< Jeremias 14 >

1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.
After there had been no rain [in Judah] for a long time, Yahweh gave me this message:
2 Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan niya ay nagsisihapay, mga bagsak na nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.
[The people in] Judah are very distressed; people [are sitting] on the ground and mourning; [in all of] Jerusalem people are crying loudly.
3 At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.
The rich people send their servants to [wells] to get water, but [all] the wells are dry. The servants return with empty pitchers; they cover their heads [because they are ashamed and humiliated/disappointed and sad].
4 Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.
The ground is extremely dry and cracked open because there has been no rain. The farmers are very worried, [so] they [also] cover their heads.
5 Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.
Even the (does/female deer) abandon their newborn babies/fawns because there is no grass in the fields [for them to eat].
6 At ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.
The wild donkeys stand on the barren hills, panting like [SIM] [thirsty] jackals/wolves. They become blind because there is no grass [to eat].
7 Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.
[The people say], “Yahweh, we have turned away from you and sinned many times, and now we know that we are being punished because of our sins, but please help us in order that everyone can see that you are very great [MTY].
8 Oh ikaw na pagasa ng Israel, na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?
You are the one whom [we] Israelis confidently expect [to do good things for us] when we have [many] troubles/difficulties. So, why do you [not help us]? You act as though you are a stranger in our land, like you are someone who is staying here for only one night.
9 Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan na hindi makapagligtas? gayon man ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; huwag mo kaming iwan.
Are you also surprised [about the terrible things that are happening to us]? Why do you act like you are unable to save anyone, even though you are a strong warrior? Yahweh, you are [here] among us, and [others know that] we are your people, [so] do not abandon us!”
10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
And this is what Yahweh says to those people: “You love to wander away [from me]; you run [MTY] from one [idol] to another. Therefore, now I will no [longer] accept you, and I will punish you for your sins.”
11 At sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.
[Then] Yahweh said to me, “Do not pray for these people [any more].
12 Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.
When they (fast/abstain from food in order to honor me), I will not pay any attention. When they bring [to me] their offerings [of animals] to be completely burned [on the altar] and their offerings of grain, I will not accept them. Instead, I will get rid of them by wars, by famines, and by diseases.”
13 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.
Then I replied to him, “Yahweh [my] God, [their] prophets are telling the people that they will not experience wars [MTY] or famines. They are telling the people that you will surely allow us to have peace in our land [for many years].”
14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.
Yahweh replied to me, “Those prophets say that they are speaking what I tell them to say [MTY], but they are telling lies. I did not send them, [so] what they are saying is false. They say that they have received visions from me, and that they are telling things that I have revealed to them, but that is not true. They are saying foolish things that they have only thought of themselves.
15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.
So this is what I say about those prophets who are predicting what will happen, saying that I told them those things: They are saying that we Israelis will not die from wars or famines, but I did not send those prophets. And they themselves will die from wars or from famines.
16 At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; at walang maglilibing sa kanila-sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.
And the people to whom they are predicting these things, they and their wives and their sons and their daughters, will [also die] from wars or from famines. [Their corpses will] be thrown into the streets of Jerusalem, and there will not be anyone to bury them. I will punish them like they deserve to be punished.
17 At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.
[So, Jeremiah], tell this to them [about yourself]: ‘Day and night my eyes are full of tears. I cannot stop crying. I cry for my people, who are [very precious to me, as if they were] [MET] my daughters. I cry for them because they have been severely wounded; they have been severely crushed [DOU].
18 Kung ako'y lumabas sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.
If I go out into the fields, I see [corpses of] people who have been slaughtered by our enemies. If I walk along the streets of the city, I see [corpses of people who died] from hunger. The prophets and the priests travel through the land, preaching to people, but they do not know [what they are doing] (OR, [in a land] that they know nothing about).’”
19 Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay!
[Then I prayed this]: “[Yahweh], have you completely rejected [the people of] Judah? Do you really despise [the people of] Jerusalem [MTY]? Why have you [RHQ] wounded us very badly, with the result that we will never be healed? We hoped that we would have peace, but there was no peace. We hoped that there would be a time when we would be healed, but all that we received were things that terrified us.
20 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.
Yahweh, we admit/know that we are wicked people, and that our ancestors [also] did many wicked things. We have [all] sinned against you.
21 Huwag mo kaming kayamutan, alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.
But [Yahweh], in order that we may honor [MTY] you, do not despise/abandon us. Do not dishonor [the city where] [MTY] your glorious throne is. [Please] do not forget [us], and do not (break your agreement with us/stop doing what you agreed to do for us).
22 Mayroon bagang sinoman sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.
Those idols that [have been brought from] other nations certainly cannot [RHQ] bring rain [to us], and the sky certainly cannot [RHQ] cause rain to fall. Yahweh our God, you are the only one who can do things like that. So we will confidently expect you [to help us].”

< Jeremias 14 >