< Job 20 >

1 Nang magkagayo'y sumagot si Zophar na Naamathita, at nagsabi,
И отвечал Софар Наамитянин и сказал:
2 Kaya't nagbibigay sagot sa akin ang aking mga pagiisip, dahil nga sa aking pagmamadali na taglay ko.
размышления мои побуждают меня отвечать, и я поспешаю выразить их.
3 Aking narinig ang saway na inilalagay ako sa kahihiyan, at ang diwa ng aking pagkaunawa ay sumasagot sa akin.
Упрек, позорный для меня, выслушал я, и дух разумения моего ответит за меня.
4 Hindi mo ba nalalaman ito ng una, mula nang ang tao'y malagay sa lupa,
Разве не знаешь ты, что от века, - с того времени, как поставлен человек на земле, -
5 Na ang pagtatagumpay ng masama ay maikli, at ang kagalakan ng di banal ay sandali lamang?
веселье беззаконных кратковременно, и радость лицемера мгновенна?
6 Bagaman ang kaniyang karilagan ay napaiilanglang hanggang sa langit, at ang kaniyang ulo ay umaabot hanggang sa mga alapaap;
Хотя бы возросло до небес величие его, и голова его касалась облаков, -
7 Gayon may matutunaw siya magpakailan man, na gaya ng kaniyang sariling dumi: silang nangakakita sa kaniya ay mangagsasabi: Nasaan siya?
как помет его, на веки пропадает он; видевшие его скажут: где он?
8 Siya'y mawawala na gaya ng panaginip, at hindi masusumpungan. Oo, siya'y mawawala na parang pangitain sa gabi.
Как сон, улетит, и не найдут его; и, как ночное видение, исчезнет.
9 Ang mata na nakakita sa kaniya ay hindi na siya makikita pa; ni mamamalas pa man siya sa kaniyang pook.
Глаз, видевший его, больше не увидит его, и уже не усмотрит его место его.
10 Hahanapin ng kaniyang mga anak ang lingap ng dukha, at ang kaniyang mga kamay ay magsasauli ng kaniyang kayamanan.
Сыновья его будут заискивать у нищих, и руки его возвратят похищенное им.
11 Ang kaniyang mga buto ay puspos ng kaniyang kabataan, nguni't hihiga na kasama niya sa alabok.
Кости его наполнены грехами юности его, и с ним лягут они в прах.
12 Bagaman ang kasamaan ay masarap sa kaniyang bibig, bagaman kaniyang itago sa ilalim ng kaniyang dila;
Если сладко во рту его зло, и он таит его под языком своим,
13 Bagaman kaniyang patawarin, at hindi niya ito babayaan, kundi ingatan pa sa loob ng kaniyang bibig;
бережет и не бросает его, а держит его в устах своих,
14 Gayon ma'y ang kaniyang pagkain ay nabago na sa kaniyang tiyan, siyang kamandag ng mga ahas sa loob niya.
то эта пища его в утробе его превратится в желчь аспидов внутри его.
15 Siya'y sumakmal ng mga kayamanan, at kaniyang mga isusuka uli: mga aalisin uli ng Dios sa kaniyang tiyan.
Имение, которое он глотал, изблюет: Бог исторгнет его из чрева его.
16 Kaniyang hihititin ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
Змеиный яд он сосет; умертвит его язык ехидны.
17 Hindi niya matitingnan ang mga ilog, ang umaagos na mga bukal ng pulot at mantekilya.
Не видать ему ручьев, рек, текущих медом и молоком!
18 Na kaniyang isasauli ang kaniyang pinagpagalan, at hindi lalamunin; ayon sa pag-aari na kaniyang tinangkilik, hindi siya magagalak.
Нажитое трудом возвратит, не проглотит; по мере имения его будет и расплата его, а он не порадуется.
19 Sapagka't kaniyang pinighati at pinabayaan ang dukha; kaniyang kinuhang marahas ang isang bahay; at hindi niya itatayo.
Ибо он угнетал, отсылал бедных; захватывал дома, которых не строил;
20 Sapagka't hindi siya nakakilala ng katiwasayan sa loob niya, hindi siya makapagliligtas ng anoman sa kaniyang kinaluluguran.
не знал сытости во чреве своем и в жадности своей не щадил ничего.
21 Walang bagay na naiwan na hindi niya sinakmal; kaya't ang kaniyang kaginhawahan ay hindi mananatili.
Ничего не спаслось от обжорства его, зато не устоит счастье его.
22 Sa lubos niyang kasaganaan ay magigipit siya; ang kamay ng bawa't nasa karalitaan ay darating sa kaniya.
В полноте изобилия будет тесно ему; всякая рука обиженного поднимется на него.
23 Pagka kaniyang bubusugin ang kaniyang tiyan, ihuhulog ng Dios ang kaniyang mabangis na poot sa kaniya. At ibubugso sa kaniya samantalang siya'y kumakain.
Когда будет чем наполнить утробу его, Он пошлет на него ярость гнева Своего и одождит на него болезни в плоти его.
24 Kaniyang tatakasan ang sandatang bakal, at ang busog na tanso ay hihilagpos sa kaniya.
Убежит ли он от оружия железного, - пронзит его лук медный;
25 Binubunot niya ang pana, at lumalabas sa kaniyang katawan: Oo, ang makintab na talim ay lumalabas mula sa kaniyang apdo; mga kakilabutan ang sumasa kaniya.
станет вынимать стрелу, - и она выйдет из тела, выйдет, сверкая сквозь желчь его; ужасы смерти найдут на него!
26 Lahat na kadiliman ay nalalagay na mga pinakakayamanan niya; isang apoy na hindi hinipan ng tao ay susupok sa kaniya: susupukin niyaon ang naiwan sa kaniyang tolda.
Все мрачное сокрыто внутри его; будет пожирать его огонь, никем не раздуваемый; зло постигнет и оставшееся в шатре его.
27 Ihahayag ng mga langit ang kaniyang kasamaan, at ang lupa ay babangon laban sa kaniya.
Небо откроет беззаконие его, и земля восстанет против него.
28 Ang pakinabang ng kaniyang bahay ay yayaon, ang kaniyang mga pag-aari ay huhuho sa kaarawan ng kaniyang kapootan.
Исчезнет стяжание дома его; все расплывется в день гнева Его.
29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Dios, at ang manang takda sa kaniya ng Dios.
Вот удел человеку беззаконному от Бога и наследие, определенное ему Вседержителем!

< Job 20 >