< Job 27 >
1 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
Addidit quoque Iob, assumens parabolam suam, et dixit:
2 Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
Vivit Deus, qui abstulit iudicium meum, et Omnipotens, qui ad amaritudinem adduxit animam meam.
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
Quia donec superest halitus in me, et spiritus Dei in naribus meis,
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
Non loquentur labia mea iniquitatem, nec lingua mea meditabitur mendacium.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
Absit a me ut iustos vos esse iudicem: donec deficiam, non recedam ab innocentia mea.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
Iustificationem meam, quam coepi tenere, non deseram: neque enim reprehendit me cor meum in omni vita mea.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
Sit ut impius, inimicus meus: et adversarius meus, quasi iniquus.
8 Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
Quae est enim spes hypocritae si avare rapiat, et non liberet Deus animam eius?
9 Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
Numquid Deus audiet clamorem eius cum venerit super eum angustia?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
Aut poterit in Omnipotente delectari, et invocare Deum omni tempore?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
Docebo vos per manum Dei quae Omnipotens habeat, nec abscondam.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
Ecce, vos omnes nostis, et quid sine causa vana loquimini?
13 Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
Haec est pars hominis impii apud Deum, et hereditas violentorum, quam ob Omnipotente suscipient.
14 Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
Si multiplicati fuerint filii eius, in gladio erunt, et nepotes eius non saturabuntur pane.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
Qui reliqui fuerint ex eo, sepelientur in interitu, et viduae illius non plorabunt.
16 Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik;
Si comportaverit quasi terram argentum, et sicut lutum praeparaverit vestimenta:
17 Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak.
Praeparabit quidem, sed iustus vestietur illis: et argentum innocens dividet.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
Aedificavit sicut tinea domum suam, et sicut custos fecit umbraculum.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
Dives cum dormierit, nihil secum auferet: aperiet oculos suos, et nihil inveniet.
20 Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
Apprehendet eum quasi aqua inopia, nocte opprimet eum tempestas.
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
Tollet eum ventus urens, et auferet, et velut turbo rapiet eum de loco suo.
22 Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
Et mittet super eum, et non parcet: de manu eius fugiens fugiet.
23 Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
Stringet super eum manus suas, et sibilabit super illum, intuens locum eius.