< Job 31 >

1 Ako'y nakipagtipan sa aking mga mata; paano nga akong titingin sa isang dalaga?
Minä olen tehnyt liiton silmäini kanssa, etten minä katsoisi neitseen päälle.
2 Sapagka't ano ang bahagi sa ganang akin sa Dios mula sa itaas, at ang mana sa Makapangyarihan sa lahat mula sa kaitaasan?
Mutta mitä Jumala ylhäältä antaa minulle osaksi ja Kaikkivaltias korkialta perinnöksi?
3 Hindi ba kasakunaan sa liko, at kasawiang palad sa mga manggagawa ng kasamaan?
Eikö väärän pitäisi näkemän senkaltaista vaivaisuutta, ja pahantekiän senkaltaista surkeutta kärsimän?
4 Hindi ba niya nakikita ang aking mga lakad, at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
Eikö hän näe minun teitäni ja lueskele kaikkia minun askeleitani?
5 Kung ako'y lumakad na walang kabuluhan, at ang aking paa ay nagmadali sa pagdaraya;
Olenko minä vaeltanut turhassa menossa, eli minun jalkani kiiruhtaneet petokseen?
6 (Timbangin ako sa matuwid na timbangan, upang mabatid ng Dios ang aking pagtatapat; )
Punnitkaan hän minua oikialla vaa'alla, niin Jumala ymmärtää minun vakuuteni.
7 Kung ang aking hakbang ay lumiko sa daan, at ang aking puso ay lumakad ayon sa aking mga mata, at kung ang anomang dungis ay kumapit sa aking mga kamay:
Jos minun askeleeni ovat poikenneet tieltä, ja minun sydämeni seurannut silmiäni, ja jotakin riippunut minun käsissäni,
8 Kung gayo'y papaghasikin mo ako, at bayaang kanin ng iba; Oo, bunutin ang bunga ng aking bukid.
Niin minä kylväisin ja toinen söis, ja minun sikiäni hukkuis juurinensa.
9 Kung ang aking puso ay napadaya sa babae, at ako'y bumakay sa pintuan ng aking kapuwa:
Jos minun sydämeni on vietelty vaimon perään, ja olen väijynyt lähimmäiseni ovella,
10 Kung magkagayo'y iba ang ipaggiling ng aking asawa, at iba ang yumuko sa kaniya.
Niin minun emäntäni häväistäkään muilta, ja muut maatkaan hänen;
11 Sapagka't iya'y isang mabigat na sala; Oo, isang kasamaan na parurusahan ng mga hukom:
Sillä se on häpiä ja paha työ tuomarien edessä;
12 Sapagka't isang apoy na namumugnaw hanggang sa pagkapahamak, at bubunutin ang lahat ng aking bunga.
Sillä se olis tuli joka polttais kadotukseen, ja kaiken minun saatuni peräti hukuttais.
13 Kung hinamak ko ang katuwiran ng aking aliping lalake o aliping babae, nang sila'y makipagtalo sa akin:
Jos olen katsonut ylön palveliani eli palkkapiikani oikeuden, riidellessänsä minun kanssani,
14 Ano nga ang aking gagawin pagka bumabangon ang Dios? At pagka kaniyang dinadalaw, anong isasagot ko sa kaniya?
Mitä minä sitte tekisin kuin Jumala nousee? eli mitä minä vastaisin häntä, kuin hän kostaa?
15 Hindi ba siyang lumalang sa akin sa bahay-bata ang lumalang sa kaniya; at hindi ba iisa ang humugis sa atin sa bahay-bata?
Eikö hän ole tehnyt häntä, joka minunkin äitini kohdussa teki? ja on meidät molemmat kohdussa valmistanut.
16 Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
Olenko minä kieltänyt tarvitsevaisilta, mitä he minulta ovat pyytäneet, ja antanut leskein silmät heikoksi tulla?
17 O kumain akong magisa ng aking subo, at ang ulila ay hindi kumain niyaon;
Olenko minä syönyt palani yksinäni, ettei orpo ole myös siitä syönyt?
18 (Hindi, mula sa aking kabataan ay lumaki siyang kasama ko, na gaya ng may isang ama, at aking pinatnubayan siya mula sa bahay-bata ng aking ina; )
Sillä nuoruudestani olen minä ollut niinkuin isä, ja hamasta äitini kohdusta olen minä mielelläni holhonnut.
19 Kung ako'y nakakita ng sinomang nangangailangan ng kasuutan, o ng mapagkailangan ng walang kumot;
Jos minä olen nähnyt jonkun hukkuvan, ettei hänellä ollut vaatetta, ja sallinut käydä köyhän peittämättä;
20 Kung hindi ako pinagpala ng kaniyang mga balakang, at kung siya'y hindi nainitan ng balahibo ng aking mga tupa:
Jos ei hänen lanteensa ole siunannut minua, kuin hän minun lammasnahoillani lämmitettiin;
21 Kung binuhat ko ang aking kamay laban sa ulila, sapagka't nakita ko ang tulong sa akin sa pintuang-bayan:
Jos olen nostanut käteni orpoja vastaan, ehkä minä näin minun voimallisena porteissa olevan;
22 Kung nagkagayo'y malaglag ang aking balikat sa abot-agawin, at ang aking kamay ay mabali sa buto.
Niin kaatukoon minun hartiani lapaluiltani, ja minun käsivarteni särkyköön luinensa.
23 Sapagka't ang kasakunaang mula sa Dios ay kakilabutan sa akin, at dahil sa kaniyang karilagan ay wala akong magawa.
Sillä Jnmalan rangaistus on minulle vavistukseksi, ja en taida hänen korkeuttansa välttää.
24 Kung aking pinapaging ginto ang aking pagasa, at sinabi ko sa dalisay na ginto, ikaw ay aking tiwala;
Olenko minä asettanut kullan turvakseni? ja sanonut puhtaalle kullalle: sinä olet minun uskallukseni?
25 Kung ako'y nagalak sapagka't ang aking kayamanan ay malaki, at sapagka't ang aking kamay ay nagtamo ng marami;
Olenko minä iloinnut tavarani paljoudesta, ja että käteni paljon riistaa koonneet ovat?
26 Kung ako'y tumingin sa araw pagka sumisikat, o sa buwan na lumalakad sa kakinangan;
Olenko minä katsonut valkeutta, koska se kirkkaasti paisti, ja kuuta, koska se täydellinen oli?
27 At ang aking puso ay napadayang lihim, at hinagkan ng aking bibig ang aking kamay:
Onko minun sydämeni salaa minua vietellyt, suuta antamaan kädelleni?
28 Ito may isang kasamaang marapat parusahan ng mga hukom: sapagka't itinakuwil ko ang Dios na nasa itaas.
Joka myös vääryys on tuomarien edessä; sillä niin olisin minä kieltänyt Jumalan ylhäältä.
29 Kung ako'y nagalak sa kasakunaan niyaong nagtatanim ng loob sa akin, o nagmataas ako ng datnan siya ng kasamaan;
Olenko minä iloinnut viholliseni vastoinkäymisestä? taikka riemuinnut, että onnettomuus tuli hänen päällensä?
30 (Oo, hindi ko tiniis ang aking bibig sa kasalanan sa paghingi ng kaniyang buhay na may sumpa; )
Sillä en minä antanut minun suuni syntiä tehdä, sadatellakseni hänen sieluansa.
31 Kung ang mga tao sa aking tolda ay hindi nagsabi, sinong makakasumpong ng isa na hindi nabusog sa kaniyang pagkain?
Eivätkö miehet, jotka minun majassani ovat, sanoisi: jospa emme hänen lihastansa ravittaisi?
32 Ang taga ibang lupa ay hindi tumigil sa lansangan; kundi aking ibinukas ang aking mga pinto sa manglalakbay,
Muukalaisen ei pitänyt yötä ulkona oleman; vaan vaellusväelle avasin minä oveni.
33 Kung aking tinakpan na gaya ni Adan ang aking mga pagsalangsang, sa pagkukubli ng aking kasamaan sa aking sinapupunan;
Olenko minä niinkuin ihminen peittänyt minun pahuuteni, salatakseni minun vääryyttäni?
34 Sapagka't aking kinatakutan ang lubhang karamihan, at pinangilabot ako ng paghamak ng mga angkan. Na anopa't ako'y tumahimik, at hindi lumabas sa pintuan?
Olenko minä hämmästynyt suurta joukkoa? eli olenko minä sukulaisteni ylönkatsetta peljännyt? ollut ääneti, ja en mennyt ovesta ulos?
35 O mano nawang may duminig sa akin! (Narito ang aking tala, sagutin ako ng Makapangyarihan sa lahat; ) At mano nawang magkaroon ako ng sumbong na isinulat ng aking kaaway!
Kuka antais minulle kuultelian, että Kaikkivaltias kuulis minun pyyntöni, että joku kirjoittais kirjan minun asiastani;
36 Tunay na aking papasanin ito sa aking balikat; aking itatali sa akin na gaya ng isang putong.
Niin minä ottaisin sen hartioilleni, ja sitoisin ympärilleni niinkuin kruunun.
37 Aking ipahahayag sa kaniya ang bilang ng aking mga hakbang, gaya ng isang pangulo na lalapitan ko siya.
Minä ilmoittaisin hänelle minun askeleini luvun, ja niinkuin ruhtinas kantaisin sen edes.
38 Kung ang aking lupa ay humiyaw laban sa akin, at ang mga bungkal niyaon ay umiyak na magkakasama;
Jos minun maani huutais minua vastaan, ja sen vaot kaikki ynnä itkisivät;
39 Kung kumain ako ng bunga niyaon na walang bayad, o ipinahamak ko ang buhay ng mga may-ari niyaon:
Jos minä olen sen hedelmän maksamatta syönyt, ja tehnyt peltomiesten elämän työlääksi;
40 Tubuan ng dawag sa halip ng trigo, at ng mga masamang damo sa halip ng cebada. Ang mga salita ni Job ay natapos.
Niin kasvakoon minulle nisuista orjantappuria ja ohrista pahoja ruohoja. Jobin sanat loppuvat.

< Job 31 >