< Job 17 >

1 Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin.
Mi alma se agota, mis días se extinguen. El sepulcro está preparado para mí.
2 Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
No hay conmigo sino burladores, y mis ojos se fijan en su provocación.
3 Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
Te ruego, deposita una fianza ante Ti mismo. ¿Quién quiere ser mi garante?
4 Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas.
Porque cerraste su corazón al entendimiento. Por tanto, no los exaltarás.
5 Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
Al que traiciona a sus amigos por recompensa, les desfallecerán los ojos a sus hijos.
6 Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha.
Pero Él me convirtió en un refrán de la gente. Soy uno a quien los hombres escupen.
7 Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
Mis ojos se oscurecieron por la angustia, y todos mis miembros son como una sombra.
8 Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
Los rectos se asombran de esto, y el inocente se levanta contra el impío.
9 Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
Sin embargo, el justo se aferra a su camino, y el limpio de manos aumentará sus fuerzas.
10 Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
Pero ahora, vuelvan todos ustedes y vengan acá. Pero entre ustedes no hallaré algún sabio.
11 Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
Mis días pasaron. Mis planes se deshicieron, aun los anhelos de mi corazón
12 Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
que solían cambiar la noche en día. La luz está después de la oscuridad.
13 Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: (Sheol h7585)
Si espero, yo sé que el Seol es mi habitación. En la tenebrosidad tengo extendida mi cama. (Sheol h7585)
14 Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
A la descomposición digo: ¡Padre mío! Y al gusano: ¡Madre mía, hermana mía!
15 Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
¿Dónde está entonces mi esperanza? ¿Quién verá mi bien?
16 Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. (Sheol h7585)
Descenderá conmigo al Seol y juntos bajaremos al polvo. (Sheol h7585)

< Job 17 >