< Job 18 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
そこでシュヒびとビルダデは答えて言った、
2 Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
「あなたはいつまで言葉にわなを設けるのか。あなたはまず悟るがよい、それからわれわれは論じよう。
3 Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin?
なぜ、われわれは獣のように思われるのか。なぜ、あなたの目に愚かな者と見えるのか。
4 Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
怒っておのが身を裂く者よ、あなたのために地は捨てられるだろうか。岩はその所から移されるだろうか。
5 Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
悪しき者の光は消え、その火の炎は光を放たず、
6 Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
その天幕のうちの光は暗く、彼の上のともしびは消える。
7 Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
その力ある歩みはせばめられ、その計りごとは彼を倒す。
8 Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo.
彼は自分の足で網にかかり、また落し穴の上を歩む。
9 Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya.
わなは彼のかかとを捕え、網わなは彼を捕える。
10 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
輪なわは彼を捕えるために地に隠され、張り網は彼を捕えるために道に設けられる。
11 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
恐ろしい事が四方にあって彼を恐れさせ、その歩みにしたがって彼を追う。
12 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
その力は飢え、災は彼をつまずかすために備わっている。
13 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap.
その皮膚は病によって食いつくされ、死のういごは彼の手足を食いつくす。
14 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan.
彼はその頼む所の天幕から引き離されて、恐れの王のもとに追いやられる。
15 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
彼に属さない者が彼の天幕に住み、硫黄が彼のすまいの上にまき散らされる。
16 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
下ではその根が枯れ、上ではその枝が切られる。
17 Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
彼の形見は地から滅び、彼の名はちまたに消える。
18 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan.
彼は光からやみに追いやられ、世の中から追い出される。
19 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
彼はその民の中に子もなく、孫もなく、彼のすみかには、ひとりも生き残る者はない。
20 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot.
西の者は彼の日について驚き、東の者はおじ恐れる。
21 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.
まことに、悪しき者のすまいはこのようであり、神を知らない者の所はこのようである」。