< Isaias 8 >

1 At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay Maher-salalhash-baz;
And Jehovah saith unto me, 'Take to thee a great tablet, and write upon it with a graving tool of man, To haste spoil, enjoy prey.'
2 At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala, si Urias na saserdote, at si Zacarias na anak ni Jeberechias.
And I cause faithful witnesses to testify to me, Uriah the priest, and Zechariah son of Jeberechiah.
3 At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz.
And I draw near unto the prophetess, and she conceiveth, and beareth a son; and Jehovah saith unto me, 'Call his name Maher-shalal-hash-baz,
4 Sapagka't bago ang anak ay matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria.
for before the youth doth know to cry, My father, and My mother, one taketh away the wealth of Damascus and the spoil of Samaria, before the king of Asshur.'
5 At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi,
And Jehovah addeth to speak unto me again, saying:
6 Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na nagsisiagos na marahan, at siya'y nagagalak kay Rezin at sa anak ni Remalias;
'Because that this people hath refused The waters of Shiloah that go softly, And is rejoicing with Rezin and the son of Remaliah,
7 Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:
Therefore, lo, the Lord is bringing up on them, The waters of the river, the mighty and the great, (The king of Asshur, and all his glory, ) And it hath gone up over all its streams, And hath gone on over all its banks.
8 At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, Oh Emmanuel.
And it hath passed on into Judah, It hath overflown and passed over, Unto the neck it cometh, And the stretching out of its wings Hath been the fulness of the breadth of thy land, O Emmanu-El!
9 Kayo'y magsamasama, Oh mga bayan, at kayo'y mangagkakawatakwatak; at kayo'y mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayo'y mangagkakawatakwatak; kayo'y mangagbigkis, at kayo'y mangagkakawatakwatak.
Be friends, O nations, and be broken, And give ear, all ye far off ones of earth, Gird yourselves, and be broken, Gird yourselves, and be broken.
10 Mangagsanggunian kayo, at yao'y mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: sapagka't ang Dios ay sumasaamin.
Take counsel, and it is broken, Speak a word, and it doth not stand, Because of Emmanu-El!'
11 Sapagka't ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito, na sinasabi,
For thus hath Jehovah spoken unto me with strength of hand, and instructeth me against walking in the way of this people, saying,
12 Huwag ninyong sabihin, Pagbabanta; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito, Pagbabanta, o huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot, o mangilabot man doon.
'Ye do not say, A confederacy, To all to whom this people saith, A confederacy, And its fear ye do not fear, Nor declare fearful.
13 Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot.
Jehovah of Hosts — Him ye do sanctify, And He [is] your Fear, and He your Dread,
14 At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.
And He hath been for a sanctuary, And for a stone of stumbling, and for a rock of falling, To the two houses of Israel, For a gin and for a snare to the inhabitants of Jerusalem.
15 At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli.
And many among them have stumbled and fallen, And been broken, and snared, and captured.
16 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.
Bind up the testimony, Seal the law among My disciples.
17 At aking hihintayin ang Panginoon na nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking hahanapin siya.
And I have waited for Jehovah, Who is hiding His face from the house of Jacob, And I have looked for Him.
18 Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga pinakatanda at pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion.
Lo, I, and the children whom Jehovah hath given to me, [Are] for signs and for wonders in Israel, From Jehovah of Hosts, who is dwelling in Mount Zion.
19 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay?
And when they say unto you, 'Seek unto those having familiar spirits, And unto wizards, who chatter and mutter, Doth not a people seek unto its God? — For the living unto the dead!
20 Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.
To the law and to the testimony! If not, let them say after this manner, 'That there is no dawn to it.'
21 At sila'y magsisidaan doon, na nahihirapan at gutom: at mangyayari, na pagka sila'y mangagugutom, sila'y mangagagalit, at magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios, at ititingala nila ang kanilang mga mukha:
— And it hath passed over into it, hardened and hungry, And it hath come to pass, That it is hungry, and hath been wroth, And made light of its king, and of its God, And hath looked upwards.
22 At sila'y titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila.
And unto the land it looketh attentively, And lo, adversity and darkness! — Dimness, distress, and thick darkness is driven away, But not the dimness for which she is in distress!

< Isaias 8 >