< Jeremias 42 >

1 Nang magkagayo'y ang lahat na kapitan sa mga kawal, at si Johanan na anak ni Carea, at si Jezanias na anak ni Osaia, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, ay nagsilapit,
Then Johanan and Azariah the son of Hoshaiah, and all the [other] leaders of the [Israeli] soldiers [who had not surrendered to the army of Babylonia], and many [HYP] [other] people, including those who were important and those who were not important, came
2 At nangagsabi kay Jeremias na propeta, Isinasamo namin sa iyo, na tanggapin ang aming pamanhik sa harap mo, at idalangin mo kami sa Panginoon mong Dios, sa makatuwid baga'y ang lahat na nalabing ito (sapagka't kaming naiwan ay kaunti sa karamihan, gaya ng namamasdan ng iyong mga mata sa amin),
to me. They said, “Please listen to our request and pray to Yahweh our God for all of us. Although we were previously a huge number of people, you can see that now we are only a small number of people [who have survived].
3 Upang ipakita sa amin ng Panginoon mong Dios ang daan na aming marapat na lakaran, at ang bagay na marapat naming gawin.
[Pray] that Yahweh our God will show us what we should do and where we should go.”
4 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias na propeta sa kanila, Aking narinig kayo; narito, aking idadalangin kayo sa Panginoon ninyong Dios ayon sa inyong mga salita; at mangyayari, na anomang bagay na isasagot ng Panginoon sa inyo; aking ipahahayag sa inyo; hindi ako maglilihim sa inyo.
I replied, “Okay, I will pray to Yahweh our God, like you have requested, and I will tell you what he says. I will (tell you everything/not hide anything from you).”
5 Nang magkagayo'y sinabi nila kay Jeremias, Ang Panginoon ay maging tunay at tapat na saksi sa gitna natin, kung hindi nga namin gawin ang ayon sa buong salita na ipasusugo sa iyo ng Panginoon mong Dios sa amin.
They replied to me, “We hope/wish that Yahweh our God will be a faithful witness against us if we refuse to do everything that he tells us to do.
6 Maging mabuti, o maging masama, aming tatalimahin ang tinig ng Panginoon nating Dios, na siya naming pinagsusuguan sa iyo; upang ikabuti namin, pagka aming tinatalima ang tinig ng Panginoon nating Dios.
We are requesting you to ask Yahweh our God what we should do. [When he replies], we will obey him, whether we like what he says or not. We will do that because [we know that] things will go well for us if we obey him.”
7 At nangyari, pagkatapos ng sangpung araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias.
[So I prayed] to Yahweh, and ten days later he gave me his reply.
8 Nang magkagayo'y tinawag niya si Johanan na anak ni Carea, at ang lahat na kapitan sa mga kawal na kasama niya, at ang buong bayan, mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan,
So I summoned Johanan and all his [other] soldiers and all the [other] people, including those who were important and those who were not important.
9 At sinabi niya sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na inyong pinagsuguan sa akin upang iharap ang inyong pamanhik sa harap niya:
I said to them, “You told me to tell Yahweh, the God whom [we] Israelis [worship], what you were requesting. This is what he replied:
10 Kung kayo'y magsisitahan pa sa lupaing ito, akin ngang itatayo kayo, at hindi ko kayo itutulak, at itatatag kayo, at hindi ko kayo paaalisin; sapagka't aking pinagsisihan ang kasamaang nagawa ko sa inyo.
‘You [should] stay here in this land. If you do that, I will cause your [nation] to be strong and not be weak. I will cause you to prosper and not be exiled [again]. I am sorry about the disasters that I [was forced to] cause you to experience.
11 Huwag kayong mangatakot sa hari sa Babilonia na inyong kinatatakutan; huwag kayong mangatakot sa kaniya, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasainyo upang iligtas ko kayo, at alisin kayo sa kaniyang kamay.
But do not be afraid of the king of Babylon [any more], because I will (be with/help) you. I will rescue you [DOU] from his power [MTY].
12 At pagpapakitaan ko kayo ng kaawaan, upang kaawaan niya kayo, at upang pabalikin kayo sa inyong sariling lupain.
I will be merciful to you by causing him to act kindly toward you. So as a result, he will allow you to stay here in your land.’
13 Nguni't kung inyong sabihin, Kami ay hindi magsisitahan sa lupaing ito; na anopa't hindi ninyo talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios,
But if you refuse to obey Yahweh our God, and if you say ‘We will not stay here;
14 Na nagsasabi, Hindi; kundi magsisiparoon kami sa lupain ng Egipto, na hindi namin kakikitaan ng digma, o kariringgan man ng tunog ng pakakak, o kagugutuman ng tinapay: at doon kami magsisitahan:
instead, we will go to Egypt. There we will not experience [any] wars, we will not hear trumpets [signaling our soldiers to prepare for battles], and we will not be hungry,’
15 Inyo ngang pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh nalabi sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel; Kung inyong lubos na ihaharap ang inyong mukha na pumasok sa Egipto, at magsiparoon upang mangibang bayan doon;
then listen to what the Commander of the armies of angels, the God whom [we] Israelis [worship], says: ‘If you are determined to go to Egypt, and you go and live there,
16 Mangyayari nga na ang tabak na inyong kinatatakutan, ay aabot sa inyo roon sa lupain ng Egipto, at ang kagutom na inyong kinatatakutan, ay susunod sa inyong mahigpit doon sa Egipto; at doon kayo mangamamatay.
you will experience those wars and famines that you are afraid of, and you will [all] die there.
17 Gayon ang mangyayari sa lahat ng tao na maghaharap ng kanilang mukha na magsiparoon sa Egipto, upang mangibang bayan doon; sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom at ng salot: at walang maiiwan sa kanila o makatatanan man sa kasamaan na aking dadalhin sa kanila.
That is what will happen to all you who are determined to go to Egypt and live there. [Some of you] will be killed by the swords [of your enemies, and others of you will die] from famines and from diseases. None of you will escape the disasters that I will bring on you.’
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito.
And the Commander of the armies of angels, the God whom [we] Israelis [worship], also says this: ‘Because I was very angry, I severely punished [MTY] [all] the people of Jerusalem. I will do the same things to you when you go to Egypt. [The result will be that] people will curse you. They will be horrified about [what has happened to] you. They will make fun of you, and you will never see this land again.’
19 Ang Panginoon ay nagsalita tungkol sa inyo, Oh nalabi sa Juda, Huwag kayong pumasok sa Egipto: talastasin ninyong tunay na ako'y nagpapatotoo sa inyo sa araw na ito.
You little group of people of Judah who are still alive, [listen to me]: Yahweh has told you, ‘Do not go to Egypt.’ [So] do not forget what I have warned you today.
20 Sapagka't dinaya ninyo ang inyong sarili; sapagka't inyong sinugo ako sa Panginoon ninyong Dios, na inyong sinasabi, Idalangin mo kami sa Panginoon nating Dios: at ayon sa lahat na sasabihin ng Panginoon nating Dios ay gayon mo ipahayag sa amin, at aming gagawin.
I know that you were lying when you requested me to pray to Yahweh our God.
21 At aking ipinahayag sa inyo sa araw na ito; nguni't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios sa anomang bagay na kaniyang ipinasugo sa akin sa inyo.
And today I have told you exactly what he said, but [I know that] you will not obey Yahweh our God now, just as you have not obeyed him previously.
22 Ngayon nga'y talastasin ninyong tunay na kayo'y mangapapatay ng tabak, ng kagutom, at ng salot, sa dakong inyong pagnasaang parunan na mangibang bayan.
You want to go to Egypt and live there. So now, you can be sure of this: [All of] you will die there. [Some of you will be killed] by the swords [of your enemies and others will die] from famines or from diseases.”

< Jeremias 42 >