< Jeremias 52 >
1 Si Sedechias ay dalawang pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal, na anak ni Jeremias na taga Libna.
Twenty-one years old, was Zedekiah when he began to reign, and eleven years, reigned he, in Jerusalem, —and, his mother’s name, was Hamutal, daughter of Jeremiah of Libnah.
2 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni Joacim.
And he did that which was wicked in the eyes of Yahweh, —according to all that Jehoiakim had done.
3 Sapagka't dahil sa galit ng Panginoon ay nangyari yaon sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang napalayas sila sa kaniyang harapan. At si Sedechias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia.
For it was, because the anger of Yahweh, had come against Jerusalem and Judah until he had cast them out from his presence, that Zedekiah rebelled against the king of Babylon.
4 At nangyari, nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari, nang ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay dumating, siya at ang kaniyang buong hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at sila'y nangagtayo ng mga katibayan laban doon sa palibot.
And it came to pass in the ninth year of his reign, in the tenth month, on the tenth of the month, that Nebuchadrezzar king of Babylon came, he and all his force, against Jerusalem, and encamped against it, —and he built against it a siege-wall round about.
5 Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias.
And the city came into the siege, —until the eleventh year of King Zedekiah.
6 Nang ikaapat na buwan nang ikasiyam na araw ng buwan, ang kagutom ay mahigpit sa bayan na anopa't walang tinapay para sa bayan ng lupain.
In the fourth month on the ninth of the month, when the famine had become severe in the city, —and there had come to be no bread for the people of the land,
7 Nang magkagayo'y nagkasira sa kuta ng bayan, at lahat ng lalaking mangdidigma ay nagsitakas, at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan, sa daan ng pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta, na nasa tabi ng halamanan ng hari (ang mga Caldeo nga ay naging laban sa bayan sa palibot); at sila'y nagsiyaon sa daan ng Araba.
then was the city broken up, and all the men of war, beginning to flee went forth out of the city by night, by way of the gate between the two walls which was by the garden of the king the Chaldeans being near the city round about), —and they went the way towards the Waste Plain.
8 Nguni't hinabol ng hukbo ng mga Caldeo ang hari, at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico; at ang buo niyang hukbo ay nangalat na napahiwalay sa kaniya.
And the force of the Chaldeans pursued the king, and overtook Zedekiah, in the Waste Plains of Jericho, —and, all his force, was scattered from him.
9 Nang magkagayo'y kanilang hinuli ang hari, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia sa Ribla, sa lupain ng Hamath; at siya'y nilapatan niya ng kahatulan.
So they seized the king, and brought him up, unto the king of Babylon at Riblah, in the land of Hamath, —and he pronounced upon him sentences of judgment.
10 At pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa harap ng kaniyang mga mata: kaniyang pinatay rin ang lahat na prinsipe ng Juda sa Ribla.
And the king of Babylon slew the sons of Zedekiah before his eyes, —moreover also all the princes of Judah, slew he in Riblah;
11 At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.
and the eyes of Zedekiah, put he out, —and bound him with fetters of bronze and the king of Babylon took him to Babylon, and put him in prison—until the day of his death.
12 Nang ikalimang buwan nga sa ikasangpung araw ng buwan, na siyang ikalabing siyam na taon ng haring Nabucodonosor, na hari sa Babilonia, dumating sa loob ng Jerusalem si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, na tumayo sa harap ng hari sa Babilonia.
And in the fifth month on the tenth of the month, the same, was the nineteenth year of King Nebuchadrezzar, king of Babylon, came Nebuzaradan, chief of the royal executioners, —who stood before the king of Babylon into, Jerusalem;
13 At kaniyang sinunog ang bahay ng Panginoon, at ang bahay ng hari; at lahat ng mga bahay sa Jerusalem, sa makatuwid baga'y bawa't malaking bahay, sinunog niya ng apoy.
and he burned the house of Yahweh and the house of the king, —yea all the houses of Jerusalem even every great man’s house, burned he with fire;
14 At ang buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng kapitan ng bantay, nagbagsak ng lahat ng kuta sa Jerusalem sa palibot.
and all the walls of Jerusalem round about, did all the force of the Chaldeans who were with the chief of the royal executioners, break down.
15 Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, at yaong mga takas, na nagsitakas sa hari sa Babilonia, at ang nalabi sa karamihan.
And some of the poor of the people and the residue of the people who were left in the city, and the disheartened who had fallen away unto the king of Babylon and the residue of the multitude, did Nebuzaradan chief of the royal executioners carry away captive.
16 Nguni't nagiwan si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, sa mga dukha sa lupain upang maging mga manguubasan at mga mangbubukid.
But, others of the poor of the land, did Nebuzaradan chief of the royal executioners leave, for vinedressers and for husbandmen.
17 At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, ang mga tungtungan, at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, pinagputolputol ng mga Caldeo, at dinala ang lahat na tanso ng mga yaon sa Babilonia.
And the pillars of bronze that pertained to the house of Yahweh and the stands and the sea of bronze which was in the house of Yahweh, did the Chaldeans, break in pieces, —and they carried away all the bronze of them to Babylon;
18 Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga gunting, at ang mga mankok, at ang mga kuchara, at lahat na sisidlan na tanso, na kanilang ipinangangasiwa, dinala nila.
and the caldrons and the shovels and the snuffers and the dashing bowls, and the spoons even all the utensils of bronze wherewith ministration used to be made did they take away;
19 At ang mga saro, at ang mga apuyan, at ang mga mankok, at ang mga palayok, at ang mga kandelero, at ang mga kuchara, at ang mga tasa, ang ginto sa ginto, at ang pilak sa pilak, dinala ng kapitan ng bantay.
and the basins and the censers and the dashing bowls and the caldrons and the lamps and the spoons and the cups, which were of gold in gold, and which were of silver in silver, did the chief of the royal executioners, take away.
20 Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon, ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang.
As for the two pillars the one sea, and the twelve oxen of bronze which were under the stands which King Solomon had made for the house of Yahweh, without weight was the bronze of all these things.
21 At tungkol sa mga haligi, ang taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang.
Now as for the pillars, eighteen cubits, was the height of each pillar, and, a line of twelve cubits, compassed it about, —and the thickness thereof was four fingers’ breadth—hollow;
22 At isang kapitel na tanso ay nasa ibabaw niyaon; at ang taas ng isang kapitel ay limang siko, na yaring nilambat at may mga granada sa kapitel sa palibot, taganas na tanso: at ang ikalawang haligi naman ay mayroong gaya ng mga ito, at mga granada.
and there was, a capital, upon it, of bronze, and the height of each capital, was five cubits, with lattice-work and pomegranates upon the capital round about—the whole was of bronze, —and like these, were the second pillar and the pomegranates.
23 At mayroong siyam na pu't anim na granada sa mga tagiliran; lahat na granada ay isang daan na yaring nilambat sa palibot.
And the pomegranates were ninety-six on a side, —all the pomegranates were a hundred upon the lattice-work round about.
24 At kinuha ng kapitan ng bantay si Seraias na pangulong saserdote, at si Sophonias na ikalawang saserdote, at ang tatlong tagatanod-pinto:
And the chief of the royal executioners, took away, Seraiah the first priest, and Zephaniah, the second priest, —and the three keepers of the entrance-hall;
25 At sa bayan ay kinuha niya ang isang oficial na inilagay niya sa mga lalaking mangdidigma; at pitong lalake sa kanila na nangakakita ng mukha ng hari, na nasumpungan sa bayan; at ang kalihim ng kapitan ng hukbo, na pumipisan ng bayan ng lupain, at anim na pung katao sa bayan ng lupain, na nangasumpungan sa gitna ng bayan.
and out of the city, took he one eunuch who was in charge over the men of war and seven men of them who used to watch the face of the king, who were found in the city, and the scribe of the prince of the host, who used to muster the people of the land, —and sixty men of the people of the land, who were found in the midst of the city.
26 At dinala sila ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at dinala sila sa hari sa Babilonia sa Ribla.
And when Nebuzaradan chief the royal executioners, had taken them, and brought them unto the king of Babylon at Riblah,
27 At sinaktan sila ng hari sa Babilonia, at ipinapatay sila sa Ribla, sa lupain ng Hamath. Gayon nadalang bihag ang Juda, mula sa kaniyang lupain.
then did the king of Babylon smite them and put them to death at Riblah in the land of Hamath, —thus carried he Judah captive away from off their own soil.
28 Ito ang bayan na dinalang bihag ni Nabucodonosor nang ikapitong taon, tatlong libo at dalawang pu't tatlong Judio:
This, is the people, whom Nebuchadrezzar carried away captive, —In the seventh year—of them of Judah, three thousand and twenty-three;
29 Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodonosor ay nagdala siya ng bihag na mula sa Jerusalem na walong daan at tatlong pu't dalawang tao:
In the eighteenth year of Nebuchadrezzar—out of Jerusalem, eight hundred and thirty-two souls;
30 Nang ikadalawang pu't tatlong taon ni Nabucodonosor ay nagdala ng bihag sa mga Judio si Nabuzaradan na kapitan ng bantay na pitong daan at apat na pu't limang tao: lahat na tao ay apat na libo at anim na raan.
In the three-and-twentieth year of Nebuchadrezzar, Nebuzaradan, chief of the royal executioners took away captive, of them of Judah, seven hundred and forty-five souls: All, the souls, were four thousand and six hundred.
31 At nangyari, nang ikatatlong pu't pitong taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawang pu't limang araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang unang taon ng kaniyang paghahari, nagtaas ng ulo ni Joacim na hari sa Juda, at inilabas niya siya sa bilangguan;
And it came to pass, in the thirty-seventh year of the captivity of Jehoiachin king of Judah, in the twelfth month, on the twenty-fifth of the month, that Evil-merodach king of Babylon, in the year he began to reign, lifted up, the head of Jehoiachin king of Judah, and brought him forth out of prison;
32 At siya'y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia.
and spake with him comfortable words, —and set his throne above the throne of the kings who were with him in Babylon;
33 At kaniyang binago ang kaniyang mga damit na pagkabihag. At si Joacim ay laging kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
so he changed his prison garments, —and used to eat bread before his face continually, all the days of his life.
34 At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia, bawa't araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan, lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
And his allowance, was a continual allowance given him from the king of Babylon the portion of the day upon its own day, until the day of his death, —all the days of his life.