< Jeremias 34 >
1 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang buo niyang hukbo, at ang lahat na kaharian sa lupa na nangasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan, at ang lahat na bayan, ay nakipagbaka laban sa Jerusalem, at laban sa lahat ng mga bayan niyaon, na nagsasabi,
King Nebuchadnezzar of Babylon came with the armies of all the kingdoms that he ruled, and they fought against Jerusalem and the other towns [in Judah]. At that time, Yahweh gave me this message:
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ikaw ay yumaon, at magsalita kay Sedechias na hari sa Juda, at iyong saysayin sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang susunugin ng apoy:
“Go to Zedekiah the King of Judah, and say to him, ‘This is what Yahweh, the God whom we Israelis [worship], says: “I am about to enable the army of the King of Babylon to capture this city, and they will burn it down.
3 At ikaw ay hindi makatatanan sa kaniyang kamay, kundi tunay na mahuhuli ka, at mabibigay sa kaniyang kamay; at ang iyong mga mata ay titingin sa mga mata ng hari sa Babilonia, at siya'y makikipagsalitaan sa iyo ng bibig at ikaw ay mapaparoon sa Babilonia.
You will not escape from them; they will capture you and take you to the king of Babylon. And [then] they will take you to Babylon.”’
4 Gayon ma'y iyong pakinggan ang salita ng Panginoon, Oh Sedechias na hari sa Juda: ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa iyo, Ikaw ay hindi mamamatay sa pamamagitan ng tabak;
But King Zedekiah, listen to this that Yahweh has promised: ‘You will not be killed in a battle [MTY];
5 Ikaw ay mamamatay sa kapayapaan; at ayon sa pagsusunog ng kamangyan ng iyong mga magulang na mga unang hari na una sa iyo, gayon sila magsusunog para sa iyo; at kanilang tataghuyan ka, na magsasabi, Ah Panginoon! sapagka't aking sinalita ang salita, sabi ng Panginoon.
you will die peacefully. [When you die], people will burn incense to honor/remember you just as they did for your ancestors who were kings before you became king. They will mourn for you, crying, “We are very sad that our king is dead!” I, Yahweh, promise that will happen.’”
6 Nang magkagayo'y sinalita ni Jeremias na propeta ang lahat ng salitang ito kay Sedechias na hari sa Juda sa Jerusalem,
[So] I took that message to King Zedekiah.
7 Nang lumaban ang hukbo ng hari sa Babilonia laban sa Jerusalem, at laban sa lahat na bayan ng Juda na nalabi, laban sa Lechis at laban sa Azeca; sapagka't ang mga ito lamang ang nalalabi na mga bayan ng Juda na mga bayang nakukutaan.
At that time the army of Babylonia had surrounded Jerusalem and Lachish and Azekah. Those [three] cities were the only cities in Judah that had high walls around them that still had not been captured.
8 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na makipagtipan ang haring Sedechias, sa buong bayan na nasa Jerusalem upang magtanyag ng kalayaan sa kanila;
King Zedekiah had decreed that the people must free their slaves.
9 Na papaging layain ng bawa't isa ang kaniyang aliping lalake, at ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na Hebreo o Hebrea; na walang paglilingkuran sila, sa makatuwid baga'y ang Judio na kaniyang kapatid.
[He decreed that] the people must free their Hebrew slaves, [both the] men slaves and the women [slaves]. No one would be allowed to force a fellow Jew to [continue to] be his slave.
10 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagsitalima, na nasok sa tipan, na bawa't isa'y palalayain ang kaniyang aliping lalake, at palalayain ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae, na wala nang paglilingkuran pa sila; sila'y nagsitalima, at kanilang pinayaon sila:
The officials and the rest of the people had obeyed [what the king decreed],
11 Nguni't pagkatapos ay nangagbalik sila, at pinapagbalik ang mga aliping lalake at babae na kanilang pinapaging laya, at kanilang dinala sa ilalim ng pagkaaliping lalake at babae.
but later they changed their minds. They forced the men and women whom they had freed to become their slaves again.
12 Kaya't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi:
[So] Yahweh gave me this message [to tell to them]:
13 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ako'y nakipagtipan sa inyong mga magulang sa araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, na aking sinasabi,
“I, Yahweh, the God whom you Israelis [say you belong to], (made an agreement with/gave this command to) your ancestors [long ago], when I rescued them from being slaves in Egypt.
14 Sa katapusan ng pitong taon ay payayaunin ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang kapatid na Hebreo, na naipagbili sa iyo, at naglingkod sa iyo na anim na taon, at iyong palalayain sa iyo: nguni't ang iyong mga magulang ay hindi nakinig sa akin, o ikiniling man ang kanilang pakinig.
I told them that they must free all their Hebrew slaves after the slaves had worked for them for six years. But your ancestors did not pay any attention to what I said.
15 At ngayo'y nanumbalik kayo, at nagsigawa ng matuwid sa aking mga mata sa pagtatanyag ng kalayaan ng bawa't tao sa kaniyang kapuwa; at kayo'y nakipagtipan sa harap ko sa bahay na tinawag sa aking pangalan:
Recently, you obeyed my command and stopped doing what was wrong and did what was right. You made a solemn agreement at my temple [that you would free your slaves], and [then] you freed them.
16 Nguni't kayo'y tumalikod at inyong nilapastangan ang aking pangalan, at pinabalik ng bawa't isa ang kaniyang aliping lalake, at ng bawa't isa ang kaniyang aliping babae na inyong pinapaging laya sa kanilang ikaliligaya; at inyong dinala sila sa pagkaalipin upang maging sa inyo'y mga aliping lalake at babae.
But now you have disregarded what you solemnly promised, and you have shown contempt for what I [MTY] said by taking back the women and men whom you had freed and said they could live wherever they wanted to. [Now] you have forced them to be your slaves again.
17 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y hindi nangakinig sa akin, na magtanyag ng kalayaan bawa't isa sa kaniyang kapatid, at bawa't isa sa kaniyang kapuwa: narito, ako'y nagtatanyag sa inyo ng kalayaan, sabi ng Panginoon, sa tabak, sa salot, o sa kagutom; at akin kayong ihahagis na paroo't parito sa lahat ng kaharian sa lupa.
Therefore, this is what [I], Yahweh, say: ‘Because you have not obeyed me by freeing your fellow Israelis, I will free you to [be destroyed by] the swords [of your enemies] and by famines and diseases. All the nations of the earth will be horrified because of [what happens to] you.
18 At aking ibibigay ang mga tao na nagsisalangsang ng aking tipan, na hindi nagsitupad ng mga salita ng tipan na kanilang ginawa sa harap ko, nang kanilang hatiin ang guya at mangagdaan sa pagitan ng mga bahagi niyaon;
Because you have disregarded what I said in my agreement with you, I will do to you just like you did to the calves that you cut in half to show that you would surely do what you solemnly promised that you would do. I will [enable your enemies to] cut you into pieces, you officials of Judah and you officials of Jerusalem, and you officials in the palace, and you priests and all you common people. I will do that because you have disregarded what you solemnly promised [about freeing your slaves].
19 Ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga prinsipe sa Jerusalem, ang mga bating, at ang mga saserdote, at ang buong bayan ng lupain, na nagsidaan sa pagitan ng mga bahagi ng guya;
20 Akin ngang ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay, at ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
I will enable your enemies to capture you, and they will kill you. And your bodies will be food for vultures and wild animals.
21 At si Sedechias na hari sa Juda at ang kaniyang mga prinsipe ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway, at sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, na umahon mula sa inyo.
I will enable the army of the king of Babylon to capture King Zedekiah and his officials. Although the king of Babylon and his army have left Jerusalem [for a short time],
22 Narito, ako'y maguutos, sabi ng Panginoon, at akin silang pababalikin sa bayang ito; at sila'y magsisilaban dito, at sasakupin, at kanilang susunugin ng apoy: at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na mawawalan ng mananahan.
I will summon them back again. [This time], they will fight against this city and capture it and burn it down. I will make [sure] that all the towns in Judah are destroyed, [with the result that] no one will live there [any more].’”