< Job 13 >
1 Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
“Behold, my eye has seen all, My ear has heard, and it attends to it.
2 Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo.
According to your knowledge I have known—also I. I am not more fallen than you.
3 Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
Yet I speak for the Mighty One, And I delight to argue for God.
4 Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
And yet, you [are] forgers of falsehood, Physicians of nothing—all of you,
5 Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan.
O that you would keep perfectly silent, And it would be to you for wisdom.
6 Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
Please hear my argument, And attend to the pleadings of my lips,
7 Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
Do you speak perverseness for God? And do you speak deceit for Him?
8 Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
Do you accept His face, if you strive for God?
9 Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
Is [it] good that He searches you, If, as one mocks at a man, you mock at Him?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
He surely reproves you, if you accept faces in secret.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
Does His excellence not terrify you? And His dread fall on you?
12 Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
Your remembrances [are] allegories of ashes, For high places of clay [are] your heights.
13 Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating.
Keep silent from me, and I speak, And pass over me what will.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
Why do I take my flesh in my teeth? And my soul put in my hand?
15 Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
Behold, He slays me—I do not wait! Only, I argue my ways to His face.
16 Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
Also—He [is] to me for salvation, For the profane do not come before Him.
17 Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
Hear my word diligently, And my declaration with your ears.
18 Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid.
Now behold, I have set the cause in order, I have known that I am righteous.
19 Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
Who [is] he that strives with me? For now I keep silent and gasp.
20 Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
Only two things, O God, do with me, Then I am not hidden from Your face:
21 Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
Put Your hand far off from me, And do not let Your terror terrify me.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
And You call, and I answer, Or—I speak, and You answer me.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
How many iniquities and sins do I have? Let me know my transgression and my sin.
24 Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway?
Why do You hide Your face? And reckon me for an enemy to You?
25 Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
Do You terrify a leaf driven away? And do You pursue the dry stubble?
26 Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
For You write bitter things against me, And cause me to possess iniquities of my youth,
27 Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
And you put my feet in the stocks, And observe all my paths—You set a print on the roots of my feet,
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.
And he, as a rotten thing, wears away, A moth has consumed him as a garment.”