< Jeremias 26 >

1 Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
در ابتدای سلطنت یهویاقیم بن یوشیاپادشاه یهودا این کلام از جانب خداوندنازل شده، گفت:۱
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
«خداوند چنین می‌گوید: درصحن خانه خداوند بایست و به ضد تمامی شهرهای یهودا که به خانه خداوند برای عبادت می‌آیند همه سخنانی را که تو را امر فرمودم که به ایشان بگویی بگو و سخنی کم مکن.۲
3 Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
شایدبشنوند و هر کس از راه بد خویش برگردد تا ازبلایی که من قصد نموده‌ام که به‌سبب اعمال بدایشان به ایشان برسانم پشیمان گردم.۳
4 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,
پس ایشان را بگو: خداوند چنین می‌فرماید: اگر به من گوش ندهید و در شریعت من که پیش شما نهاده‌ام سلوک ننمایید،۴
5 Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;
و اگر کلام بندگانم انبیا را که من ایشان را نزد شما فرستادم اطاعت ننمایید با آنکه من صبح زود برخاسته، ایشان را ارسال نمودم اماشما گوش نگرفتید.۵
6 Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng Silo, at gagawin ko ang bayang ito na sumpa sa lahat ng mga bansa sa lupa.
آنگاه این خانه را مثل شیلوه خواهم ساخت و این شهر را برای جمیع امت های زمین لعنت خواهم گردانید.»۶
7 At narinig ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.
و کاهنان و انبیا و تمامی قوم، این سخنان راکه ارمیا در خانه خداوند گفت شنیدند.۷
8 At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.
و چون ارمیا از گفتن هر‌آنچه خداوند او را مامور فرموده بود که به تمامی قوم بگوید فارغ شد، کاهنان وانبیا و تمامی قوم او را گرفته، گفتند: «البته خواهی مرد.۸
9 Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.
چرا به اسم یهوه نبوت کرده، گفتی که این خانه مثل شیلوه خواهد شد و این شهر خراب وغیرمسکون خواهد گردید؟» پس تمامی قوم درخانه خداوند نزد ارمیا جمع شدند.۹
10 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
و چون روسای یهودا این چیزها را شنیدنداز خانه پادشاه به خانه خداوند برآمده، به دهنه دروازه جدید خانه خداوند نشستند.۱۰
11 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.
پس کاهنان و انبیا، روسا وتمامی قوم را خطاب کرده، گفتند: «این شخص مستوجب قتل است زیراچنانکه به گوشهای خود شنیدید به خلاف این شهر نبوت کرد.»۱۱
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.
پس ارمیا جمیع سروران و تمامی قوم رامخاطب ساخته، گفت: «خداوند مرا فرستاده است تا همه سخنانی را که شنیدید به ضد این خانه و به ضد این شهر نبوت نمایم.۱۲
13 Kaya't ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.
پس الان راهها و اعمال خود را اصلاح نمایید و قول یهوه خدای خود را بشنوید تا خداوند از این بلایی که درباره شما فرموده است پشیمان شود.۱۳
14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.
اما من اینک در دست شما هستم موافق آنچه در نظرشما پسند و صواب آید بعمل آرید.۱۴
15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.
لیکن اگر شما مرا به قتل رسانید یقین بدانید که خون بی‌گناهی را بر خویشتن و بر این شهر و ساکنانش وارد خواهید آورد. زیرا حقیقت خداوند مرا نزدشما فرستاده است تا همه این سخنان را به گوش شما برسانم.»۱۵
16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios.
آنگاه روسا و تمامی قوم به کاهنان و انبیاگفتند که «این مرد مستوجب قتل نیست زیرا به اسم یهوه خدای ما به ما سخن گفته است.»۱۶
17 Nang magkagayo'y nagsitindig ang ilan sa mga matanda sa lupain, at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nangagsasabi,
وبعضی از مشایخ زمین برخاسته، تمامی جماعت قوم را خطاب کرده، گفتند۱۷
18 Si Miqueas na Morastita ay nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda: at siya'y nagsalita sa buong bayan ng Juda, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat.
که «میکای مورشتی در ایام حزقیا پادشاه یهودا نبوت کرد وبه تمامی قوم یهودا تکلم نموده، گفت: یهوه صبایوت چنین می‌گوید که صهیون را مثل مزرعه شیار خواهند کرد و اورشلیم خراب شده، کوه این خانه به بلندیهای جنگل مبدل خواهد گردید.۱۸
19 Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya? hindi baga siya natakot sa Panginoon, at dumalangin ng lingap ng Panginoon, at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa.
آیا حزقیا پادشاه یهودا و تمامی یهودا او راکشتند؟ نی بلکه از خداوند بترسید و نزد خداونداستدعا نمود و خداوند از آن بلایی که درباره ایشان گفته بود پشیمان گردید. پس ما بلای عظیمی بر جان خود وارد خواهیم آورد.»۱۹
20 At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias:
و نیز شخصی اوریا نام ابن شمعیا از قریت یعاریم بود که به نام یهوه نبوت کرد و او به ضد این شهر و این زمین موافق همه سخنان ارمیا نبوت کرد.۲۰
21 At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto:
و چون یهویاقیم پادشاه و جمیع شجاعانش و تمامی سرورانش سخنان او راشنیدند پادشاه قصد جان او نمود و چون اوریا این را شنید بترسید و فرار کرده، به مصر رفت.۲۱
22 At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa Egipto, ang mga ito nga, si Elnathan na anak ni Acbor, at ilang mga lalake na kasama niya, sa Egipto:
ویهویاقیم پادشاه کسان به مصر فرستاد یعنی الناتان بن عکبور و چند نفر را با او به مصر(فرستاد).۲۲
23 At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto, at dinala niya siya kay Joacim na hari; na pumatay sa kaniya ng tabak, at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao.
و ایشان اوریا را از مصر بیرون آورده، او را نزد یهویاقیم پادشاه رسانیدند و او رابه شمشیر کشته، بدن او را به قبرستان عوام الناس انداخت.۲۳
24 Nguni't ang kamay ni Ahicam na anak ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.
لیکن دست اخیقام بن شافان با ارمیابود تا او را به‌دست قوم نسپارند که او را به قتل رسانند.۲۴

< Jeremias 26 >