< Job 12 >

1 Nang magkagayo'y sumagot si Job; at nagsabi,
Then Job answered,
2 Walang pagaalinlangan na kayo ang bayan, At ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
“No doubt, but you are the people, and wisdom will die with you.
3 Nguni't ako'y may pagkaunawang gaya ninyo: Hindi ako huli sa inyo: Oo, sinong hindi nakaalam ng mga bagay na gaya nito?
But I have understanding as well as you; I am not inferior to you. Yes, who doesn’t know such things as these?
4 Ako'y gaya ng tinatawanan ng kaniyang kapuwa, ako na tumawag sa Dios, at sinagot niya: Ang ganap, ang taong sakdal ay tinatawanan.
I am like one who is a joke to his neighbour, I, who called on God, and he answered. The just, the blameless man is a joke.
5 Sa pagiisip niyaong nasa katiwasayan ay may pagkakutya sa ikasasawi; nahahanda sa mga iyan yaong nangadudulas ang paa.
In the thought of him who is at ease there is contempt for misfortune. It is ready for them whose foot slips.
6 Ang mga tolda ng mga tulisan ay gumiginhawa, at silang nangagmumungkahi sa Dios ay tiwasay; na ang kamay ay pinadadalhan ng Dios ng sagana.
The tents of robbers prosper. Those who provoke God are secure, who carry their god in their hands.
7 Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo:
“But ask the animals now, and they will teach you; the birds of the sky, and they will tell you.
8 O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo.
Or speak to the earth, and it will teach you. The fish of the sea will declare to you.
9 Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito?
Who doesn’t know that in all these, the LORD’s hand has done this,
10 Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.
in whose hand is the life of every living thing, and the breath of all mankind?
11 Hindi ba lumilitis ng mga salita ang pakinig; gaya ng ngalangala na lumalasa ng pagkain niya?
Doesn’t the ear try words, even as the palate tastes its food?
12 Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.
With aged men is wisdom, in length of days understanding.
13 Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa.
“With God is wisdom and might. He has counsel and understanding.
14 Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.
Behold, he breaks down, and it can’t be built again. He imprisons a man, and there can be no release.
15 Narito, kaniyang pinipigil ang tubig at nangatutuyo; muli, kaniyang binibitawan sila at ginugulo nila ang lupa.
Behold, he withholds the waters, and they dry up. Again, he sends them out, and they overturn the earth.
16 Nasa kaniya ang kalakasan at ang karunungan, ang nadadaya at ang magdaraya ay kaniya.
With him is strength and wisdom. The deceived and the deceiver are his.
17 Kaniyang pinalalakad ang mga kasangguni na hubad sa bait, at ginagawa niyang mga mangmang ang mga hukom.
He leads counsellors away stripped. He makes judges fools.
18 Kaniyang kinakalag ang panali ng mga hari, at binibigkisan ang kanilang mga baywang ng pamigkis.
He loosens the bond of kings. He binds their waist with a belt.
19 Kaniyang pinalalakad na hubad sa bait ang mga saserdote.
He leads priests away stripped, and overthrows the mighty.
20 Kaniyang pinapagbabago ang pananalita ng napagtitiwalaan. At inaalis ang pagkaunawa ng mga matanda.
He removes the speech of those who are trusted, and takes away the understanding of the elders.
21 Siya'y nagbubuhos ng kutya sa mga pangulo, at kinakalag ang pamigkis ng malakas.
He pours contempt on princes, and loosens the belt of the strong.
22 Siya'y naglilitaw ng mga malalim na bagay mula sa kadiliman, at inilalabas sa liwanag ang lihim ng kamatayan.
He uncovers deep things out of darkness, and brings out to light the shadow of death.
23 Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya: kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.
He increases the nations, and he destroys them. He enlarges the nations, and he leads them captive.
24 Kaniyang inaalis ang pangunawa mula sa mga pinuno ng bayan sa lupa, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na doo'y walang lansangan.
He takes away understanding from the chiefs of the people of the earth, and causes them to wander in a wilderness where there is no way.
25 Sila'y nagsisikapa sa dilim na walang liwanag, at kaniyang pinagigiraygiray sila na gaya ng lango.
They grope in the dark without light. He makes them stagger like a drunken man.

< Job 12 >