידברו ורב שנים ידיעו חכמה
8 Nguni't may espiritu sa tao, at ang hinga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa kanila ng unawa.
אכן רוח-היא באנוש ונשמת שדי תבינם
9 Hindi ang dakila ang siyang pantas, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.
לא-רבים יחכמו וזקנים יבינו משפט
10 Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako; akin namang ipakikilala ang aking haka.
לכן אמרתי שמעה-לי אחוה דעי אף-אני
11 Narito, aking hinintay ang inyong mga salita, aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran, samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.
הן הוחלתי לדבריכם--אזין עד-תבונתיכם עד-תחקרון מלין
12 Oo, aking inulinig kayo, at, narito, walang isang makahikayat kay Job, o sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.
ועדיכם אתבונן והנה אין לאיוב מוכיח--עונה אמריו מכם
13 Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan; madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;
פן-תאמרו מצאנו חכמה אל ידפנו לא-איש
14 Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.
ולא-ערך אלי מלין ובאמריכם לא אשיבנו
15 Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa; Sila'y walang salitang masabi,
חתו לא-ענו עוד העתיקו מהם מלים
16 At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita, sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot.
והוחלתי כי-לא ידברו כי עמדו לא-ענו עוד
17 Ako nama'y sasagot ng ganang akin, akin namang ipakikilala ang aking haka.
אענה אף-אני חלקי אחוה דעי אף-אני
18 Sapagka't ako'y puspos ng mga salita; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,
כי מלתי מלים הציקתני רוח בטני
19 Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan: parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.
הנה-בטני--כיין לא-יפתח כאבות חדשים יבקע
20 Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan: aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.
אדברה וירוח-לי אפתח שפתי ואענה
21 Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.
אל-נא אשא פני-איש ואל-אדם לא אכנה
22 Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.
כי לא ידעתי אכנה כמעט ישאני עשני

< Job 32 >