< Job 22 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
ὑπολαβὼν δὲ Ελιφας ὁ Θαιμανίτης λέγει
2 Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
πότερον οὐχὶ ὁ κύριός ἐστιν ὁ διδάσκων σύνεσιν καὶ ἐπιστήμην
3 May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
τί γὰρ μέλει τῷ κυρίῳ ἐὰν σὺ ἦσθα τοῖς ἔργοις ἄμεμπτος ἢ ὠφέλεια ὅτι ἁπλώσῃς τὴν ὁδόν σου
4 Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?
ἦ λόγον σου ποιούμενος ἐλέγξει σε καὶ συνεισελεύσεταί σοι εἰς κρίσιν
5 Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
πότερον οὐχ ἡ κακία σού ἐστιν πολλή ἀναρίθμητοι δέ σού εἰσιν αἱ ἁμαρτίαι
6 Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
ἠνεχύραζες δὲ τοὺς ἀδελφούς σου διὰ κενῆς ἀμφίασιν δὲ γυμνῶν ἀφείλου
7 Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
οὐδὲ ὕδωρ διψῶντας ἐπότισας ἀλλὰ πεινώντων ἐστέρησας ψωμόν
8 Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
ἐθαύμασας δέ τινων πρόσωπον ᾤκισας δὲ τοὺς ἐπὶ τῆς γῆς
9 Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
χήρας δὲ ἐξαπέστειλας κενάς ὀρφανοὺς δὲ ἐκάκωσας
10 Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
τοιγαροῦν ἐκύκλωσάν σε παγίδες καὶ ἐσπούδασέν σε πόλεμος ἐξαίσιος
11 O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
τὸ φῶς σοι σκότος ἀπέβη κοιμηθέντα δὲ ὕδωρ σε ἐκάλυψεν
12 Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
μὴ οὐχὶ ὁ τὰ ὑψηλὰ ναίων ἐφορᾷ τοὺς δὲ ὕβρει φερομένους ἐταπείνωσεν
13 At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
καὶ εἶπας τί ἔγνω ὁ ἰσχυρός ἦ κατὰ τοῦ γνόφου κρινεῖ
14 Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit.
νέφη ἀποκρυφὴ αὐτοῦ καὶ οὐχ ὁραθήσεται καὶ γῦρον οὐρανοῦ διαπορεύσεται
15 Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
μὴ τρίβον αἰώνιον φυλάξεις ἣν ἐπάτησαν ἄνδρες ἄδικοι
16 Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
οἳ συνελήμφθησαν ἄωροι ποταμὸς ἐπιρρέων οἱ θεμέλιοι αὐτῶν
17 Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
οἱ λέγοντες κύριος τί ποιήσει ἡμῖν ἢ τί ἐπάξεται ἡμῖν ὁ παντοκράτωρ
18 Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.
ὃς δὲ ἐνέπλησεν τοὺς οἴκους αὐτῶν ἀγαθῶν βουλὴ δὲ ἀσεβῶν πόρρω ἀπ’ αὐτοῦ
19 Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala:
ἰδόντες δίκαιοι ἐγέλασαν ἄμεμπτος δὲ ἐμυκτήρισεν
20 Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
εἰ μὴ ἠφανίσθη ἡ ὑπόστασις αὐτῶν καὶ τὸ κατάλειμμα αὐτῶν καταφάγεται πῦρ
21 Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.
γενοῦ δὴ σκληρός ἐὰν ὑπομείνῃς εἶτ’ ὁ καρπός σου ἔσται ἐν ἀγαθοῖς
22 Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
ἔκλαβε δὲ ἐκ στόματος αὐτοῦ ἐξηγορίαν καὶ ἀνάλαβε τὰ ῥήματα αὐτοῦ ἐν καρδίᾳ σου
23 Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
ἐὰν δὲ ἐπιστραφῇς καὶ ταπεινώσῃς σεαυτὸν ἔναντι κυρίου πόρρω ἐποίησας ἀπὸ διαίτης σου τὸ ἄδικον
24 At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
θήσῃ ἐπὶ χώματι ἐν πέτρᾳ καὶ ὡς πέτρᾳ χειμάρρους Ωφιρ
25 At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo.
ἔσται οὖν σου ὁ παντοκράτωρ βοηθὸς ἀπὸ ἐχθρῶν καθαρὸν δὲ ἀποδώσει σε ὥσπερ ἀργύριον πεπυρωμένον
26 Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
εἶτα παρρησιασθήσῃ ἔναντι κυρίου ἀναβλέψας εἰς τὸν οὐρανὸν ἱλαρῶς
27 Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.
εὐξαμένου δέ σου πρὸς αὐτὸν εἰσακούσεταί σου δώσει δέ σοι ἀποδοῦναι τὰς εὐχάς
28 Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
ἀποκαταστήσει δέ σοι δίαιταν δικαιοσύνης ἐπὶ δὲ ὁδοῖς σου ἔσται φέγγος
29 Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.
ὅτι ἐταπείνωσεν αὐτόν καὶ ἐρεῖς ὑπερηφανεύσατο καὶ κύφοντα ὀφθαλμοῖς σώσει
30 Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.
ῥύσεται ἀθῷον καὶ διασώθητι ἐν καθαραῖς χερσίν σου