< Jeremias 27 >
1 Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
Jalqaba bara Zedeqiyaa ilmi Yosiyaas mootii Yihuudaa turetti dubbiin kun Waaqayyo biraa gara Ermiyaas dhufe:
2 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo sa iyong batok,
Waaqayyo akkana naan jedhe; “Teephaa fi danqaraadhaan waanjoo tolchiitii morma keetti kaaʼadhu.
3 At iyong mga ipadala sa hari sa Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak ni Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda,
Ergasii karaa ergamoota Zedeqiyaa mooticha Yihuudaa bira gara Yerusaalem dhufaniitiin gara mootii Edoom, mootii Moʼaab, mootii Amoon, mootii Xiiroosii fi mootii Siidoonaatti dhaamsa ergi.
4 At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon.
Gooftota isaaniitiif dhaamsa kana dabarsii akkana jedhiin; ‘Waaqayyo Waan Hunda Dandaʼu, Waaqni Israaʼel akkana jedha; “Waan kana gooftota keessanitti himaa.
5 Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at aking ibinigay doon sa minamarapat ko.
Ani humna koo guddaa fi irree koo diriirfameen lafa, uummata isheetii fi bineensota ishee irra jiraatan uumeera; abbaa fedheef illee nan kenna.
6 At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya.
Ani amma biyyoota keessan hunda harka garbicha koo Nebukadnezar mooticha Baabiloniitti dabarsee nan kenna. Akka bineensonni bosonaa iyyuu isa jalatti bulan nan godha.
7 At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya, at sa kaniyang anak at sa anak ng kaniyang anak, hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain: at kung magkagayo'y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya.
Hamma guyyaan biyya isaa gaʼutti saboonni hundi isa, ilmaan isaatii fi ilmaan ilmaan isaa tajaajilu; ergasii immoo saboonni hedduunii fi mootonni gurguddaan isa garboomfatu.
8 At mangyayari, na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, ay parurusahan ko ng tabak, at ng kagutom, at ng salot, hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
“‘“Garuu yoo sabni yookaan mootummaan kam iyyuu Nebukadnezar mooticha Baabilon hin tajaajille yookaan yoo morma isaa waanjoo mootichaatiif gad hin qabanne ani hamman harkuma isaatiin isaan balleessutti saba sana goraadeedhaan, beelaa fi dhaʼichaan nan adaba, jedha Waaqayyo.
9 Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:
Kanaafuu isin raajota keessan, ilaaltota keessan, warra abjuu isiniif hiikan, eker dubbistoota keessanii fi falfaltoota keessan kanneen, ‘Isin mootii Baabilon hin tajaajiltan’ isiniin jedhan sana hin dhagaʼinaa.
10 Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol.
Isaan akka isin biyya keessan keessaa buqqifamtanii fagaattaniif soba isiniif raaju; anis ariʼee isin nan baasa; isinis ni baddu.
11 Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan.
Garuu yoo sabni kam iyyuu morma isaa waanjoo mootii Baabiloniitiif gad qabatee isa tajaajile, ani akka sabni sun biyya ofii isaa keessatti hafee lafa qotatee achi jiraatu nan dhiisa, jedha Waaqayyo.”’”
12 At ako'y nagsalita kay Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:
Anis Zedeqiyaa mooticha Yihuudaatti ergaadhuma kana nan hime. Akkanan jedheen; “Morma keessan waanjoo mootii Baabiloniitiif gad qabadhaa; isaa fi saba isaa tajaajilaa; isinis ni jiraattu.
13 Bakit kayo'y mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?
Atii fi sabni kee maaliif goraadee, beelaa fi dhaʼicha Waaqayyo ittiin saba mootii Baabilon hin tajaajille kam iyyuu sodaachiseen duutu?
14 At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan sa inyo.
Dubbii raajota, ‘Isin mootii Baabilon hin tajaajiltan’ isiniin jedhanii hin dhagaʼinaa; isaan raajii sobaa isinitti dubbatuutii.
15 Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo.
‘Ani isaan hin ergine’ jedha Waaqayyo. ‘Jarri maqaa kootiin soba raaju. Kanaafuu ani isinii fi raajota isinii raajan illee ariʼee nan baasa; isinis ni baddu.’”
16 Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo.
Anis lubootaa fi namoota kana hundaan akkanan jedhe, “Waaqayyo akkana jedha: raajota, ‘Miʼi mana Waaqayyoo ammuma Baabilonii ni deebifama’ jedhan hin dhagaʼinaa. Isaan soba isiniif raaju.
17 Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira?
Isin jara hin dhaggeeffatinaa. Mootii Baabilon tajaajilaa; ni jiraattuutii. Magaalaan kun maaliif diigamti?
18 Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.
Isaan yoo raajota taʼanii fi yoo dubbii Waaqayyoo of keessaa qabaatan mee akka miʼi mana Waaqayyoo kan masaraa mootii Yihuudaatii fi Yerusaalem keessatti hafe sun gara Baabilonitti hin fudhatamneef Waaqayyo Waan Hunda Dandaʼu haa kadhatan.
19 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito,
Waaqayyo Waan Hunda Dandaʼu waaʼee utubootaa, waaʼee miʼa bishaan itti kuusanii, waaʼee baattuuwwaniitii fi waaʼee miʼoota magaalaa kanatti hafan kanneen biraa akkana jedhaatii;
20 Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem;
Nebukadnezar mootiin Baabilon sun gaafa Yehooyaakiin ilma Yehooyaaqiim mooticha Yihuudaa sana namoota Yihuudaatii fi Yerusaalem ulfaatoo hunda wajjin Yerusaalemii gara Baabilonitti boojiʼe sana miʼoota kanneen hin fudhanne.
21 Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem:
Waaqayyo Waan Hunda Dandaʼu, Waaqni Israaʼel waaʼee miʼoota mana Waaqayyootii fi masaraa mootii Yihuudaatii fi Yerusaalem keessatti hafanii akkana jedha:
22 Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko sila, at isasauli ko sa dakong ito.
‘Isaan Baabilonitti ni geeffamu; hamma guyyaan ani isaaniif dhufu gaʼuttis achuma turu’ jedha Waaqayyo. ‘Ergasii ani deebisee iddoo kanatti isaan nan fida.’”