< Isaias 9 >

1 Gayon man ay hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.
I ka wa i hoowahawahaia'i ka aina o Zebuluna, a me ka aina o Napetali, A mahope iho, hoonani oia i kahi maikai, Ma kela aoao o Ioredane, o Galilaia no na kanaka e.
2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
O na kanaka i hele ma ka pouli, E ike auanei lakou i ka malamalama nui; O ka poe i noho ma ka aina o ke aka o ka make, E alohi mai auanei ka malamalama maluna o lakou.
3 Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.
Ua hoonui oe i ka lahuikanaka, Ua hoomahuahua oe i ko lakou olioli; Ke olioli nei lakou imua ou, E like me ka olioli ana i ka hooiliili ai ana, E like hoi me ka hauoli ana o ka poe puunauwe i ka waiwai pio.
4 Sapagka't ang pamatok na kaniyang pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng Madian.
No ka mea, o kona auamo kaumaha, O ka laau i hahau i kona kua, A me ke kookoo o ka mea hookaumaha ia ia, Ua haki oe ia mau mea me ia i ka la o Midiana.
5 Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.
No ka mea, o na palewawae a pau o ka mea i kahikoia i ka palewawae e wawalo ana, A me na aahu i opeope pu ia me ke koko, E lilo no ia mau mea i mea e puhiia, I wahie hoi no ke ahi.
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
No ka mea, ua hanauia mai, he keiki no kakou, No kakou i haawiia mai ai, he keikikane, Maluna o kona poohiwi ke aupuni; A e kapaia kona inoa, o Kupaianaha, O Kakaolelo, o Keakuamana, O Kamakuamauloa, o Kealiiokamalu.
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
Aole e pau ka mahuahua ana o kona aupuni, a me ka malu; Ma ka nohoalii o Davida ia, A ma kona aupuni no hoi, E hoala hou ia mea, a e hookupaa ia ia, Me ka hooponopono, a me ka maikai, Mai keia wa aku, a i ke ao pau ole. Na ka ikaika o Iehova o na kaua e hana i keia.
8 Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,
Ka olelo a ka Haku i hoouna aku ai no Iakoba, A haule hoi ia maluna o ka Iseraela.
9 At malalaman ng buong bayan ng Ephraim, at ng nananahan sa Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,
E ike auanei na kanaka a pau o Eperaima, A me ka poe noho ma Samaria, Ka poe i olelo me ka hookiekie, a me ka hookano o ka naau,
10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.
Ua hiolo na pohaka lepo, A na makou e kukulu, he pohaka i kalaiia; Ua kuaia ilalo na laau sukomorea, A na makou no e kanu i na laau kedera.
11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;
Na Iehova no e hoala mai i na enemi o Rezina, e ku e ia ia, E paipai oia i kona poe enemi:
12 Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
O na Suria ma ka hikina, a ma ke komohana hoi o na Pilisetia, A e hoopaa no i ka Iseraela me ka waha hamama: Aole nae i huli aka kona huhu no keia mau mea a pau, Ke o mai nei no oia i kona lima i keia manawa.
13 Gayon ma'y ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.
Aole nae i hoi hou na kanaka, I ka mea nana lakou i hahau, Aole lakou i imi ia Iehova o na kaua.
14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, sa isang araw.
Nolaila e oki ai o Iehova, mai ka Iseraela aku, I ke poo, a me ka huelo, I ka lala pama, a me ke naku, ma ka la hookahi.
15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.
O ka lunakahiko a me ka mea koikoi, oia ke poo, O ke kaula i ao mai i ka wahahee, oia ka huelo.
16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.
O na alakai o keia poe kanaka, he poe alakai hewa lakou; A o ka poe i alakai hewa ia, e lukuia no lakou.
17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
Nolaila, aole olioli ka Haku maluna o ko lakou poe ui. Aole hoi ia e aloha i na keiki makua ole o lakou, A me ko lakou wahinekanemake; No ka mea, ua haumia lakou a pau, a ua hewa, Olelo no na waha a pau ma ka lapawale. Aole nae i hali aku kona huhu no keia maa mea a pau, Aka, ke o mai nei no kona lima i keia manawa.
18 Sapagka't ang kasamaan ay sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
No ka mea, e a ana ka hewa e like me ke ahi, E hoopaa no ia i ka nahele ooi, a me ka laau kalakala, A e a no hoi ia maloko o ka ululaau paapu; A e punohn iluna, he punohu u wahi.
19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.
Ua hoaia ka aina, no ka ukiuki o Iehova o na kaua, A ua lilo hoi na kanaka i wahie no ke ahi; Aohe kanaka i aloha i kona hoa.
20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:
E ai no ia ma ka lima akau, a e pololi nae, E ai no hoi ia ma ka lima hema, aole nae e maona; E ai no ke kanaka i ka io o kona lima iho.
21 Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
O Manase ia Eperaima, a o Eperaima hoi ia Manase, A e hui no hoi laua e ku e ia Iuda; Aole nae i huli aku kona huhu no keia mau mea a pau, Aka, ke o mai nei no kona lima i keia manawa.

< Isaias 9 >