< Job 10 >
1 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa.
Додијао је души мојој живот мој; пустићу од себе тужњаву своју, говорићу у јаду душе своје.
2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin.
Рећи ћу Богу: Немој ме осудити; кажи ми зашто се преш са мном.
3 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama?
Је ли Ти мило да чиниш силу, да одбацујеш дело руку својих и савет безбожнички обасјаваш?
4 Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao?
Јесу ли у Тебе очи телесне? Видиш ли као што види човек?
5 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao,
Јесу ли дани твоји као дани човечији, и године твоје као век људски,
6 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan,
Те истражујеш моје безакоње и за грех мој разбираш?
7 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay?
Ти знаш да нисам крив, и нема никога ко би избавио из Твоје руке.
8 Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako.
Твоје су ме руке створиле и начиниле, и Ти ме одсвуда потиреш.
9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok?
Опомени се да си ме као од кала начинио, и опет ћеш ме у прах обратити.
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso?
Ниси ли ме као млеко слио и као сир усирио ме?
11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid.
Навукао си на ме кожу и месо, и костима и жилама сплео си ме.
12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw.
Животом и милошћу даривао си ме; и старање Твоје чувало је дух мој.
13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na ito'y sa iyo:
И сакрио си то у срцу свом; али знам да је у Тебе.
14 Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan.
Ако сам згрешио, опазио си ме, и ниси ме опростио безакоња мог.
15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian.
Ако сам скривио, тешко мени! Ако ли сам прав, не могу подигнути главе, пун срамоте и видећи муку своју.
16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin.
И ако се подигне, гониш ме као лав, и опет чиниш чудеса на мени.
17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin.
Понављаш сведочанства своја против мене, и умножаваш гнев свој на ме; војске једне за другом излазе на ме.
18 Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin.
Зашто си ме извадио из утробе? О да умрех! Да ме ни око не виде!
19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan,
Био бих као да никада нисам био; из утробе у гроб био бих однесен.
20 Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at ako'y iyong bayaan, upang ako'y maginhawahan ng kaunti,
Није ли мало дана мојих? Престани дакле и окани ме се да се мало опоравим,
21 Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan;
Пре него отидем одакле се нећу вратити, у земљу тамну и у сен смртни,
22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
У земљу тамну као мрак и у сен смртни, где нема промене и где је видело као тама.