< Job 14 >
1 Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
人为妇人所生, 日子短少,多有患难;
2 Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.
出来如花,又被割下, 飞去如影,不能存留。
3 At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?
这样的人你岂睁眼看他吗? 又叫我来受审吗?
4 Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
谁能使洁净之物出于污秽之中呢? 无论谁也不能!
5 Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
人的日子既然限定, 他的月数在你那里, 你也派定他的界限,使他不能越过,
6 Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
便求你转眼不看他,使他得歇息, 直等他像雇工人完毕他的日子。
7 Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
树若被砍下, 还可指望发芽, 嫩枝生长不息;
8 Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
其根虽然衰老在地里, 干也死在土中,
9 Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.
及至得了水气,还要发芽, 又长枝条,像新栽的树一样。
10 Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
但人死亡而消灭; 他气绝,竟在何处呢?
11 Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
海中的水绝尽, 江河消散干涸。
12 Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
人也是如此,躺下不再起来, 等到天没有了,仍不得复醒, 也不得从睡中唤醒。
13 Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako! (Sheol )
惟愿你把我藏在阴间, 存于隐密处,等你的忿怒过去; 愿你为我定了日期,记念我。 (Sheol )
14 Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.
人若死了岂能再活呢? 我只要在我一切争战的日子, 等我被释放的时候来到。
15 Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay.
你呼叫,我便回答; 你手所做的,你必羡慕。
16 Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
但如今你数点我的脚步, 岂不窥察我的罪过吗?
17 Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan.
我的过犯被你封在囊中, 也缝严了我的罪孽。
18 At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
山崩变为无有; 磐石挪开原处。
19 Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
水流消磨石头, 所流溢的洗去地上的尘土; 你也照样灭绝人的指望。
20 Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
你攻击人常常得胜,使他去世; 你改变他的容貌,叫他往而不回。
21 Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
他儿子得尊荣,他也不知道, 降为卑,他也不觉得。
22 Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.
但知身上疼痛, 心中悲哀。