< Jeremias 30 >
1 Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
Реч која дође Јеремији од Господа говорећи:
2 Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.
Овако вели Господ Бог Израиљев говорећи: Напиши у књигу све речи које ти говорих.
3 Sapagka't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon na aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang Israel at Juda, sabi ng Panginoon, at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.
Јер ево иду дани, говори Господ, кад ћу повратити робље народа свог Израиља и Јуде, говори Господ, и довешћу их натраг у земљу коју сам дао оцима њиховим, и држаће је.
4 At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda.
И ово су речи које рече Господ за Израиља и Јуду.
5 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan.
Јер овако вели Господ: Чусмо вику од препадања, страха, а мира нема.
6 Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at ang lahat na mukha ay naging maputla?
Питајте и видите, еда ли мушко рађа? Зашто, дакле, видим где се сваки човек држи рукама својим за бедра своја као породиља и у свих се променила лица и побледела?
7 Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
Јаох! Јер је велик овај дан, није било таквог, и време је муке Јаковљеве, ипак ће се избавити из ње.
8 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa:
Јер у тај дан, говори Господ над војскама, сломићу јарам његов с врата твог, и свезе твоје покидаћу; и неће га више туђини нагонити да им служи.
9 Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
Него ће служити Господу Богу свом и Давиду цару свом, ког ћу им подигнути.
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
Ти се дакле не бој, Јакове слуго мој, говори Господ, и не плаши се, Израиљу; јер, ево, ја ћу те избавити из далеке земље, и семе твоје из земље ропства твог, и Јаков ће се вратити и почивати, и биће миран, и нико га неће плашити.
11 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo; kundi sasawayin kita ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.
Јер сам ја с тобом, говори Господ, да те избавим; и учинићу крај свим народима, међу које сам те расејао, али теби нећу учинити краја, него ћу те покарати с мером, а нећу те оставити са свим без кара.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.
Јер овако вели Господ: Смртан је полом твој и рана твоја љута.
13 Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.
Нема никога који би се примио твоје ствари да те лечи, нема лека који би ти помогао.
14 Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami.
Сви који те љубе заборавише те, не траже те, јер те ударих ударцем непријатељским, каром жестоким, за мноштво безакоња твог, за силне грехе твоје.
15 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.
Зашто вичеш ради ране своје, смртног бола свог? За мноштво безакоња твог, за силне грехе твоје чиним ти то.
16 Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.
Али сви који те прождиру, прождреће се, и непријатељи твоји свиколики отићи ће у ропство, и који те газе, биће погажени, и све који те плене, даћу их да се оплене.
17 Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.
Јер ћу те исцелити, и ране ћу ти излечити, говори Господ, јер те зваше отераном: Сионом, ког нико не тражи.
18 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.
Овако вели Господ: Ево, ја ћу повратити из ропства шаторе Јаковљеве и смиловаћу се на станове његове; и град ће се сазидати на месту свом, и двор ће стајати на свој начин.
19 At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.
И из њих ће излазити хвале и глас људи веселих, јер ћу их умножити, и неће се умањивати, и узвисићу их, и неће се понизити.
20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
И синови ће његови бити као пре, и збор ће његов бити утврђен преда мном, и походићу све који му чине силу.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
И кнез ће њихов бити од њих, и владалац ће њихов излазити исред њих; и даћу му да приступа, и приступаће к мени; јер ко је тај који се усуђује приступити к мени? Говори Господ.
22 At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
И бићете ми народ, и ја ћу вам бити Бог.
23 Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama.
Гле, вихор Господњи, гнев, изићи ће, вихор, који не престаје, пашће на главу безбожницима.
24 Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; sa mga huling araw ay iyong mauunawa.
Неће се повратити жестоки гнев Господњи докле не учини и изврши шта је наумио у срцу свом; на послетку ћете разумети то.