< Job 16 >

1 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
Then responded Job, and said: —
2 Ako'y nakarinig ng maraming ganyang bagay: maralitang mga mangaaliw kayong lahat.
I have heard many such things, Wearisome comforters, are ye all!
3 Magkakawakas ba ang mga walang kabuluhang salita? O anong naguudyok sa iyo, na ikaw ay sumagot?
Is there to be an end to windy words? Or what so strongly exciteth thee, that thou must respond?
4 Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
I also, like you, could speak, —If your soul were in the place of my soul, I could string together words against you, and could therewith shake over you my head.
5 Nguni't aking palalakasin kayo ng aking bibig, at ang pagaliw ng aking mga labi ay magpapalikat ng inyong hirap,
I could make you determined, by my mouth, and then my lip-solace should restrain you.
6 Bagaman ako'y nagsasalita, ang aking hirap ay hindi naglilikat: at bagaman ako'y tumatahimik, anong ikinalalayo sa akin?
Though I do speak, unassuaged is my stinging pain, —And, if I forbear, of what am I relieved?
7 Nguni't ngayo'y niyamot niya ako: nilansag mo ang aking buong pulutong.
But, now, hath he wearied me, thou hast destroyed all my family;
8 At ako'y pinagdalamhati mo, na siyang saksi laban sa akin; at ang aking kapayatan ay bumabangon laban sa akin, nagpapatotoo sa aking mukha.
And, having captured me, it hath served, as a witness; and so my wasting away hath risen up against me, in my face, it answereth.
9 Niluray niya ako sa kaniyang kapootan, at inusig ako; pinagngangalitan niya ako ng kaniyang mga ngipin: pinangdidilatan ako ng mga mata ng aking kaaway.
His anger, hath torn and persecuted me, He hath gnashed upon me with his teeth, Mine adversary, hath sharpened his eyes for me.
10 Kanilang pinagbubukahan ako ng kanilang bibig: kanilang sinampal ako sa mukha na kahiyahiya: sila'y nagpipisan laban sa akin.
They have gaped upon me with their mouth, With reproach, have they smitten my cheek, Together, against me, have they closed their ranks.
11 Ibinibigay ako ng Dios sa di banal, at inihahagis niya ako sa mga kamay ng masama.
GOD doth abandon me to him that is perverse, and, into the hands of the lawless, he throweth me headlong.
12 Ako'y nasa kaginhawahan at kaniyang niligalig akong mainam; Oo, sinunggaban niya ako sa leeg, at pinagwaraywaray niya ako: inilagay naman niya akong pinakatanda niya.
At ease, was I when he shattered me, Yea he seized me by my neck, and dashed me in pieces, then set me up for himself as a mark:
13 Kinubkob ako sa palibot ng kaniyang mga mamamana, kaniyang sinaksak ang aking mga bato, at hindi nagpapatawad; kaniyang ibinubuhos ang aking apdo sa lupa.
His archers came round against me, He clave asunder my reins, and spared not, He poured out, on the earth, my gall:
14 Kaniyang binubugbog ako ng bugbog at bugbog; siya'y gaya ng isang higanti na dinadaluhong niya ako.
He made a breach in me, breach upon breach, He ran upon me, like a mighty man.
15 Ako'y nanahi ng kayong magaspang sa aking katawan, at aking inilugmok ang aking kapalaluan sa alabok.
Sackcloth, sewed I on my skin, and rolled—in the dust—my horn:
16 Ang aking mukha ay namamaga sa pagiyak, at nasa aking mga pilik-mata ang anino ng kamatayan;
My face, is reddened from weeping, and, upon mine eyelashes, is the death-shade: —
17 Bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking dalangin ay malinis,
Though no violence was in my hands, and, my prayer, was pure.
18 Oh lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo, at huwag magkaroon ng pahingahang dako ang aking daing.
O earth! do not cover my blood, and let there be no place for mine outcry.
19 Kahit na ngayon, narito, ang aking saksi ay nasa langit, at siyang nananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
Even now, lo! in the heavens, is my witness,
20 Ginagalit ako ng aking mga kaibigan: nguni't ang aking mata ay nagbubuhos ng mga luha sa Dios;
And, he that voucheth for me is on high. My friends are, they who scorn me, Unto GOD, hath mine eye shed tears: —
21 Upang kaniyang alalayan ang katuwiran ng tao sa Dios; at ang anak ng tao sa kaniyang kapuwa.
That one might plead, for a man, with GOD, —Even a son of man, for his friend!
22 Sapagka't pagsapit ng ilang taon, ako'y papanaw sa daan na hindi ko pagbabalikan.
When, a few years, come, then, by a path by which I shall not return, shall I depart.

< Job 16 >