< Job 27 >

1 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
And Job addeth to lift up his simile, and saith: —
2 Buhay ang Dios, na siyang nagalis ng aking katuwiran, at ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
God liveth! He turned aside my judgment, And the Mighty — He made my soul bitter.
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin, at ang espiritu ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
For all the while my breath [is] in me, And the spirit of God in my nostrils.
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan, ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
My lips do not speak perverseness, And my tongue doth not utter deceit.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap: Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
Pollution to me — if I justify you, Till I expire I turn not aside mine integrity from me.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan: hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
On my righteousness I have laid hold, And I do not let it go, My heart doth not reproach me while I live.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama, at ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
As the wicked is my enemy, And my withstander as the perverse.
8 Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
For what [is] the hope of the profane, When He doth cut off? When God doth cast off his soul?
9 Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak, pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
His cry doth God hear, When distress cometh on him?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat, at tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
On the Mighty doth he delight himself? Call God at all times?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios; ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
I shew you by the hand of God, That which [is] with the Mighty I hide not.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita; bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
Lo, ye — all of you — have seen, And why [is] this — ye are altogether vain?
13 Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios, at ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
This [is] the portion of wicked man with God, And the inheritance of terrible ones From the Mighty they receive.
14 Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa tabak, at ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
If his sons multiply — for them [is] a sword. And his offspring [are] not satisfied [with] bread.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan, at ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
His remnant in death are buried, And his widows do not weep.
16 Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok, at maghahanda ng bihisan na parang putik;
If he heap up as dust silver, And as clay prepare clothing,
17 Maihahanda niya, nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon. At babahagihin ng walang sala ang pilak.
He prepareth — and the righteous putteth [it] on, And the silver the innocent doth apportion.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga, at gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
He hath built as a moth his house, And as a booth a watchman hath made.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya pupulutin; kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
Rich he lieth down, and he is not gathered, His eyes he hath opened, and he is not.
20 Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na gaya ng tubig; bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
Overtake him as waters do terrors, By night stolen him away hath a whirlwind.
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw; at pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
Take him up doth an east wind, and he goeth, And it frighteneth him from his place,
22 Sapagka't hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad; siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
And it casteth at him, and doth not spare, From its hand he diligently fleeth.
23 Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya. At hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
It clappeth at him its hands, And it hisseth at him from his place.

< Job 27 >