< Job 15 >
1 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
And Eliphaz the Temanite answereth and saith: —
2 Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan?
Doth a wise man answer [with] vain knowledge? And fill [with] an east wind his belly?
3 Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
To reason with a word not useful? And speeches — no profit in them?
4 Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
Yea, thou dost make reverence void, And dost diminish meditation before God.
5 Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
For thy mouth teacheth thine iniquity, And thou chooseth the tongue of the subtile.
6 Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
Thy mouth declareth thee wicked, and not I, And thy lips testify against thee.
7 Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
The first man art thou born? And before the heights wast thou formed?
8 Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
Of the secret counsel of God dost thou hear? And withdrawest thou unto thee wisdom?
9 Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin?
What hast thou known, and we know not? Understandest thou — and it is not with us?
10 Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama.
Both the gray-headed And the very aged [are] among us — Greater than thy father [in] days.
11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
Too few for thee are the comforts of God? And a gentle word [is] with thee,
12 Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
What — doth thine heart take thee away? And what — are thine eyes high?
13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
For thou turnest against God thy spirit? And hast brought out words from thy mouth:
14 Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
What [is] man that he is pure, And that he is righteous, one born of woman?
15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
Lo, in His holy ones He putteth no credence, And the heavens have not been pure in His eyes.
16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
Also — surely abominable and filthy Is man drinking as water perverseness.
17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag:
I shew thee — hearken to me — And this I have seen and declare:
18 (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
Which the wise declare — And have not hid — from their fathers.
19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila: )
To them alone was the land given, And a stranger passed not over into their midst:
20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
'All days of the wicked he is paining himself, And few years have been laid up for the terrible one.
21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
A fearful voice [is] in his ears, In peace doth a destroyer come to him.
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak:
He believeth not to return from darkness, And watched [is] he for the sword.
23 Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
He is wandering for bread — 'Where [is] it?' He hath known that ready at his hand Is a day of darkness.
24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
Terrify him do adversity and distress, They prevail over him As a king ready for a boaster.
25 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
For he stretched out against God his hand, And against the Mighty he maketh himself mighty.
26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
He runneth unto Him with a neck, With thick bosses of his shields.
27 Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
For he hath covered his face with his fat, And maketh vigour over [his] confidence.
28 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton.
And he inhabiteth cities cut off, houses not dwelt in, That have been ready to become heaps.
29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
He is not rich, nor doth his wealth rise, Nor doth he stretch out on earth their continuance.
30 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
He turneth not aside from darkness, His tender branch doth a flame dry up, And he turneth aside at the breath of His mouth!
31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
Let him not put credence in vanity, He hath been deceived, For vanity is his recompence.
32 Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa.
Not in his day is it completed, And his bending branch is not green.
33 Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
He shaketh off as a vine his unripe fruit, And casteth off as an olive his blossom.
34 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
For the company of the profane [is] gloomy, And fire hath consumed tents of bribery.
35 Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.
To conceive misery, and to bear iniquity, Even their heart doth prepare deceit.