< Job 28 >

1 Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan.
CIERTAMENTE la plata tiene sus veneros, y el oro lugar [donde] se forma.
2 Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato.
El hierro se saca del polvo, y de la piedra es fundido el metal.
3 Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman.
A las tinieblas puso término, y examina todo á la perfección, las piedras [que hay] en la oscuridad y en la sombra de muerte.
4 Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito.
Brota el torrente de junto al morador, [aguas] que el pie había olvidado: sécanse luego, vanse del hombre.
5 Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy.
De la tierra nace el pan, y debajo de ella estará como convertida en fuego.
6 Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto.
Lugar hay cuyas piedras son zafiro, y sus polvos de oro.
7 Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon:
Senda que nunca la conoció ave, ni ojo de buitre la vió:
8 Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon,
Nunca la pisaron animales fieros, ni león pasó por ella.
9 Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok.
En el pedernal puso su mano, y trastornó los montes de raíz.
10 Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay.
De los peñascos cortó ríos, y sus ojos vieron todo lo preciado.
11 Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag.
Detuvo los ríos en su nacimiento, é hizo salir á luz lo escondido.
12 Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
Empero ¿dónde se hallará la sabiduría? ¿y dónde está el lugar de la prudencia?
13 Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay.
No conoce su valor el hombre, ni se halla en la tierra de los vivientes.
14 Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin.
El abismo dice: No está en mí: y la mar dijo: Ni conmigo.
15 Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon.
No se dará por oro, ni su precio será á peso de plata.
16 Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro.
No puede ser apreciada con oro de Ophir, ni con onique precioso, ni con zafiro.
17 Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto.
El oro no se le igualará, ni el diamante; ni se trocará por vaso de oro fino.
18 Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi.
De coral ni de perlas no se hará mención: la sabiduría es mejor que piedras preciosas.
19 Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto.
No se igualará con ella esmeralda de Ethiopía; no se podrá apreciar con oro fino.
20 Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa?
¿De dónde pues vendrá la sabiduría? ¿y dónde está el lugar de la inteligencia?
21 Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid.
Porque encubierta está á los ojos de todo viviente, y á toda ave del cielo es oculta.
22 Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.
El infierno y la muerte dijeron: Su fama hemos oído con nuestros oídos. (questioned)
23 Nauunawa ng Dios ang daan niyaon, at nalalaman niya ang dako niyaon.
Dios entiende el camino de ella, y él conoce su lugar.
24 Sapagka't tumitingin siya hanggang sa mga wakas ng lupa, at nakikita ang silong ng buong langit;
Porque él mira hasta los fines de la tierra, y ve debajo de todo el cielo.
25 Upang bigyan ng timbang ang hangin; Oo, kaniyang tinatakal ang tubig sa takalan.
Al dar peso al viento, y poner las aguas por medida;
26 Nang siya'y gumawa ng pasiya sa ulan, at ng daan sa kidlat ng kulog:
Cuando él hizo ley á la lluvia, y camino al relámpago de los truenos;
27 Nang magkagayo'y nakita niya ito, at inihayag; kaniyang itinatag ito, oo, at siniyasat.
Entonces la veía él, y la manifestaba; preparóla y descubrióla también.
28 At sa tao ay sinabi niya, Narito, ang pagkatakot sa Dios ay siyang karunungan; at ang paghiwalay sa kasamaan ay pagkaunawa.
Y dijo al hombre: He aquí que el temor del Señor es la sabiduría, y el apartarse del mal la inteligencia.

< Job 28 >