< Job 26 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
And Job answers and says:
2 Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas!
“How you have helped the powerless, Saved an arm not strong!
3 Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
How you have given counsel to the unwise, And made known wise plans in abundance.
4 Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo?
With whom have you declared words? And whose breath came forth from you?
5 Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon.
The Rephaim are formed, Also their inhabitants beneath the waters.
6 Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. (Sheol )
Sheol [is] naked before Him, And there is no covering to destruction. (Sheol )
7 Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.
Stretching out the north over desolation, Hanging the earth on nothing,
8 Kaniyang itinatali ang tubig sa kaniyang masinsing alapaap; at ang alapaap ay hindi nahahapak sa ilalim nila.
Binding up the waters in His thick clouds, And the cloud is not burst under them.
9 Kaniyang tinatakpan ang ibabaw ng kaniyang luklukan, at iniladlad ang kaniyang mga alapaap sa ibabaw niyaon.
Taking hold of the face of the throne, Spreading His cloud over it.
10 Siya'y gumuguhit ng isang hangganan sa ibabaw ng tubig, hanggang sa pinagsasalikupan ng liwanag at kadiliman.
He has placed a limit on the waters, To the boundary of light with darkness.
11 Ang mga haligi ng langit ay nagsisipanginig. At nangatitigilan sa kaniyang saway.
Pillars of the heavens tremble, And they wonder because of His rebuke.
12 Kaniyang pinapag-iinalon ang dagat ng kaniyang kapangyarihan, at sa kaniyang kaalaman ay sinasaktan niya ang Rahab.
By His power He has quieted the sea, And by His understanding struck the proud.
13 Sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu ay ginayakan niya ang langit; sinaksak ng kaniyang mga kamay ang maliksing ahas.
He beautified the heavens by His Spirit, His hand has formed the fleeing serpent.
14 Narito, ang mga ito ang mga gilid lamang ng kaniyang mga daan: at pagkarahan ng bulong na ating naririnig sa kaniya! Nguni't sinong makakaunawa ng kulog ng kaniyang kapangyarihan?
Behold, these [are] the borders of His way, and how little a matter is heard of Him, and who understands the thunder of His might?”