< Jeremias 29 >
1 Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa mga matanda sa pagkabihag, at sa mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:
Peygamber Yeremya'nın sürgünde sağ kalan halkın ileri gelenlerine, kâhinlerle peygamberlere ve Nebukadnessar'ın Yeruşalim'den Babil'e sürdüğü bütün halka Yeruşalim'den gönderdiği mektubun metni aşağıda yazılıdır.
2 (Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si Jechonias na hari, at ang ina ng hari, at ang mga bating, at ang mga prinsipe sa Juda at sa Jerusalem, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal; )
Bu mektup Kral Yehoyakin'in, ana kraliçenin, saray görevlilerinin, Yahuda ve Yeruşalim önderlerinin, zanaatçılarla demircilerin Yeruşalim'den sürgüne gitmelerinden sonra,
3 Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Saphan, at ni Gemarias na anak ni Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, ) na nagsasabi,
Yahuda Kralı Sidkiya'nın Babil Kralı Nebukadnessar'a gönderdiği Şafan oğlu Elasa ve Hilkiya oğlu Gemarya eliyle gönderildi:
4 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,
İsrail'in Tanrısı, Her Şeye Egemen RAB Yeruşalim'den Babil'e sürdüğü herkese şöyle diyor:
5 Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.
“Evler yapıp içinde oturun, bahçe dikip ürününü yiyin.
6 Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.
Evlenin, oğullarınız, kızlarınız olsun; oğullarınızı, kızlarınızı evlendirin. Onların da oğulları, kızları olsun. Orada çoğalın, azalmayın.
7 At inyong hanapin ang kapayapaan sa bayan na aking pinagdalhan sa inyong bihag, at inyong idalangin sa Panginoon: sapagka't sa kapayapaan niyaon ay magkakaroon naman kayo ng kapayapaan.
Sizi sürmüş olduğum kentin esenliği için uğraşın. O kent için RAB'be dua edin. Çünkü esenliğiniz onunkine bağlıdır.”
8 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.
Evet, İsrail'in Tanrısı, Her Şeye Egemen RAB diyor ki, “Aranızdaki peygamberlerle falcılara aldanmayın. Düş görmeye özendirdiğiniz kişilere kulak asmayın.
9 Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.
Çünkü onlar adımı kullanarak size yalan peygamberlik ediyorlar. Onları ben göndermedim.” RAB böyle diyor.
10 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.
RAB diyor ki, “Babil'de yetmiş yılınız dolunca sizinle ilgilenecek, buraya sizi geri getirmek için verdiğim iyi sözü tutacağım.
11 Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
Çünkü sizin için düşündüğüm tasarıları biliyorum” diyor RAB. “Kötü tasarılar değil, size umutlu bir gelecek sağlayan esenlik tasarıları bunlar.
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
O zaman beni çağıracak, gelip bana yakaracaksınız. Ben de sizi işiteceğim.
13 At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.
Beni arayacaksınız, bütün yüreğinizle arayınca beni bulacaksınız.
14 At ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.
Kendimi size buldurtacağım” diyor RAB. “Sizi eski gönencinize kavuşturacağım. Sizi sürdüğüm bütün yerlerden ve uluslardan toplayacağım” diyor RAB. “Ve sizi sürgün ettiğim yerden geri getireceğim.”
15 Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.
Madem, “RAB bizim için Babil'de peygamberler çıkardı” diyorsunuz,
16 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;
Davut'un tahtında oturan kral, bu kentte kalan halk ve sizinle sürgüne gitmeyen yurttaşlarınız için RAB şöyle diyor.
17 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
Evet, Her Şeye Egemen RAB diyor ki, “Üzerlerine kılıç, kıtlık, salgın hastalık göndereceğim. Onları yenilmeyecek kadar çürük, bozuk incir gibi edeceğim.
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
Kılıçla, kıtlıkla, salgın hastalıkla peşlerine düşeceğim. Yeryüzündeki bütün krallıklara dehşet saçacak, kendilerini sürdüğüm bütün ülkeler arasında lanetlenecek, dehşet ve alay konusu olacak, aşağılanacaklar.
19 Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.
Çünkü sözlerime kulak asmadılar” diyor RAB. “Kullarım peygamberler aracılığıyla sözlerimi defalarca gönderdim, ama dinlemediniz.” RAB böyle diyor.
20 Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.
Bunun için, ey sizler, Yeruşalim'den Babil'e gönderdiğim sürgünler, RAB'bin sözüne kulak verin!
21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;
Adımı kullanarak size yalan peygamberlik eden Kolaya oğlu Ahav'la Maaseya oğlu Sidkiya için İsrail'in Tanrısı, Her Şeye Egemen RAB diyor ki, “Onları Babil Kralı Nebukadnessar'ın eline teslim edeceğim, gözünüzün önünde ikisini de öldürecek.
22 At sa kanila kukuha ng kasumpaan sa lahat ng bihag sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.
Onlardan ötürü Babil'deki bütün Yahuda sürgünleri, ‘RAB seni Babil Kralı'nın diri diri yaktırdığı Sidkiya ve Ahav'la aynı duruma düşürsün’ diye lanet edecek.
23 Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at ako'y saksi, sabi ng Panginoon.
Çünkü İsrail'de çirkin şeyler yaptılar; komşularının karılarıyla zina ettiler, onlara buyurmadığım halde adımla yalan sözler söylediler. Bunu biliyorum ve buna tanığım” diyor RAB.
24 At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain, na sasabihin,
Nehelamlı Şemaya'ya diyeceksin ki,
25 Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at kay Sophonias na anak ni Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi,
“İsrail'in Tanrısı, Her Şeye Egemen RAB şöyle diyor: Sen Yeruşalim halkına, Maaseya oğlu Kâhin Sefanya'yla bütün öbür kâhinlere kendi adına mektuplar göndererek şöyle yazmıştın:
26 Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na ulol, at nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at sa mga tanikala.
“‘RAB tapınağın sorumlusu olarak Yehoyada yerine seni kâhin atadı. Peygamber gibi davranan her deliyi tomruğa, demir boyunduruğa vurmak görevindir.
27 Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,
Öyleyse aranızda kendini peygamber ilan eden Anatotlu Yeremya'yı neden azarlamadın?
28 Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?
Çünkü Yeremya biz Babil'dekilere şu haberi gönderdi: Sürgün uzun olacak. Onun için evler yapıp içinde oturun; bahçe dikip ürününü yiyin.’”
29 At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.
Kâhin Sefanya mektubu Peygamber Yeremya'ya okuyunca,
30 Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,
RAB Yeremya'ya şöyle seslendi:
31 Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.
“Bütün sürgünlere şu haberi gönder: ‘Nehelamlı Şemaya için RAB diyor ki: Madem ben göndermediğim halde Şemaya peygamberlik edip sizleri yalana inandırdı,
32 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.
ben de Nehelamlı Şemaya'yı ve bütün soyunu cezalandıracağım: Bu halkın arasında soyundan kimse sağ kalmayacak, halkıma yapacağım iyiliği görmeyecek, diyor RAB. Çünkü o halkı bana karşı kışkırttı.’”