< Job 21 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
Respondens autem Iob, dixit:
2 Pakinggan ninyong mainam ang aking pananalita; at ito'y maging inyong mga kaaliwan.
Audite quaeso sermones meos, et agite poenitentiam.
3 Pagdalitaan ninyo ako, at ako nama'y magsasalita, at pagkatapos na ako'y makapagsalita, ay manuya kayo.
Sustinete me, et ego loquar, et post mea, si videbitur, verba ridete.
4 Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip?
Numquid contra hominem disputatio mea est, ut merito non debeam contristari?
5 Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
Attendite me, et obstupescite, et superponite digitum ori vestro:
6 Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
Et ego quando recordatus fuero, pertimesco, et concutit carnem meam tremor.
7 Bakit nabubuhay ang masama, nagiging matanda, oo, nagiging malakas ba sa kapangyarihan?
Quare ergo impii vivunt, sublevati sunt, confortatique divitiis?
8 Ang kanilang binhi ay natatatag nakasama nila sa kanilang paningin, at ang kanilang mga suwi ay nasa harap ng kanilang mga mata.
Semen eorum permanet coram eis, propinquorum turba, et nepotum in conspectu eorum.
9 Ang kanilang mga bahay ay tiwasay na walang takot, kahit ang pamalo man ng Dios ay wala sa kanila.
Domus eorum securae sunt et pacatae, et non est virga Dei super illos.
10 Ang kanilang baka ay naglilihi, at hindi nababaog; ang kanilang baka ay nanganganak, at hindi napapahamak ang kaniyang guya.
Bos eorum concepit, et non abortivit: vacca peperit, et non est privata foetu suo.
11 Kaniyang inilabas ang kanilang mga bata na gaya ng kawan, at ang kanilang mga anak ay nangagsasayawan,
Egrediuntur quasi greges parvuli eorum, et infantes eorum exultant lusibus.
12 Sila'y nangagaawitan na katugma ng pandereta at alpa, at nangagkakatuwa sa tunog ng plauta.
Tenent tympanum, et citharam, et gaudent ad sonitum organi.
13 Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol. (Sheol )
Ducunt in bonis dies suos, et in puncto ad inferna descendunt. (Sheol )
14 At sinasabi nila sa Dios: Lumayo ka sa amin; sapagka't hindi namin ninanasa ang pagkaalam ng inyong mga lakad.
Qui dixerunt Deo: Recede a nobis, et scientiam viarum tuarum nolumus.
15 Ano ang Makapangyarihan sa lahat na siya'y paglilingkuran namin? At anong pakinabang magkakaroon kami, kung kami ay magsidalangin sa kaniya?
Quis est Omnipotens, ut serviamus ei? et quid nobis prodest si oraverimus illum?
16 Narito, ang kanilang kaginhawahan ay wala sa kanilang kamay: ang payo ng masama ay malayo sa akin.
Verumtamen quia non sunt in manu eorum bona sua, consilium impiorum longe sit a me.
17 Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masama? Na ang kanilang kapahamakan ay dumarating ba sa kanila? Na nagbabahagi ba ang Dios ng mga kapanglawan sa kaniyang galit?
Quoties lucerna impiorum extinguetur, et superveniet eis inundatio, et dolores dividet furoris sui?
18 Na sila'y gaya ng dayami sa harap ng hangin, at gaya ng ipa na tinatangay ng bagyo?
Erunt sicut paleae ante faciem venti, et sicut favilla quam turbo dispergit.
19 Inyong sinasabi, Inilalapat ng Dios ang kaniyang parusa sa kaniyang mga anak. Gantihin sa kaniyang sarili upang maalaman niya.
Deus servabit filiis illius dolorem patris: et cum reddiderit, tunc sciet.
20 Makita ng kaniyang mga mata ang kaniyang pagkagiba, at uminom siya ng poot ng Makapangyarihan sa lahat.
Videbunt oculi eius interfectionem suam, et de furore Omnipotentis bibet.
21 Sapagka't anong kasayahan magkakaroon siya sa kaniyang bahay pagkamatay niya, pagka ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nahiwalay sa gitna?
Quid enim ad eum pertinet de domo sua post se? et si numerus mensium eius dimidietur?
22 May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas.
Numquid Deus docebit quispiam scientiam, qui excelsos iudicat?
23 Isa'y namamatay sa kaniyang lubos na kalakasan, palibhasa't walang bahala at tahimik:
Iste moritur robustus et sanus, dives et felix.
24 Ang kaniyang mga suso ay puno ng gatas, at ang utak ng kaniyang mga buto ay halumigmig.
Viscera eius plena sunt adipe, et medullis ossa illius irrigantur:
25 At ang iba'y namamatay sa paghihirap ng kaluluwa, at kailan man ay hindi nakakalasa ng mabuti.
Alius vero moritur in amaritudine animae absque ullis opibus:
26 Sila'y nahihigang magkakasama sa alabok, at tinatakpan sila ng uod.
Et tamen simul in pulvere dormient, et vermes operient eos.
27 Narito, aking nalalaman ang inyong pagiisip, at ang mga maling haka ng inyong inaakala laban sa akin.
Certe novi cogitationes vestras, et sententias contra me iniquas.
28 Sapagka't inyong sinasabi, Saan naroon ang bahay ng prinsipe? At saan naroon ang tolda na tinatahanan ng masama?
Dicitis enim: Ubi est domus principis? et ubi tabernacula impiorum?
29 Hindi ba ninyo itinanong sa kanilang nangagdadaan? At hindi ba ninyo nalalaman ang kanilang mga pinagkakakilanlan?
Interrogate quemlibet de viatoribus, et haec eadem illum intelligere cognoscetis:
30 Na ang masamang tao ay natataan sa kaarawan ng kasakunaan? Na sila'y pinapatnubayan sa kaarawan ng kapootan?
Quia in diem perditionis servatur malus, et ad diem furoris ducetur.
31 Sinong magpapahayag ng kaniyang lakad sa kaniyang mukha? At sinong magbabayad sa kaniya ng kaniyang ginawa?
Quis arguet coram eo viam eius? et quae fecit, quis reddet illi?
32 Gayon ma'y dadalhin siya sa libingan, at magbabantay ang mga tao sa libingan.
Ipse ad sepulchra ducetur, et in congerie mortuorum vigilabit.
33 Ang mga bugal ng libis ay mamabutihin niya, at lahat ng tao ay magsisisunod sa kaniya, gaya ng nauna sa kaniya na walang bilang.
Dulcis fuit glareis Cocyti, et post se omnem hominem trahet, et ante se innumerabiles.
34 Paano ngang inyong aaliwin ako ng walang kabuluhan, dangang sa inyong mga sagot ang naiiwan lamang ay kabulaanan?
Quomodo igitur consolamini me frustra, cum responsio vestra repugnare ostensa sit veritati?