< Job 30 >

1 Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
Nunc autem derident me iuniores tempore, quorum non dignabar patres ponere cum canibus gregis mei:
2 Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
Quorum virtus manuum mihi erat pro nihilo, et vita ipsa putabantur indigni.
3 Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom; kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
Egestate et fame steriles, qui rodebant in solitudine, squallentes calamitate, et miseria.
4 Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
Et mandebant herbas, et arborum cortices, et radix iuniperorum erat cibus eorum.
5 Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao; sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
Qui de convallibus ista rapientes, cum singula reperissent, ad ea cum clamore currebant.
6 Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis, sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
In desertis habitabant torrentium, et in cavernis terrae, vel super glaream.
7 Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
Qui inter huiuscemodi laetabantur, et esse sub sentibus delicias computabant.
8 Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao; sila'y mga itinapon mula sa lupain.
Filii stultorum et ignobilium, et in terra penitus non parentes.
9 At ngayon ay naging kantahin nila ako, Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
Nunc in eorum canticum versus sum, et factus sum eis in proverbium.
10 Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako, at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
Abominantur me, et longe fugiunt a me, et faciem meam conspuere non verentur.
11 Sapagka't kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako, at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
Pharetram enim suam aperuit, et afflixit me, et frenum posuit in os meum.
12 Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga; itinutulak nila ang aking mga paa, at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
Ad dexteram orientis calamitatis meae illico surrexerunt: pedes meos subverterunt, et oppresserunt quasi fluctibus semitis suis.
13 Kanilang sinisira ang aking landas, kanilang isinusulong ang aking kapahamakan, mga taong walang tumulong.
Dissipaverunt itinera mea, insidiati sunt mihi, et praevaluerunt, et non fuit qui ferret auxilium.
14 Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan: sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
Quasi rupto muro, et aperta ianua, irruerunt super me, et ad meas miserias devoluti sunt.
15 Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin, kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap.
Redactus sum in nihilum: abiit quasi ventus desiderium meum: et velut nubes pertransiit salus mea.
16 At ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
Nunc autem in memetipso marcescit anima mea, et possident me dies afflictionis.
17 Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto, at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
Nocte os meum perforatur doloribus: et qui me comedunt, non dormiunt.
18 Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot: tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
In multitudine eorum consumitur vestimentum meum, et quasi capito tunicae succinxerunt me.
19 Inihahagis niya ako sa banlik, at ako'y naging parang alabok at mga abo.
Comparatus sum luto, et assimilatus sum favillae et cineri.
20 Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
Clamo ad te, et non exaudis me: sto, et non respicis me.
21 Ikaw ay naging mabagsik sa akin: sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
Mutatus es mihi in crudelem, et in duritia manus tuae adversaris mihi.
22 Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon; at tinutunaw mo ako sa bagyo.
Elevasti me, et quasi super ventum ponens elisisti me valide.
23 Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
Scio quia morti trades me, ubi constituta est domus omni viventi.
24 Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
Verumtamen non ad consumptionem meam emittis manum tuam: et si corruerim, ipse salvabis.
25 Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
Flebam quondam super eo, qui afflictus erat, et compatiebatur anima mea pauperi.
26 Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating: at pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
Expectabam bona, et venerunt mihi mala: praestolabar lucem, et eruperunt tenebrae.
27 Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
Interiora mea efferbuerunt absque ulla requie, praevenerunt me dies afflictionis.
28 Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw; ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
Moerens incedebam, sine furore, consurgens, in turba clamabam.
29 Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz.
Frater fui draconum, et socius struthionum.
30 Ang aking balat ay maitim, at natutuklap, at ang aking mga buto ay nagpapaltos.
Cutis mea denigrata est super me, et ossa mea aruerunt prae caumate.
31 Kaya't ang aking alpa ay naging panangis, at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
Versa est in luctum cithara mea, et organum meum in vocem flentium.

< Job 30 >